Chapter 44
Cold and Lifeless
[ Angela's Pov ]
"Angela, bakit naman hindi mo sinabi sa'min na lumalala na pala 'yang sakit mo? Pinag-alala mo kami, alam mo ba yun?", mahinahong tanong ni Papa.
Nakayuko lang ako habang nagtatanong sila. Gustung-gusto kong sagutin si Papa pero wala akong lakas para ibuka man lang ang bibig ko.
Sobrang naguiguilty ako sa sitwasyon ko ngayon. Sa pagtatago ko sa pamilya ko tungkol sa sakit ko ay kasing kahulugan na rin ng pagsisinungaling ko sa kanila.
Ang akala nila okey lang ako, that I'm healthy and all, pero hindi.
My heart is filled with love but most of it is pain. Yun ang dahilan kung bakit ako nanghihina ngayon.
Kung bakit nanghihina ang puso ko.
My heart is just too weak to overcome strong emotions. Namana ko ito sa side ni Mama.
Alam kong sa nangyayari sa'kin ngayon ay mas apektado si Mama. Kaya tinatago ko ang paglala ng sakit ko ay dahil sa kaniya. Ayokong sisihin nanaman niya ang sarili niya dahil ipinasa niya raw sa'kin ang sakit ng pamilya nila.
I'm fine with it though. Okey lang na ako at hindi si Kuya. Kumpara kasi sa'kin, mas weak si Kuya.
Bumukas ang pinto at halos matigilan ako nang makilala kung sino ang pumasok.
"Alfred."
"Good morning Mr. Esmana."
"Cut the formality Alfred. So, kumusta ba lagay ng anak ko?", tanong ni Papa.
Tumingin sa'kin si Tito Fred.
Ang mga chinito niyang mga mata ang nagpapaalala sa akin sa taong ilang araw ko nang hindi nakikita.
"Let's talk about it outside.", aniya bago binawi ang tingin sa'kin.
Lumabas si Mama at Papa pero nanatili si Kuya Ji sa upuan niya. Hinahagis salo niya sa hangin ang mansanas na hawak habang sinusundan sa tingin ang mansanas.
"Ganun ba kalala yung sakit ko para sa labas pa mag-usap sila Papa at Tito Fred?", tanong ko kay Kuya.
Inihinto niya ang paglalarong ginagawa sa mansanas bago kumagat doon.
BINABASA MO ANG
That Girl is Different
Roman pour AdolescentsFirst love never dies. Yan ang napatunayan ni Kenneth Fuertes nang maranasan ang ikalawang heartbreak. Bumalik sya sa una nyang minahal hindi dahil sa mahal nya din ito gaya ng pagmamahal nya sa pangalawa nyang naging girlfriend kundi dahil kahit pa...
