Chapter 12: Anxiety

555 62 10
                                        

Chapter 12

Anxiety

 [ Angela's Pov ]

Kinuha ko ang libro ko sa locker para sa first subject. Kasama ko si Jenny na panay ang kwento sa naging lakad nila ni Symon kahapon. Gusto kong mapangiwi dahil sa kakornihan ng mga sinasabi n'ya pero hindi ko naman magawa dahil sigurado namang sasabihin n'yang naiinggit lang ako. Kahit alam naman n'yang hindi. Tsk.

"Tapos alam mo ba--", nakangiti s'yang nagkukwento.

"Hindi ko alam.", walang gana kong sagot na parang hindi n'ya naman napansin dahil busy s'yang pakiligin ang sarili n'ya.

"Kumain kami ng dirty ice cream sa park ng nakaganito oh!", ani n'ya saka kinuha ang kanang braso ko para ipinakita kung paano yung sinasabi n'ya.

Napabuntong hininga ako.

"Jenny naman. Sa bahay ka na nga lang magkwento nung nangyari sa date nyo ni Symon. Baka isipin ng ibang tao inaatake ka ng epilepsy d'yan.", sabi ko sa kanya bago nagpatuloy sa paglakad.

"Hmf. Inggit ka lang d'yan eh! Haha. Hindi ka makarelate sa sinasabi ko 'no?", sigaw niya kaya napatingin sa'min ang ibang estudyante na nasa hallway. Napanganga nalang ako. Literal na napanganga.

Kailangan talagang ipagsigawan? Nakakainis talaga 'to!

"Hoy! Maalala ko lang. May atraso ka nga pala sa'kin!", ani ko bago lumapit ulit sa kanya.

"A-ano naman yon aber?", tanong niya.

"Bakit mo sinabi kay Kuya Ji na boyfriend ko si Kenneth? Ha?", bulong ko. "Ikaw!", kikilitiin ko na sana siya bilang parusa pero tumakbo na siya palayo sa'kin bago tumili.

Napailing nalang ako habang nakatanaw sa kanya. Tignan mo yun, parang hindi babae eh.

- - -

Nagdidiscuss na sa'min si Miss Lee pero wala naman ni isang pumapasok sa utak ko. Sa isang oras na pagsasalita niya sa harapan ay tila hangin lamang na naririnig ko na hindi ko naman maintindihan. Muli akong napatingin sa bakanteng upuan sa gilid na kalinya lang namin. Pang ilang tingin ko na ba 'to? Pang walo? Syam? I lost count. Masyado akong nag-aalala kahit hindi naman dapat. Ito ang unang pagkakataon na lumiban sa klase si Kenneth. Ang nakapagtataka pa rito ay hindi alam nila Dominic kung bakit absent siya ngayon. Nakailang texts na raw sila pero ni isa ay walang reply galing sa kanya.

"That will be all for today. Class dismiss.", pagpapaalam ni Miss Lee bago lumabas ng klase.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon