Chapter 21
[ Angela's Pov ]
Napapangiti nalang ako sa tuwing naaalala ko yung ginawa ni Kenneth kanina. Para kasing kami na ewan! Pero syempre, kailangan kong itatak sa isipan ko na hanggang friends lang kami. Hindi ako nag-aassume. Ayoko rin naman mag-assume. Dahil kapag yun ang nangyari, ako lang ang masasaktan.
"Besty! Punta ka rito sa link na 'to. May scandal ka!", message ni Jenny sa'kin sa fb. Napakunot-noo ako nang mabasa ko yun. Ako? May scandal? Imposible! Pero diba may scandal na sinasabing sa'yo dahil kamukha mo yung nasa video? Hindi kaya ganun yun?!
Kabado kong itinaman ang cursor sa link bago iyon pinindot. Nakapikit ako habang ginagawa iyon pero nang marinig ko ang boses nung nasa video, mabilis akong napadilat nang mata!
"Idodownload ko 'to!", sabi ko sa sarili ko. Remembrance lang ba. Pwede naman siguro diba? Sa'kin lang naman eh!
Tinignan ko yung number ng view at nagulat ako nang makitang nasa libo na iyon. Teka? Kanina lang 'to ah? Naka-1000+ views na agad?! Ganun ba kasikat si Kenneth sa Keislin?
Binasa ko yung ilang comments sa baba.
PogingJek: First time magsorry ng gago. Congrats dude! Binata ka na! Haha.
PogingSy: Nagblush pa po siya d'yan mga kaibigan!
JennydelaCruz: Ang lucky ni @GelEsmana!
Napangiti ako nang mabasa ang mga comment ng mga kakilala ko. Pati naman yung comment ng mga hindi ko kilala ay nakapagpangiti sa'kin ng husto. Masaya na sana ako kaso may comment doon na talagang nakapagpabura ng ngiti sa labi ko.
JiSyndrome: Ambaduy! Pwe!
Tsk! Ang sama talaga ng ugali ni Kuya!
Napabuntong hininga nalang ako pagkaraan ay ngumiti ulit. Masyadong nangingibabaw yung nangyari kanina para alalahanin ko pa yung komento ni Kuya.
New day, new life. Bagong ako? Siguro! *giggles* Feeling ko tuloy ang landi ko na. Sorry for the word pero ganun talaga ang nararamdaman ko ngayon. Pagkagising na pagkagising palang kasi ay nakatutok na ang mga mata ko sa laptop.
"I said I'm sorry. Sorry for being a jerk. I'm sorry for hurting you emotionally, and physically. I'm sorry."
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Подростковая литератураFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...