Chapter 9: Strange

607 65 16
                                    

Chapter 9

 

Strange

 [ Khen's Pov ]

Alanganin akong napangiti habang sinusundan sa tingin si Angela. Ilang minuto rin ang itinagal ng pagtitig ko sa bahay na pinasukan n'ya pero parang walang silbi ang oras dahil masyadong naoccupy ang isip ko ng mga huling sinabi n'ya.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan ko na ring umalis sa lugar na yun pero napatigil ako nang mapansin ko ang bagay na malapit sa paanan ko.

Panyo.

Panyo na may design na dilaw na sponge at pink na star. Fan of Spongebob and Patrick eh? Napakaisip bata talaga.

---

"Hi tita.", bati ko sa Mommy ni Eryel nang makita ko ito sa living room ng kanilang bahay. Tumingin ito sa'kin at napangiti. "Oh Kenneth, hi! I thought you won't come."

"Well Tita, your thoughts were wrong.", ani ko bago bahagyang natawa. "Nasa'n po si Eryel?"

"She's practicing in her room.", ani nito na ikinatango ko. Nagpaalam na ako sa kanya bago nagpunta sa kwarto ni Eryel.

Nakatatlong katok ako bago bumukas ang pinto. Bumungad sa'kin ang nakangiting si Eryel na may hawak na violin sa kaliwang kamay nito.

"Kenneth!", ani nito bago yumakap sa'kin. "Ang tagal mo! Ang akala ko tuloy ay hindi ka na darating.", ani n'ya bago kumalas sa yakap.

"Posible ba'ng palampasin ko 'to?", I laughed playfully. "Will you play me a song now?", ani ko bago sya nginitian. 

Tumango s'ya bago humakbang paatras saka inihanda ang violin sa pagtugtog. Sandali lang ang pyesang tinugtog n'ya kaya napangiwi ako. Lalo na't yung "Birthday Song" lamang naman yung tinugtog nya.

"Ano bang klaseng tugtog yun? Magplay ka pa."

"Eh, tama na yun! Haha."

"Wala. Madaya.", tukso ko bago naupo sa harap ng piano na nakapwesto malapit sa veranda ng kwarto nya.

"Magpiano ka nalang.", ani ko pero umiling naman s'ya. "Sige na."

"Ayaw."

"Kumakapal na ang madidilim na ulap oh. Paulanin mo na nang tuluyan.", pigil tawa kong sabi.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon