Chapter 16: Way Back into Love

569 62 8
                                        

Chapter 16

Way back into Love

 [ Angela's Pov ]

May dalawang linggo na rin ang nakalilipas simula nang mawala si Eryel. Masasabi kong ok lang ako, kahit medyo malungkot. Ganun din naman si Jenny. Pero si Kenneth kaya?

*sigh*

"Ayoko nang makita kang nasasaktan Kenneth. Kaya..kaya..kung maaari sana...hayaan mong ako na lamang ang umiyak para sa'yo."

Napaupo ako sa kama nang maalala ang sinabi kong iyon kay Kenneth. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang nasabi ko ang mga salitang iyon sa kanya. Hindi naman iyon ang pinraktis ko noon. "Wag ka ngang mag-emote! Lalong humahaba ang mukha mo eh!" dapat yung sasabihin ko pero iba naman ang lumabas sa bibig ko. Hay!

Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Masyado yatang napalalim ang pag-iisip ko kaya kahit sa simpleng tunog lang ng cellphone ko ay nagugulat na 'ko.

Tinignan ko kung sino yung nagtext at natigilan nang mabasa ko ang pangalan ni Kenneth sa screen.

Agad ko iyong binuksan.

From: Kenneth

Where art thou?

Napangiti ako pagkabasa sa text n'ya.

To: Kenneth

Sa bahay lang. Bakit?

From: Kenneth

Tingin ka sa labas.

Napakunot-noo ako nang mabasa ang text niya. Tumingin ako sa labas? Bakit? Anong meron?

Himbis na magtanong kung bakit ay binuksan ko ang pintuan sa veranda para mas makita ng maayos ang tanawin sa labas. Lumukot muli ang noo ko nang mapansing wala namang bago.

To: Kenneth

Nasa veranda na 'ko. Ano bang meron?

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon