Chapter 27: Secret

512 51 0
                                    

Chapter 27

Secret

[ Khen's Pov ]

"Kung ako sa'yo dude, itext mo na.", sabi ni Jek na kasalukuyang kausap si Kashmir sa telepono.

"Oh nga naman p're para kumpleto naman ang Tropang Pogi!", nakatawang saad ni Symon bago nagpogi sign sa harap namin. Tss. Mukha siyang baliw.

Kasalukuyan nila akong pinipilit na itext si Nic. Ngayon na kasi ang punta namin sa resort nila Jek sa probinsya. Hindi alam ni Nic ang planong bakasyon namin dun kaya ako ang pinapatext ng dalawang mokong para sabihin iyon sa kaniya.

"P*ta! Eh bakit hindi nalang kayo ang magtext?!", I hissed.

Nagtaas ng dalawang kamay si Jek. Hawak niya parin sa kaliwang kamay niya ang telepono. "Chill up dude. May kausap ako.", ani ni Jek bago napa'tsk' at naglakad palayo sa'min. Si Symon naman ay kasalukuyang nakahawak sa kaniyang dibdib na tila ba gulat na gulat sa naging reaksyon ko kanina.

"Parang t*nga lang ah? Nagkakaganyan ka ba dahil sa hindi pagsipot ni Nic sa play nung party? P're ang babaw mo naman. P*ksht naman! Itext mo yun.", aniya bago sumunod kay Jek sa labas.

Napamura nalang ako sa inasal niya. If they only knew what's the real issue between us, hindi magiging ganyan ang magiging reaksyon niya.

---

Two hours had passed. Nananatiling tahimik ang dalawang ugok sa tabi ko. Sila Jenny, Angela at Kashmir ay nasa harapan lang namin. Salamat sa natural na kaingayan nila dahil naging normal ang byahe namin papunta sa resort.

"Nagugutom na ko besty! Hindi pa ba natin kakainin yung cookies mo?!", rinig kong sabi ni Jenny.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng gutom nung marinig ko yun. Nakakahiya mang aminin pero talagang gustung-gusto ko ng cookies. Lalo na yung cookies na si Angela mismo ang nagbake.

"Ah-ano.. Teka."

"Wow. Nakakatuwa naman! Marunong kang magbake?", tanong ni Kash.

"Oo naman! The best baker nga yan eh! Kung may Baker King sa TV, si Gel ang Baking Queen sa totoong buhay!", si Jenny ang sumagot sa tanong ni Kash. She sounds like a proud mother with that tone of her voice. 'Di ko maiwasang mapangiti. Glad they didn't see it.

Napatingin nalang ako sa container na nasa harapan ko. It took me a while before accepting it.

"Share kayo ah.", sabi ni Angela. Wala sa'kin ang tingin niya kundi nasa container na hawak.

I had muttered my thank you before she turned her back at me.

Napatanga nalang ako nang makitang mabilis na hinablot ni Symon ang container sa kamay ko. Binuksan niya ito at kumuha ng isa.

"Hmm. Ang sarap nito Angela. Pakituruan mo nga si Jenny my loves magbake ng ganito.", natatawang sabi ni Symon.

"Tse! Ang sama mo! Nakakain parin naman yung bakes ko ah!", sagot ni Jenny.

"Wala naman akong sinabing nakakamatay ah?", tukso pa ni Sy.

"Tse! I hate you!"

"Oh! I love you too", ani ni Symon na nakagising sa diwa ni Jek.

"Kadiri ka dude.", bulong ni Jek bago nakatikim ng batok mula kay Symon.

Psh. Mukhang hindi nila napapansing ang awkward ng position namin.

---

"Nandito na tayo!", anunsyo ni Jek na siyang nagpatiunang lumabas. Binuksan niya ang pinto sa tapat nila Kash at inalalayang bumaba ang babae.

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon