Chapter 7: Camera

628 64 22
                                        

Chapter 7

Revised & Edited

Camera

 [ Khen's Pov ]

"Babalu p're?", bungad ni Symon nang makita akong papunta sa kinaroroonan nila ni Jek na nahuli kong napangisi nang dahil sa sinabi ni Symon.

"Gusto mo nito?", tanong ko bago ipinakita ang kamao ko. "Tsk."

That girl surely knew how to piss me off.

"Dude, tanggapin mo nalang kasi ang katotohanan na pansinin ang baba mo.", gatong pa ni Jek kaya binatukan ko ito.

"Makapagsabi 'to. Tanggapin mo munang bansot ka bago mo sabihin yan sa'kin.", ani ko bago hinablot ang hawak nyang gitara.

"Woah! Now that you did it!", tumayo sya bago iniunat ang braso saka pinatunog ang mga daliri. "Naliliitan ka ba sa'kin Khen!", aniya bago iniharap ang pinalapad nyang dibdib.

Tamad kong binawi ang tingin sa kanya bago itinuon ang atensyon sa hawak na gitara.

"Oo dahil oo, maliit ka.", ani ko bago nagrandom strum.

Natigilan ako nang marinig ang nakakalokong tawa n'ya.

"Woah dude, pintasero ka!", ani n'ya bago nakipagpalitan ng makahulugang tingin kay Symon. Kung ano man ang ibig sabihin nun, hindi ko na alam. Sila lang naman kasi ang madalas na nagkakaintindihan.

Bumuntong hininga ako bago s'ya sinagot.

"Hindi ako namimintas. Nagsasabi lang ng totoo.", ani ko. Muling tumawa ang dalawa at mas malakas na ito ngayon kumpara sa una. Sa sobrang tawa nila ay napapahampas na sila sa mga hita nila. 

"You should have heard yourself dude! You sound exactly like Angela!", he said between his laugh.

"Hindi ako namimintas. Nagsasabi lang ng totoo.", he said, imitating Angela's voice. "Fck dude! Kung hindi ka lang patay na patay kay Eryel iisipin kong soulmate mo s'ya!"

Wala na akong ibang magawa kundi ang mapailing nalang sa inaasal ng dalawa. Tss. Ang mga gago, nakashabu ata.

"Uy, nagkakatuwaan yata kayo ah?" 

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun. Ganun nalang ang gulat ni Symon nang makita si Jennica na nakatayo sa pinto na may bitbit na gitara kasama ang dakila nyang anino na kasama rin si Nic.

Tumikhim si Symon. "N-nica! Hi!", ani nya na ikinangisi ko. Tignan mo 'to. Pagoodboy kapag nasa harap si Jennica.

"Hi.", bati nito pabalik.

Lumapit yung tatlo sa'min. Nakipagbrofist si Nic  habang si Angela ay nananatiling nakatayo sa bukana ng pintuan.

Hindi rin nagtagal ay umalis na s'ya na kasama si Nic. Napatanga ako dahil walang paalam na umalis yung dalawa.

"Sa'n punta nun?", I asked no one in particular.

"Sundan mo kaya para malaman mo.", Symon answered playfully bago nakipagpalitan ng mapaglarong tingin kay Jek.

Napaismid ako bago sila tinignan ng masama.

"Uy, nangangamoy, nangangamoy? selos?", ani ni Jek na naging dahilan para umalis ako sa lugar na yun.

"Hoy! Yung gitara ko!", rinig kong sigaw ni Jek pero hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy nalamang sa pag-alis sa tambayan.

Natagpuan ko ang sarili ko sa ilalim ng puno malapit sa soccer field ng paaralan. Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero sapat na sigurong dahilan ang pagiging tahimik ng lugar sa mga oras na 'to. Isang oras pa kasi ang padadaanin bago mag-uwian. In our case, nasa labas na kami dahil wala yung teacher namin for the last subject.

Nanliit ang mata ko ng makarinig na kaluskos sa paligid kasabay ng sa tingin ko ay capture tone ng camera. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mahinang tawa kaya sinundan ko ang pinanggagalingan nito. 

Sa likod ng punong sinasandalan ko ay natagpuan ko ang babaeng nagmamay-ari ng tawa na yon. Hindi ko alam kung mapapatawa o maiinis ako sa nakita ko. Ang epic n'ya kasi magpose sa harap ng camera.

Muling lumikha ng mahinang tunog ang camera n'ya. Nanatili lang akong nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Makaraan ang ilang shots ay chineck nya ang mga kuha n'ya. Maya-maya pa ay napasinghap s'ya pagkakita sa mga yon.

Mabilis na lumingon s'ya sa'kin nang may nanlalaking mga mata.

"Kenneth!", ani n'ya bago tumayo at inayos ang sarili.

Lumapit ako sa kanya bago hinablot ang hawak nyang camera para tignan ang mga huling kuha nito.

Puro mga pacute na picture, tss pati tuloy ako nakasama sa shots. Para tuloy kaming nagphotobomb. Pch!

Ibinato ko sa kanya ang camera na masuwerte n'ya namang nasalo saka ko s'ya tinalikuran.

"Kahit ilang beses kang magpacute sa camera, hindi magbabago ang katotohan na ang manang mo parin.", ani ko bago naglakad papalayo sa kanya.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon