Chapter 40
Seduction
[ Khen's Pov ]
It's 8 o'clock already but I'm still lying on my bed. Masisisi niyo ba ako kung nanaisin kong magkulong sa kwarto sa ganitong panahon? Sa lamig ay hindi ko na nagawang buksan ang aircon kagabi. Damn summer rain.
Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para subukan ang game na dinownload ko kagabi. Bubuksan ko palang ang game ay nagflash na agad ang pangalan ni Eryel sa screen. Huminga ako nang malalim bago sagutin iyon.
"Good morning.", bati ko sa kabilang linya.
[Good day Kenny! May gagawin ka ba mamaya?]
"Wala naman, bakit?"
[Ligo tayo sa ulan!]
Napailing ako nang marinig ang excitement sa boses niya.
"Okey ka lang? Baka magkasakit ka."
[Hindi yan Kenny. So ano? Cool ka mamaya ah?]
"Alright. Be it 3pm?"
[Sige! Babye!]
Napatingin ako sa ceiling bago napabuntong hininga. I'm not happy with my life anymore. I'm starting to hate myself for keeping my relationship with Angela a secret.
Muling tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon without knowing kung sino ang tumatawag.
Narinig ko ang hello niya. Simpleng bati pero ang lakas ng epekto sa'kin. Damn! I really miss her.
"I love you.", agad kong sabi. Napakunot ang noo ko nang hindi nagsalita si Angela. Nakaramdam agad ako ng kaba.
[I- I love you too.], I heaved a sigh upon hearing her answer. Sht pang ilan ko na ba 'to?
[Pwede ba kitang makausap ngayon, Kenneth?]
Napangiti ako bago tumayo para kumuha ng damit sa closet ko.
"Alright Miss. I'll just get myself ready.", nakangiti kong sabi. Hinintay kong patayin niya ang tawag bago ako pumasok sa banyo.
Damn! I've never been this excited before. Sobra ko lang siguro siyang namimiss kaya ganito.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
JugendliteraturFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
