Chapter 36
Surprise
[ Khen's Pov ]
Ilang araw na rin ang nakalipas pero hindi parin ayos ang isip ko. Sa mga nagdaang araw na iyon ay hindi na kami lumalabas ni Angela. We spent lunch and vacant time together, yes. Nagagawa ko ring sunduin siya para sabay na kaming pumasok at ihatid siya pagkatapos ng klase, but the thing is, my mind is not present when I'm with her. I know it's bull but I'm still confuse with my feelings. Simula nang makita ko si Eryel sa mall, may nagbago na sa'kin.
"Uy Kenneth? Nakikinig ka ba?"
Napakurap ako nang maramdaman ang bahagyang pagtapik ni Angela sa pisngi ko. Nadako ang tingin ko kay Symon na umiling lang sa'kin na para bang may ginawa ako na hindi niya nagustuhan. Hindi ko naman ikakaila dahil meron naman talaga. Alam niya 'yon. Alam na alam niya.
I sighed before I said my sorry for not paying attention. She smiled. Sa sandaling iyon ay tanging ang pagkuyom nalang ng kamay ang nagawa ko. Damn guilt.
"Tinatanong kita kung anong plano mo ngayong bakasyon? Ako kasi susubukan ko yung offer ng kakilala ni Kuya. Madali lang naman yung gagawin. Boses lang ang puhunan.", aniya bago ngumiti.
Napabuntong hininga muli ako bago sumagot.
"Hindi ko pa alam. Baka sa bahay lang ako. Magtatrabaho ka pa? Hindi mo naman na kailangan yun."
Napanguso siya sa sinabi ko na mas nakapagpabigat ng nararamdaman ko. "Kailangan ko yun ah. Iba na rin kasi pag pinagtrabahuhan mo talaga yung pera na gagastusin mo."
I cursed and cursed mentally. I love her principles but damn it! Just damn it! I just realized that I don't really deserve someone like you. I, who suddenly have this confusion between the first and the present.
"Naitext ko na nga pala si Jek at Kash. Papunta na raw sila sa inyo Khen.", sabi ni Jenny habang tinitignan ang sariling repleksyon sa compact niya.
Tumango nalang ako sa sinabi niya. Matapos nun ay wala nang umimik pa sa aming apat hanggang sa makarating kami sa bahay.
Bumaba si Jek at Kash sa kotse at sinalubong kami. Nakipagbrofist siya sa'kin saka kay Symon at nagsimula nang magkuwento ng kung anu-ano. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Jek kahit alam ko namang wala iyong kakwenta kwenta. Hanggang sa makapasok na kami ng tuluyan sa bahay ay hindi parin siya tumitigil sa pagsasalita. Tss.
"Si Mommy Ya?", tanong ko sa bago naming katulong.
"Nasa pool area si Mam Yeth, Sir.", magalang nitong sabi.
Nilingon ko ang lima sa likod ko bago tinahak ang daan papunta sa labas. Agad kong nakita ang nakatalikod na si Mommy na may kausap. Tinignan ko kung sino ang kaharap niya at nang makilala ko kung sino ito ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa panginginig ng kamay ko.
Lumingon si Mommy pero hindi ko manlang siya magawang tignan. Maging ang lima na kasama ko na maingay kanina ay nanahimik na ngayon.
Oh fck this sht! Bakit..bakit..
"Hello guys! I'm back! Surprise!", aniya bago ngumiti sa amin. Una niya akong nilapitan at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko. Awtomatikong hinanap ng mga mata ko ang mga mata ni Angela and damn! I can see the hurt and fear in her eyes yet she still managed to smile.
"I miss you so much Kenny!", aniya. Alanganin akong ngumiti. Ni hindi makahagilap ng salita.
Lumapit siya kila Jenny at Angela at masasabi ko na sobra rin ang pananabik niya sa kanila. Naiisip ko tuloy kung paano niya nagagawang umakto ng ganito. She acted like she didn't left us without even saying a word.
"Oh hi there, you are?", si Kash ang kausap niya.
"I'm Kashmir. Kashmir Jacinto.", pagpapakilala ni Kash sa kaniyang sarili.
"I'm Eryel Ramos. Kenny's special friend!", I heard her giggled. Napansin ko rin na natigilan si Kashmir sa narinig niya mula kay Eryel.
I remembered those times when I used to introduce Eryel to my other friends as my special friend because that's what I feel about her, but why would she introduce herself like that now?!
"Special friend ba kamo? P-pero-", tumingin si Kash kay Angela na mabilis na umiling sa kaniya.
Sht.
"Pero ano?", nakakunot ang noo ni Eryel habang naghihintay sa susunod na sasabihin ni Kash.
"Wala.", sabi ni Kash saka ngumiti.
Naiisip ko na kung paano ako papatayin ni Jeremy kapag nalaman niya ang pangyayaring ito. Even Nic appeared on my fcking mind!
Oh sht. Ano na ngayon Kenneth? Paano na?
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Fiksi RemajaFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
