CHAPTER 27

82 19 2
                                    

NASH' POV

Hindi namin namalayan na alas tres na pala ng hapon.. Kung hindi pa tumunog ng bonggang bongga ang tyan ko, hindi pa namin maalala na hindi pa pala kami naglalunch.. Masaya naman pala kasama si Thunder. Seryoso pero makulit.. Hindi na sya nagopen up muli about dun sa chix na sinasabi niya kaya, ako nalang ang nagkwento ng tungkol sa amin ni Damion.. Halos doon na nga naubos oras namin eh.. Hindi naman niya nilait ang pagiging assumera ko pero pinagtripan niya ko ng bonggang bongga.. Hilain ba naman ang see through ko. Tapos magrereklamo siya na wala manlang daw syang makitang cleavage. Ang bastos. Tapos sa pagagawan namin ng see through na yun, ayun tumilapon at nasabit sa taas ng puno. Hindi man lang kinuha. Haist, tinawanan lang ako.. Papasa na nga syang Satanas sa lutong ng tawa niya..

"What happened? Saan ba kayo galing ah? kulang nalang malechon kami dito sa sobrang init ng ulo ni Damion..", Si Fiero ang sumalubong sa amin. Napatayo din si bhessy at Toni at sinalubong ako, wala si Sienna, asan kaya sya? Si Damion naman, ang sama ng tingin kay Thunder..

"Oo nga.. at saka asan na yung see through mo? bakit t-shirt na nag lalaki ang soot mo? Don't tell me....." Si Toni po yun.. ang OA. sinadya pang putulin ang linya niya, sabay ng tingin ng nakakaloko kay Thunder.

" bhess, kumain ka na ba? for sure gutom ka na.. Halika dito oh..", sa kanilang lahat si bhesssy talaga ang pinaka naapreciate ko. Malamang bestfriend ko eh.. Hehehehe

Nakatingin lang si Damion. Hindi siya umiimik. Para syang nababalutan ng maitim na aura. Kumuha ako ng dalawang pinggan at iniabot ko kay Thunder yung isa.

"Wow ah, ilang oras lang nawala may ganyan ganyan na kayo.. Pero-- asan na nga see through mo?, Mahal kaya yun.", pangungulit ni Toni.

"Andun sa taas ng puno, Si Thunder kasi ang maniac, hubadan ba naman ako at---", Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang padarag na lumapit si Damion kay Thunder. Ang bilis ng pangyayari dahil nakapagitna agad si Fiero. Si Thunder naman, cool lang.. Umalis si Thunder sa pwesto niya at lumapit sa akin..

"Cassy, bakit mo naman sinasabi sa kanila ginawa natin kanina., private yun noh?", bulong ba yun o sigaw? ang lakas naman ata ng pagkakasabi niya? At kelan pa naging Cassy din tawag nito sa akin?

"Huh?", tila naguguluhan kong sagot.

"Don't call her Cassy." authoritative na sabi ni Damion.

"Bro, chill... Eh diba kahit bata pa tayo Cassy din naman tawag ko sa kanya,", ngumingising saad ni Thunder.

"Pero hindi na tayo mga bata.. Grow up Thunder.. Wag mo nga masyado pagtripan si Cassy." Parang ang daldal ata ni Damion ngayon? hmmmmm

"Sino ba nagsabing pinagtitripan ko sya?," cool na cool lang si Thunder pero si Damion? Ayun nagaapoy na.. "Cassy, hindi halatang gutom ka noh?" lumapit sya sa akin at pinunasan ang gilid ng labi ko at hindi lang yun, kumindat pa.. ang kalat ko ba kumain? Parang di naman ahh..

"Ehemm,,, harutan ito?!, may tao po sa paligid at anti PDA kami", pagbibiro ni Toni..

"Ako naman pro PDA", lumapit si Fiero kay Vanny ng may nakakalokong ngiti..

"Hoy hoy anong-----", hindi ko na narinig lahat ng sinasabi ni Toni dahil bigla ba naman nagwalk out si Damion at sa pagkalawak lawak ng sea side sa gitna pa namin ni Thunder napili niyang dumaan. Bahagya niya pa ngang naitulak si Thunder eh.. At ang mas nakakaloko sa lahat? Ayun, pag kawala na pagkawala ni Damion sa mga mata namin, humagalpak na namn ng todo si Thunder, at hindi lang yun, nakisabay pa sa tawa si Fiero na akala mo sila lang nagkakaintindihan..

_____________________________________________________________________________________

Dahil tulog na si bhessy at hindi ako mapakali, naisipan ko munang mag gala sa labas.. Hindi naman ako matatakutin at saka may ilaw pa naman.. Bukod doon parang ang sarap panoorin ng mga bituin habang sinasamyo ang tabing dagat.. Wow! Fresh air.. Naisipan kong pumunta sa may duyan. pero hindi pa ko nakkarating sa gusto kong puntahan ng biglang may naaninag akong bulto ng isang lalaki sa may tabing dagat.. Mejo malayo na sa ilaw kaya di ko na masyadong namukhan..Hindi ko nalang sana papansinin kaso bigla itong sumigaw..

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon