Nash' POV🎶ang pag ibig,
ganyan talaga..
parang droga..
daw ang bisa..
na ginamit niya kanina..
Sa una lang daw
Masaya🎶
Siguro nga ang pag ibig nakakaadik gaya ng droga, but i am very much willing na magpa ka lango para lang maranasan ang sarap nito.
Ako nga pla si Nash, Nashmiya Cassandra Aragon, 17 years old at isang 2nd year bussiness ad student sa St Agnes University. Maganda, matalino, maputi, mayaman at higit sa lahat hinahangaan ako ng marami sa school...
Joke
Sa panaginip ko lang yun.. hehehhee.
Kasi ang totoo, sakto lang ako..
Yung tipong, hindi maganda, hindi rin pangit.
Hindi matalino hindi rin bobo..
Nagpapart time ako palagi para may dagdag tuition..
Ambisyosa na, kung ambisyosa..
Bakit mayayaman lang ba pwede mag aral sa exclusive school?
Well, Kinuha ko lang naman ang Bussiness ad na course pra maging classmates ko BF ko and ang bestfriend ko eh..
Kung tutuusin wala naman kami bussiness na dapat i manage.
Pero malay mo, pag yumaman ako magpapatayo ako ng sarili kong bussiness..
Diba? Diba?
Excited ako sa unang araw ng 2nd year college namin dahil first time na magiging blockmates kami ng Love of my Life ko, wahhhh.... namiss ko pa naman sya.:) Pareho kasi kaming nabusy nung summer. Sumama siya sa parents niya pauwi ng Japan, Samantalang ako naman ay nag summer job sa isang fast food chain.
"NASHMIYA! wala ka pa ba planong bumangon jan?, ang pinsan mo gumagayak na tapos ikaw nakahilata pa,.. Anong oras na oh.." Auntie ko yan, asawa ng kapatid ng Nanay ko.
Sanay na din ako sa talas ng dila nya. Mabait naman yan:)
Di naman ako napapabayaan. Parang nanay ko na nga din sya eh, pero iba pa din sympre, mas favorite nya mga pinsan ko.. of course:).
Sa kanla na ako tumira simula nung naging MIA si Nanay.
ang Tatay ko? Aba ma at pa. Malay ko at paki ko, di ko man lng nga yun nakita. Sabi nila binuntis lang daw si Nanay at iniwan sya. Pero nabanggit din sakin minsan ng Auntie ko na mayaman daw ang tatay ko.. Pero paki ko ba.. mahirap naman ako..
Ang nanay naman lagi nga nagpapadala ng allowance sa Auntie ko, pero, never niya pa akong kinausap o kahit kamustahin man lang. Kaya nga sa boyfriend ko lang nararamdaman na may totoong nagmamahal sa akin.
"NASHMIYA CASSANDRA!" bumangon na ako at dali daling naligo at nagayos. Simpleng ligo, suklay, at pulbos lng naman ginagagawa ko kaya mabilis lang. Nahabol ko pa nga pinsan ko eh.. bilis ko noh?
Hindi nako nagbreakfast pero nagbalot ako ng food para kainin mamaya.. kesa bumili pa diba? Sayang ang datung..
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Good morning Bhesssssy:)" nakangiting bati sa akin ni Vanny, sabay upo sa tabi ko. Si Vanessa Marie Alarcio ang bestfriend ko mula three years old palang kami. Kilalang kilala na namin ang isa't isa. Alam niya lahat ng sekreto ko and alam ko lahat ng secrets nya. Siguro kung lalaki lang ako, Si Vanny ang liligawan ko. Sabi nga sa kanta ni Daniel Padilla, Nasa kanya na ang lahat. Maganda, matalino, mabait, mahinhin at higit sa lahat mayroong family na sumusuporta lagi sa kanya. Kaya nga nasa kanya na ang lahat.. Lahat ng gusto kong maging ako... haistttttt.. But it is fine. I am awesome and unique.:)
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...