Chapter 30
Pain for someone's happiness
[ Angela's Pov ]
Napatakip ako sa magkabilang tenga ko nung magtitili sila Jenny at Kash sa mga pinagsasasabi ko. Ngayon ko lang kasi pinaalam sa kanila yung nangyari nung isang gabi. Saka, kung bakit nag-iba yung ikinikilos ni Kenneth whenever I'm around. Nagtataka sila hanggang sa eto, piniga ako. As in lahat pinakuwento sa'kin kung ano ang dahilan ng biglaang pagbabago ni Kenneth! Pero syempre! Hindi ko sinabi lahat! Hehe!
"Sabi ko na nga ba besty eh! Kayo rin ang magkakadevelopan eh. The more you hate, the more you love pala talaga!"
"Ineexpect ko na rin na magiging kayo ni Kenneth! Kyaaah! Nakakatuwa lang kasi, gwapo na, matalino pa!"
Alanganin akong ngumiti sa dalawa kong kasama. Grabe, ang advance nila mag-isip ha!
"Uy ano ba kayo! Wag nga kayong maingay baka marinig nila tayo! Tsaka uy! Nanliligaw palang naman kaya yung tao!"
Ngumiti sa'kin si Jenny.
"Asows! As if namang hindi mo sasagutin si Khen!"
Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngiti na unti-unting pumoporma sa labi ko. Pumasok palang sa isip ko yung salitang boyfriend ay para na akong sasabog sa kilig! Teka! Ganito ba talaga pag first time?!
"Ay! Hahaha! Jenny! Hahahaha tama na! Tama na!"
Mabilis ang naging paghinga ko nung napatigil ko si Jenny sa pangingiliti sa'kin. Pakiramdam ko, lahat ng kinain kong tanghalian kanina ay nawala!
"Ngingiti-ngiti kasing mag-isa! Aruy! Halata ka bebe ah!", tukso ni Kash sa'kin.
Kumuha ako ng unan para itakip sa mukha ko. Nakakainis! Teka? Ba't nga ba ako naiinis kung alam ko namang natutuwa ako? Eh? Posible pala yon? Nakakainis na nakakatuwa?! Okey, ako na ang malabong kausap!
- - -
Palubog na ang araw nung lumabas kami ng bahay para magswimming. Si Jenny at Kash, ayun nakatwo piece pero may suot naman silang napakaikling shorts. Ako? Hmm. Nakapedal, shirt at jacket. Wala naman kasi akong balak magswimming! Ang lamig kaya! Buti hindi sila giniginaw sa suot nilang yun?
Napaayos ako ng upo nung maramdaman ko ang presensya ni Kenneth sa malapit. Himbis na tumayo at maglakad palayo ay nagsulat nalang ako ng kung anu-ano sa buhangin.
"Hindi ka ba maliligo?", tanong niya bago umupo malapit sa'kin.
"Hindi. Malamig kasi.", sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
"Don't be rude. Tumitingin ka dapat sa isang tao kapag kinakausap ka. Tsk.", maangas niyang sabi kaya inis akong humarap sa kaniya.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Teen FictionFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
