Damion's POV
I did my best
But i guess my best
wasn't good enough
Coz here we are back
When we where before
Seems nothing ever changes
We're back to being strangersTinapunan ko ng unan si Fiero.. todo effort kasi kung kumanta wala naman sa tono
"Problema mo uy", hinawi lang ni Fiero ang unan at pinagpatuloy ang nakakarindi niyang boses.
Just once,
can we figure out
what we keep doing wrong
Why we never last for very long
What are we doing wrongLumabas nalang ako dahil hindi ko na matiis ang nakakbasag eardrum niyang kanta..
Yesterday was the worst day of my life.
Sinukuan ko kasi ang kaisa isang babae na gustong gusto kong ipaglaban.
Mahal na mahal ko siya.
Pero hindi na tama.
Siguro nga may nagawa akong mali sakanya dati..
Siguro nga ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.
Ibang iba na sya.
Hindi na siya ang Cassy na minahal ko..
Ung mga ngiti niya noon na napakadali niyang ibigay kahit kanino.. ngayon tila.napakahirap ng makuha..
Yung busilak niyan puso na halos hindi makapanakit ng iba. Ewan, nakakasakit na siya ng hindi niya sinasadya..
At yung babae na pinapahalagahan ang lahat ng bagay..
Ayun, tila balewala nalang sakanya ang mga napagusapan namin..
Tila napakadali na sakanyang saktan ako..
Tanggap ko naman ehh..
Kasalanan ko yun..
Kung gusto niya ko pahirapan sa panliligaw sakanya.. tatanggapin ko.
Pero pag may ibang lalaki ng involve..
Ewan ko .
Parang mababaliw ako..
Siguro nga, tama lang muna na pahingahan ang nararamdaman namin sa isa't isa..
Ramdam kong mahal niya.. at kung nakakasakit man siya ng ibang babae, dahil alam kong nagseselos siya.. pero hindi naman na dapat..
Lagi ko namang sinasabi sakanya na siya lang ang mahal ko..
Hanggang kelan ba kami kakainin ng nakaraan namin?
Hanggang kelan ko ba ipipilit ang isang bagay na matagal ng nawala..
Nuong una.. tiwala niya sakin ang issue..
Pero ngayon..
Nawawalan na din ako ng tiwala sa kanya..
Mahal niya naman ako diba? Bakit hindi pwede na kami nalang ulit? Araw araw ko syang liligawan hanggang sa tuluyan ng maibaon sa limot ang nakaraan.
Araw araw kong ipaparamdam sa kanya na siya lang.. at tanging sya lang wala ng iba..
Tapos, may Siokoy pang akala mo kaibigan.. pero kung nakatitig sakanya akala mo binabalatan..
Naiinis ako dahil kahit anong sabi ko na iwasan niya ito..
Wala
Tila wala siyang pakialam.
Wala siyang paki alam na sa bawat nakikita kong ngiti sa labi niya pagmagkasama sila..
Unti unting nawawala ang ngiti ng puso ko..
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...