Chapter 19
Heart to heart
[ Khen's Pov ]
Umupo ako sa pasilyo ng veranda para makapagpahangin at para makapag-isip-isip na rin kung pa'no ko sisimulang magsorry kay Angela.
"Woah Khen! Talagang magsosorry ka sa babaeng iyon?", hindi makapaniwalang tanong ng epal kong konsensya. Tsk!
Kanina pa 'ko nakikipagtalo sa isip ko pero mukhang nakalalamang ang konsensya kong iyon. Hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na nagsosorry. I was raised not to say my apologies but to show how sorry I am.
Napaayos ako ng upo nang makitang may humintong sasakyan sa harap ng bahay. Binuksan ng guard ang gate at pinapasok ito. Napatayo ako nang malamang si Dad ang dumating. Bumaba ako para salubungin siya.
"Dy.", tawag ko sa kaniya.
Kumalas si Mommy sa yakap. Lumapit si Dad sa'kin saka ipinatong ang kaliwa niyang kamay sa kanang balikat ko. Base sa ikinilos niyang iyon, alam ko na alam niya na na may bumabagabag sa isip ko.
Umakbay siya sa'kin saka kay Mommy bago kami sabay-sabay na pumasok sa bahay.
"So babae ang dahilan kaya ka napatambay sa dito?", nakangising tanong ni Dad habang tinapik ang pasilyo. He knew me that well. Yung tipong alam niya kung ano ang ibig sabihin ng ibang galaw ko.
Tumango ako.
"I hurt a girl Dad. Physically and emotionally.", tapat kong sabi sa kanya.
Napansin kong natigilan si Dad. Huminga siya ng malalim bago muling bumaling sa'kin. "Walang sapat na dahilan para saktan ng lalaki ang babae Kenneth. Men's strength must be used to protect the women."
"But Dad! I was irritated! She keeps on nagging at me. Palagi niya akong pinapangunahan. Masyado siyang nakikialam sa mga bagay na hindi naman niya dapat na pinakikialaman.", iritadong sabi ko sa kaniya. Dad must see my point here.
"Kagaya ng sinabi ko, walang sapat na dahilan para saktan ng lalaki ang babae Kenneth. They are clingy, noisy, nagger, and yes they are irritating but that is the natural characteristics of womankind! Magpasensya ka. Let's put it this way, what would you feel if I hurt your Mom just like what you've done to that girl?", ani ni Dad. I can't find words to answer him. He really got me there. Kung gagawin niya iyon kay Mom, imposible na mapatawad ko pa siya.
"You see my point here son?", tanong ulit niya.
Tumango ako.
"And one more thing, ang tunay na lalaki ay hindi nananakit ng babae. Now I'm starting to have a doubt in you.", nakangising sabi ni Dad.
"Dad!", angil ko. Tumawa lang si Dad.
"So what will you do now?"
"That, I don't know."
Napailing si Dad.
"Make her feel that you are sorry. Put sincerity in every action that you will do. It was easy as 1, 2, 3 Khen. Huwag mo lang pairalin ang pride mo dahil pag yan ang pinagana mo, mahihirapan kang humingi ng tawad sa kanya."
"But Dad, saying sorry is not my style."
Tumango si Dad. "Alam ko. Saying sorry is not my style too but I did. That became my style when I met your Mom. I treasure your Mom that much. Kaya kong mabuhay ng simple basta nandyan ang Mommy mo. Kaya kung mahalaga sa'yo yung tao, magsorry ka. Action speaks louder than words, yes but it will be better if you will say you're sorry to them. May mga tao kasing hindi sapat ang gawa, kailangan parin ng salita.", sabi ni Dad.
"Ano na'ng gagawin ko Dy? Pa'no ko sisimulan?", tanong ko.
Ngumisi lang si Dad sa'kin. "I'm afraid I can't help you with that. Mawawala ang sinseridad kung sa ibang tao pa manggagaling ang ideyang gagawin mo sa pagsosorry mo. Come on son! Hindi ka nagtop para umasa sa iba. You are better than that!", natatawang sabi ni Dad.
Ngumiti ako saka tinapik siya sa balikat.
"Got it Dad. Thank you."
* * * * * * * * * *
Sachi's note:
You have the freedom to laugh at my title. Heart to heart baby! Haha. Napakacheesy ano po? :D
Huwag niyo kalimutang i-click ang star button kung sang-ayon kayo sa ipinayo ni Daddy Fred! ;)
Salamat sa pagbabasa! :*
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Teen FictionFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
