Chapter 17
Mall
[ Khen's Pov ]
Hindi parin maalis sa isip ko ang pagkantang ginawa ni Angela kahapon. Sa tuwing maaalala ko kung paano sya kumanta ay nagtataasan ang mga balahibo ko. Wow! Akalain mo nga naman! Marunong palang kumanta yun? At marunong pang tumugtog ng piano!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa nang maramdaman ang pagvibrate nito.
From: Simon
Papunta na kami d'yan ni Jek pare. Nakahatak ng chics ang gago haha! Bilisan mo d'yan, baka magpachics ka pa. Nandun na yung dalawa!
Napailing ako nang mabasa ang text n'ya. Tinignan ko ang oras bago nagmadaling ibutones ang polo ko. Nang masigurong wala na akong nakalimutan ay lumabas na 'ko ng bahay.
"Aga ah!", malapad ang ngiti ni Symon nang makipagbrofist s'ya sa'kin.
"Tss. Si Jek?", tanong ko nang mapansing wala s'ya sa labas ng sasakyan.
"Busy.", sabi n'ya. Nag-ngiting aso pa s'ya.
Kumunot ang noo ko bago napalingon sa tinted window ng van na parang makikita ko ang nakasakay doon.
"Tara.", aya ni Symon. Tumango ako bago sumunod na rin sa kanyang pumasok ng sasakyan.
- - -
"Pwede bang umurong ka ng kaunti? Personal space please!", rinig kong sabi ni Kashmir for who knows how many times! Ang sabi ni Symon ay kanina pa nagtatalo yung dalawa na yan bago pa man ako daanan.
"Sorry babe. I want it intimate.", sabi ni Jek dito. Panay ang tulak ni Kashmir sa lintik. Nasa harapan namin sila kaya talagang nakakairita.
"Just give what she fcking wants Jake! Damn it!", I couldn't help but to butt in.
Nanlaki ang mata ng babae na tumingin sa'kin. Itinaas ni Jek ang dalawang kamay sa hangin.
"Come on, man! You didn't have to shout! Tss. What a party pooper!", ani n'ya bago umayos ng upo at humalukipkip.
Good boy, Jek. Good boy.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Genç KurguFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...