Chapter 25: Her man

498 54 1
                                    

Chapter 25

Her man

 [ Khen's Pov ]

Kasama ko si Angela at dalawang co-officers ko nung magpunta kami ng mall para makapamili ng mga kakailanganin sa nalalapit na Year End party. Nakapamili na kami ng gagamitin naming props, damit nalang nila Angela at Nic ang kulang.

Ang problema, wala si Nic!

"Sigurado ba kayong alam ni Nic na ngayon tayo mamimili ng mga kakailanganin sa play?," I asked no one in particular.

"Tinext ko na siya. Maraming beses na, pero wala parin siyang reply.," si Leira ang sumagot.

"Then call him!," ani ko sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata siyang tumango bago kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bag. 

"Ah-ako na.," rinig kong sabi ni Angela. Nilingon ko siya at bahagyang napailing.

"Ako na.," agad kong sabi bago kinuha ang phone sa bulsa at tinawagan si Nic.

Nakadalawang ring bago niya sinagot ang tawag. Hindi pa man nagsasalita ang nasa kabilang linya ay napakunot agad ang noo ko.

Nakakapagtaka naman kasi.

Since when did Dominic become associated with a business meeting? Base sa pag-uusap na naririnig ko sa background, nasa meeting siya kasama ang Papa niya.

"Ah, Khen. Hindi ako makakapunta. Nasa meeting kasi ako," nahinto sa pagsasalita si Nic. Marahil ay dahil iyon sa pagpepeke ng ubo ng sa tingin ko ay si Tito Mark, ang Papa niya.

"I'll hung up now. Tell Angel Im sorry for not coming.," sabi niya bago pinutol ang tawag.

Napaismid ako bago muling inilagay ang phone sa bulsa ko.

"He's busy. Hindi raw siya makakarating.," sabi ko habang nakatingin sa Boutique shop na nasa tapat lang namin. 

"Ha? Eh paano yon? 2 days from now Party na!," saad ni Leira bago inilagay ang dalawang kamay sa bewang niya. Napansin kong tumahimik bigla ang mga kasama ko kaya nagtatakang napatingin ako sa kanila.

"What the fck are you gals looking at?!," ani ko bago bahagyang humakbang papalayo sa kanila. Damn that look in their eyes!

"Mukhang magkasukat naman kayo ni Dominic. Khen. Pwede?"

"Oo nga. Ikaw nalang magsusukat nung mga damit na gagamitin niya. Para hindi masayang ang pagpunta natin rito----"

That Girl is DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon