NASH' POV
"Bhessy bakit di ka pumasok kahapon, di mo pa sinasagot mga tawag ko.. Pinag aalala mo ko." Salubong agad ni Vanny. Oo nga pala. yung cp ko, di ko parin nakuha kay Damion.
"Bhess may ginawa lang ako importante, saka lowbat cp ko", napilitan akong magsinungaling dahil nakita ko si Mike na papalapit sa akin. Ayaw ko mag away kami. Kahit alam ko na wala naman kami ginagawang masama ni Damion, ayaw ko parin magisip sya ng masama at magselos. Kakaayos lang namin eh.
"Hmmm, Nash, absent ka kahapon? tila nahihiyang sambit ni Mike. Hindi pa din pala alam ni Bhes ang secret relationship namin. Bukod sa naging busy kami sa kanya kanyang buhay namin, kahit bestfriend ko sya, parang nahihiya akong ipaalam ang naging desisyon ko. Sigurado magagalit na sya..
Tiningnan ko lang si Mike, hindi ko alam sasabihin ko. Napansin ko kasi mas lalo dumami nakatingin sa amin. May meeting daw ang faculty kaya late papasok ang teacher namin kaya nagbigay nlng sya ng seat work.
"Hindi, nandito yung kaluluwa niya kahapon.. Nakita mo?" mahahalata ang pag ka inis sa boses ni Toni.
"Pwede ko lang ba kausapin si Nash, saglit lang?" pagpapaalam niya sa bffs ko.
Hindi ko alam ano pumapasok sa isip ni Mike at nasasabi niya yan sa harap ng madami. Akala ko ba secret relationship namin?
Hindi ako umimik, hindi rin umimik ang bffs ko, Di ko alam if bakit tila nagaalangan ako sumama..
"Wala na kami ni Anika", halos pabulong nyang saad. Ngunit nagpatigil naman ng ingay sa loob ng classrom..
"So ganun?!, dahil wala na kayo ng malandi mong kabit, babalik ka na sa original. Hoy hindi ukay ukay si Nashmiya na matapos mong pag sawaan, ibibenta mo sa iba at pagwala ka ng masuot, kukunin mo nalang bigla." Si Toni ata ang mas affected ah..
Kung kanina ilang mata lang ang nkatutok sa eksena namin ngayon, halos lahat na nakikiusyoso. Nakakahiya.
"Sa labas tayo mag usap." pabulong ko ding saad. Tumayo na ako at nagpati-una palabas.
"What Nash, papakatanga ka na naman jan?" pahabol na sagot ni Toni. Di ko nalang pinansin, masakit man paulit ulit masabihan ng tanga. I know i deserve it.. Pero nagmamahal lang naman ako diba?
"Am I missing something?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Damion sa harap ko, pagka labas na pagkalabas ko sa pintuan.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, natakot ako na ewan, para akong daga na nahuli ng pusa. Shet, mula kahapon iba na ang pakiramdam ko pag nasa paligid si Damion. Para akong laging aatakihin. Ibang iba sa nararamdaman ko dati kay Mike. Kung kay Mike, sobrang saya ang pakiramdam parang nkatungga ng ecstasy, kay Damion naman roller coaster, iba iba kasing emotion ang nararamdaman ko, takot, kaba, ....ngunit ........may excitement.......
"Please excuse us, we are going some where", malumanay na saad ni Mike.
Nagtitigan sila. Matagal na titigan. Ewan ko pero parang dumilim ang aura nilang pareho. Lalo akong di mapakali. Di ko alam kong paano babasagin ang akwardness.. Hindi ko din alam bakit nagiguilty ako na nakita kami ni Damion. Wala naman kaming relation ni Damion, kahit nga ata kaibigan di nya ko tinuturing.. At si Mike, dapat maging masaya ko diba? Dahil sa pangyayari, alam ko mas magiging ok na kami. Mararanasan ko na ulit ang ecstacy..
"Alright, Mallows just make it short ok? ayaw ko umabsent ka, absent na nga tayo kahapon eh. Here's your phone pla, you forgot it at home." ngumiti siya sabay abot sa akin ng phone ko.. anong drama ng lalaking ito. at higit sa lahat... lumapit sya at hinalikan ako sa noo.
Nakatulala lang ako sakanya, ang dami kong gusto sabihin. Pero sa paguunahan ng mga salitang lumabas sa bibig ko, wala akong nabigkas ni isa. Umalis lang si Damion na para bang normal lang ang ngyari. Napatingin naman ako kay Mike, nakatingin siya sa lupa, di ko mabasa ang expression niya. Nakatayo lang sya dun. Tahimik. Malalim ang iniisip.
"Mikeeee.." napagdesisyunan kong kunin ang attention nya.
"Mallows? ang corny naman ng tawagan nyo. Kayo na ba? totoo ba magkasama kayo kahapon kya absent ka? at nasa sakanya pa phone mo... Kaya ba di mo nasasagot mga tawag ko? Kaya din ba.... Mike nalang ang tawag mo sa akin? Asan na ang hubby ko?," diridiretsong saad niya. Hindi ko alam saan magsisimula ng paliwanag. Kahit ako naguguluhan sa pangyayari, lalo ng nakikita kong nahihirapan sya..
Parang sa pagkakasabi niya ako ung salawahan.. Ako yung may kasalanan sa nasira naming relationship. Sinusumbatan niya ba ko? Naguguluhan na talaga ko..
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hindi kami ni Damion, maniwala ka o hindi, may inaasikaso lang kaming project." nsa Lover's Garden kami napadpad. Ako pa nga mismo nagyaya sa kanya na dito nalng magusap. Sa totoo lang, mas malakas ang loob ko ngayon. Para bang Handa na ako sa kahit anong sasabihin niya.
"Anong project?" nkayuko parin niyang tanong sa akin.. magkatabi kami ng upuan, pero may distansya.
Shit nasabi ko yung project? Naku kailangan kong lumusot..
"hmmm sorrry, di pwedeng sabihin eh, diba kasi partner ko sa Pilipino project natin, surprise yun para sa exam." sagot ko nalang sakanya. Di ko alam kung nakahalata sya na umiiwas ako pero di naman nya pinansin sinabi ko. pinagmamasadan ko sya. Ewan ko ba, gusto ko syang titigan.
"Anika and I broke up... Ayaw ko mawala ka sa akin.. Diba nagusap na tayo? hihintayin mo ko?" sa pagkakataong iyon lamang sya tumingin sa akin. Di ako umiimik. hinihintay ko lang sya magsalita ng magsalita.
"Last summer, my father told me na at the age of 18, I should marry the daughter of my father's bestfriend. It turned out to be Anika... At first i thought, it is just a joke. Until Last month, i overheard my mother and father quarelling about the issue..." lalong lumungkot ang boses nya. "Our company is deteriorating, and merging with the Martins is the only way to save it.... I tried my best to help my family.. by trying to know Anika more. Maybe when I turned 18, it wouldn't be very difficult..... I broke your heart, and it broke mine even more.... Many people might say, i didn't love you. i will admit... At first i don't... I want to get even with Vanny, I want to break your heart, because she broke mine long time ago... But believe me, i have learned to love you.. And i still love you.. Pleaseeee... Nash, I am sorry, I want us to start again.. No Anika........, no Vanny........, and no Damion involved" seryoso na syang nakatingin sakin..
Di ko alam kung alin sa mga sinabi niya ang dapat kung unahing isipin, Ung arranged marriage ba nila ni Anika? Paano nainvolve si bhessy? Eh si Damion? nkatulala lang ako sa kawalan, di ko na din namalayan lumuluha na naman ako. Palagi nalang. Masyadong madaming information akong nakuha ngayon, di ata kinaya ng isip ko, lalo na ng puso ko.
"Pleaseee Baby, I know that you are with Damion yesterday. I saw you two at the parking area... I supposed to approached you but you hop in his car.. Until then i realized, I am slowly losing you. I don't want it to happen. I chose you.. I wanted to be with you." desperado na ang pagkakasabi nya..
Napatingin ako sa sinabi nya, lalo akong naguilty. Gusto ko syang yakapin at gusto kong sabihin sa kanya na, oo magsisimula kami, pero ayaw gumana ng buong sistema ko.. All this time, may pinagdadaanan siya kya nya ko nasaktan. may dahilan sya, at ako? naisip ko pa mainvolve sa project na yun. Na alam kong isa sa mga dahilan kung bakit ako nalilito ngayon.
Pero paano si Damion? Paano ang deal namin? Aminin ko man o hindi, alam ko ayaw ko pa din matapos ang deal. Gusto ko makasama si Mike, ang ecstacy ng buhay ko.. Pero ayaw ko mawalay kay Damion, iba kasing pakiramdam ang binibigay niya. At dahil lang sa deal na yun, kami nagkakasundo.. Selfish na ba ko?
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...