Chapter 32: Worth it

52 5 0
                                    

Chapter 32


Worth it


 [ Khen's Pov ]


Pinaglaruan ko sa palad ko ang cellphone ko habang matiyagang naghihintay. Palinga linga ako sa paligid para matiyak kung darating ba siya kagaya ng napag-usapan namin kanina. Sumilong muna ako sa lilim ng puno dahil sa init ng sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Tanghali na kaya walang katao-tao dito sa playground. Tanghaling tapat pero maingay parin ang paligid dahil sa mga paputok.



Napaayos ako ng tayo nang makita kong dumating na ang taong kanina ko pa hinihintay. Nakapamulsa ang dalawa nitong kamay habang nakatingin sa'kin ng masama na hindi ko nalang binigyang pansin. Gusto ko nang tapusin ang pag-uusap namin ng mabilisan.


Sinundan ko lang siya nung naglakad siya papunta sa dulo ng playground. Nang makarating doon ay huminto siya.


Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tila ba nagpapakiramdaman pa kung sino ang unang magsasalita. Ako ang may pakana ng pag-uusap na ito kaya napagdesisyunan kong magsalita na. Ang kaso, naunahan niya ako.


"Anong kalokohan 'to?", maangas niyang tanong.


Labag man sa kalooban ko ay sinabi ko na ang pakay ko.


"Gusto..", sht.


"Anong gusto mo?", humarap siya bago ngumisi.


"Gusto kong kalimutan na natin ang nangyari a year ago.", there. I said it. Thank goodness!


"Hahaha!"


Napakunut-noo ako ng marinig siyang tumawa. 


"T*nga.", umiling siya.


"Seryoso ako Jeremy."


Nawala ang ngisi sa labi niya nang marinig ang sinabi ko.


"Alam mo naman kung paano ako magpatawad hindi ba?"


Tumango ako at sa pagtango kong iyon ay siyang pagtama ng kamao niya sa panga ko.


Nalasahan ko ang dugo na nagmula sa labi ko. Sht.


"Ugh!"


Sumalampak ako sa damuhan ng tuhurin niya 'ko sa sikmura. 


Kung hindi lang para kay Angela ang lahat ng ito. Babaliin ko ang leeg ng Jeremy na 'to pero hell! Alam ko naman ang mangyayari kapag nanlaban pa ako. Sht! 



I spat blood when he hit me hard on my stomach. Himbis na manlaban ay ipinagkrus ko ang mga braso ko para mapigilan ang pagtama ng mga sipa niya sa mukha ko. Fck! Hit me anywhere but not on my face! Ayokong mag-alala ang mga makakakita nun!

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon