Chapter 11
Guilt
[ Angela's Pov ]
Seeing how happy he is when he's with her made me smiled bitterly. Hindi ko alam kung bakit pero nawawala talaga ako sa mood kapag nakikita silang magkasama. Marahil ay naiinggit lamang ako kay Eryel dahil nakakasama niya ng ganun si Kenneth. Yun bang walang halong pagkainis. Hindi kagaya nung atmosphere kapag kaming dalawa lang ni Kenneth.
"Oh, gabi na ah. Bakit nasa labas ka pa?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at natagpuan ng mga mata ko si Dominic. Nakangiti s'yang lumapit sa'kin, ngumiti lang din ako pabalik.
"Gusto ko lang tumambay. Bakit? Masama?", sabi ko.
Tumawa siya bago hinubad ang suot na jacket at ipinatong iyon sa balikat ko. I mouthed my thanks to him bago siya naupo sa tabi ko at sinamahan akong tumingala sa langit.
"Bakit nga ba masarap tumambay sa labas kapag maraming bituin sa madilim na langit?", ani niya na ikinatawa ko naman.
"Ang lalim nun ah! Bakit nga ba?", pigil ang ngiting tanong ko.
"Aba malay ko. Kaya nga tinatanong ko rin sa'yo diba?", ani niya. Sabay kaming natawa sa klase ng pag-uusap namin. Ang saya niya talagang kasama. Stress free kumbaga. Hindi katulad ng kaibigan niya.
"Nakakita ka na ba ng shooting star?", tanong niya.
"Oo, maraming beses na. First time kong makakita nun nung nagstargazing kami nung nasa Aurum pa ako.", sagot ko sa kanya. Napangiti rin ako nang maalala ko ang mga masasayang alaala na meron ako sa dati kong pinapasukang paaralan. "Seeing them was so magical! Hindi ako makapaniwala na meron pala talagang bulalakaw!", sabi ko bago tumingin sa kanya.
"Bakit mo nga pala naitanong?"
Sa halip na sumagot siya sa tanong ko ay ibinalik niya lang ang tingin nya sa mga bituin sa langit.
"Naniniwala ka ba na kapag nakakita ka ng shooting star, at kapag nagwish ka roon ay matutupad ang hiling mo?"
Natigilan ako sandali sa tanong na iyon ni Dominic pero hindi rin naman nagtagal bago ako nakasagot.
"Yes, but that was during my childhood. As time passed by, narealize ko na hindi naman talaga yung star ang naggagrant ng wishes natin kundi tayo rin mismo. Star is just like a promise that gives us hopes but not really granting our wishes.", ani ko na ikinangiti ni Dominic. Pumalakpak siya na para bang nakapanuod ng isang magandang palabas. Natawa nalang din ako bago ibinalik ang tingin sa taas.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Novela JuvenilFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...