Chapter 20: Sorry

523 61 13
                                        

Chapter 20

Sorry.

 [ Angela's Pov ]

Naging mahirap para sa'kin ang paglunok ng pagkain kanina. Naiilang kasi ako sa Kuya ko. Nakita niya akong umiiyak kahapon. Tinatanong niya kung ano ang nangyari sa'kin pero pinili kong huwag nalang ipaalam sa kaniya. Ang kaso, sadyang magaling manghula si Kuya Ji dahil nalaman niya kaagad na si Kenneth ang dahilan kung bakit ako umiyak kahapon.

Ang gusto ko lang naman kasi ay ang magkaayos sila ni Dominic. Nag-away sila nang dahil sa'kin. Kung hindi ko lang talaga alam ang sitwasyon ay iisipin kong ako ang pinag-aawayan nila. Nakakatawa mang aminin pero minsan ay  sumagi iyon sa isip ko. Pero alam ko namang imposible iyon. Kahit mas maayos na ang pakikitungo ni Kenneth sa'kin kumpara sa dati, wala parin akong puwang sa puso niya. Wala pa ako sa kalingkingan ni Eryel. Wala akong panama. Wala akong laban sa kanya.

"Sorry daw."

Huh? 

"Uy ate sorry daw."

A-ako ba ang kinakausap ng mga yun?

"Sorry."

Ano bang meron at andaming nagsosorry sa'kin?

Sa takot ko ay nagmadali akong pumunta sa room namin. Nasa hagdanan na ako papunta sa 3rd floor nang mapahinto nang dahil kay Jenny. Nginitian niya ako saka sinundot ako sa tagiliran.

"Ayieh! Ang haba ng hair mo besty?", sabi niya pa.

"Ano bang meron?", takang tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

"Sorry daw Angela.", nakangisi pa si Symon bago nagcourtesy.

"Oy, sorry daw.", ani naman ni Jek bago ako pinagbuksan ng pinto.

Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Sa mga taong nakasalubong ko kanina na bigla nalamang nagsorry sa'kin, sa mga kaklase ko na may hawak na manila paper at cartolina na may nakasulat na 'sorry' o sa lalaking nasa harapan ko na may hawak na isang bouquet na  roses?

Tumikhim siya bago nagsalita.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon