Chapter 33
That Effect
[ Khen's Pov ]
Hindi ko alam kung ano ang meron sa kinain ko kaninang umaga na pwedeng dahilan kung paanong nakakasakay ako sa biro ng mga mokong kong kaibigan. Sa kalokohang ginagawa ng dalawa ay hindi mabura bura ang ngisi sa labi ko. Normal lang na bangasan ko sila sa ganitong sitwasyon pero hindi iyon ang nangyari. Tsk! Abnormal na nga yata ako.
♪"Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag-ibig mo'y aking kailangan."♪
♪"Pag-ibig na walang hangganan."♪
♪"Ang aking tunay na nararamdama-an."♪
Pulang pula na ang mukha ni Angela nung tignan ko siya matapos ang panghaharana kuno ng dalawang ugok. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na marami ng estudyante ang nakapalibot sa'min. Dun ko lang narealize na masyadong lantaran ang ginawang kalokohan nila Jek pero okey lang naman sa'kin. Mas maraming nakakaalam ng tungkol sa'ming dalawa, mas maganda.
"Tantanan niyo nga yung dalawa! Mga panira kayo ng moment!", puna ni Jenny sa kanila saka piningot sa tenga ang nakangiwing si Symon. Natawa nalang ako.
Nagpatuloy ako sa pagkain pero hindi parin nawawala ang ngisi sa labi ko. Fck. This is so gay!
"Ah- Kenneth.", huminto ako sa pagkain bago tumingin kay Angela na nagpatuloy sa pagsasalita.
"Hindi nga pala ako makakasabay umuwi mamaya. Kila Jenny kasi ako matutulog.", sabi niya bago ngumiti.
Tumango lang ako. "Sure. Text nalang?"
"Textmate.", aniya na ikinangiti kong muli.
Simula nung naging kami ay bihira nalang sila magsama ni Jenny. Yung tipong silang dalawa lang. Hindi ko na kasi magawang humiwalay kay Angela when she's on my perimeter. Ganun ako kaabnormal. Kaya nung madismissed kami sa huli naming klase ay halos magpasagasa na ako sa kotse nila Jenny mapahinto ko lang ito. Nanlalaki ang mga mata ni Angela nung bumaba siya mula sa backseat at hinarap ako.
"Ano bang ginagawa mo Kenneth?!", galit man ang tono ng boses niya ay hindi ko parin maiwasang mapangiti. She's fcking worried! That's all that matters.
"Pwede sumabay?", tanong ko. Nalaglag ang panga niya kaya lumapit ako para paglapatin muli ang nakanganga niyang bibig.
Binuksan ko ang pinto sa tapat niya saka siya pinaupo. Pumasok na rin ako saka isinara ang pinto.
"Grabe ka Khen! Ang adik mo!", sabi ni Jenny. Humalukipkip siya bago mataray na umirap sa direksyon ko.
"I am not offended Jenny. You know how addicted I am when it comes to your bestfriend.", sabi ko kay Jenny ngunit ang tingin ko ay na kay Angela lamang. Nakita ko kung paano namula ang pisngi niya at kung paano siya nag-iwas ng tingin para maitago lang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/4194539-288-k282859.jpg)
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Novela JuvenilFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...