Chapter 3: Eryel Ramos

763 73 29
                                    

Chapter 3

Revised & Edited

Eryel Ramos

[ Khen's Pov ]

"Khen may naghahanap sayo.", ani ng isa sa mga kaklase ko. Napakunut ang noo ko nang ngumiti siya ng isang mapanuksong ngiti.

What the hell?

Kinuha ko ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas ng gym. Nasa pinto na ako nang biglang napahinto at mabilis na humakbang sa gilid para maiwasan ang kaklase ko sa pagsubsob sa'kin. Dahilan para sa sahig s'ya sumalampak.

Lumapit ako sa kanya at tinulungan s'yang tumayo.

"Salamat 'tol.", aniya pagkatayo. "Nakalimutan kong sabihin na nasa cafeteria s'ya."

Tumango ako saka nagpasalamat bago dumiretso sa cafeteria. 

- - -

Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng cafeteria. Wala namang tao dahil kanina pa nadismiss ang klase pero may isang babaeng nandoon na hindi ko naman inaasahang pupunta rito.

Likod palang, alam ko na na s'ya yan. Kaya tahimik akong lumapit sa kanya. Mabilis akong naupo sa tabi n'ya, kung saan ako ay nakaharap sa lugar na pinanggalingan ko habang s'ya naman ay nakaharap sa nasa likuran ko.

"Khen!", aniya bago yumakap sakin.

"Yel.", I hugged her back. Damn! I miss her so much.

Una syang kumalas sa yakap, tumayo s'ya at pumareho ng upo sa'kin.

"Kumusta?! May napansin ka bang bago sa'kin?! Ha? Ha?", tanong n'ya habang itinataas-baba ang kilay n'ya.

Kumunot ang noo ko sa tanong n'ya. Tinignan ko s'ya ng mabuti.

May nagbago ba? Parang wala naman.

"Wala. Bakit?", sagot ko.

Ngumuso naman s'ya.

"Uy bakit? Meron ba?", tanong ko.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon