NASH' POV
"Ano ba? ayusin mo yang pagwawalis mo.. Kababae mong tao, Di ka marunong maglinis." paulit ulit lang ang eksena namin. Kung nagtataka kayo kung nasaan ako. Eto, nasa condominium unit ng Damionyong eto.
Malay ko ba na dito ang punta namin. At ginawa pa akong katulong at pinaglinis ng buong unit nya. Actually, maayos ito kanina pagdating namin, kaso ginulo niya ng bongga kya paulit ulit lang ako sa pagliligpit.
At kung tinatanong nyo kung bakit ko ginagwa eto. Dahil sa punishment na tinutukoy sa contrata namin. Nakita nya pla kami ni Mike kahapon. Kala ko nga nagseselos sya kya sya cold sakin.. hihihi. joke lang.. Yun pala naiinis sya dahil baka daw masira deal namin sa kalandian ko. Di namn ako malandi, nagmamahal lang bwahahaha.
Nalaman niya din na pumayag ako sa secret relationship namin. Makakasira daw sa Love Rehab Project namin yung ginawa ko. Pero dahil ayaw ko bawiin ung secret relationship namin ni Mike, eto susunod nalang ako sa mga utos nya..
Haisssst... Dapat kasi talaga di ko nlng siya pinansin kanina.. Di ko alam na may ikasasama pa pala ugali niya. Gggrrr.
"Pakatapos mo maglinis magluto kana din. May stock sa ref. Matutulog muna ko ah, siguraduhin mo pag gising ko ready na foods:))" nakangisi pang saad nya sabay pasok sa kwarto nya..
Grabe, wala ba syang lason dito ng yun ang ipakain ko sa kanya.. Haist. Di ko pa naman alam nasaang lupalop ang condo nyang ito plus ung cp ko di nya pa binabalik.. Buset talga..
Napagdesisyunan ko nlng magluto ng adobong manok na may potato at nilagang itlog. Marunong din kasi ako magluto pero yung mga simpleng putahe lang.. May stock naman pla sya dito. Infairness, sino kya ang nagluluto for him?
After how many minutes, natapos ko na din niluluto ko kaya naghain na ko.. nagugutom na din kasi ako..
Knock.. Knock.. Knock...
halos kalampagin ko na ang pinto pero di nua pa din binubuksan.. Hmmm. Pinihit ko ang door knob and napangiti ako ng malaman kong di ito nakalock.
Pumasok ako sa room nya.. Malinis.. Mabango.. Plain lang yung decor.. Ngunit ang Pinaka nakakuha ng attention ko is yung picture sa bedside table nya..
Si Shienna yun ah.. Yung kapatid niya.. Hindi sila magkamukha ni Damion pero ang ganda niya tlga.. Nakangiti sila pareho sa litrato at naka akbay si Damion sa kanya.. Sobrang close pala nila.. Siguro kung hindi ko alam na magkapatid sila, baka iisipin ko mag jowa sila.:)) Kaso malabo kasi nga magkapatid sila..
Umupo ako sa gilid ng kama nya, tiningnan ko ulit ang litrato ng mahagip ng mata ko ang isang maliit na box sa mesa.. Ewan ko ba kung bakit curios na curios ako, kukunin ko na sana ang box ng bgla akong hinila ni Damion pahiga sa kama nya.
Wahhhh. Nagulat ako.. Nakapikit pa din sya. Nanaginip ba sya? Bakit nya naman ako hinila. Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap nya.. Nabibingi na kasi ako sa lakas ng tambol ng dibdib ko plus masusunog na ata ako sa sobrang init ng pakiramdam ko..
Kaso sa sobrang lakas niya sympre di ko kayang kumawala. Pinagmasdan ko nlng sya. Nakapikit pa din sya, ang amo ng mukha nya, parang angel. Dapat pla lagi nalng syang tulog. Mahaba din ang pilik mata nya, at ang labi nya ang pula.. Syet; ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.. Namamanyak na ba ko? Ayoko ng ganitong pakiramdam, pero ayaw ko din umalis sa pwesto ko.. feeling ko safe ako sa yakap nya. ang bango nya pa...
Hanggang sa.......
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Boggggggggggssss
"Aray" , Sapo sapo ko ang pwet na tumayo. Tama po kayo hinulog ako sa kama ng Damionyong katabi ko. Tiningnan ko sya ng masama. Sabay pingot sa ilong nya..
"What the hell is your problem?," sigaw nya.
"What the hell, what the hell ka jan.. matapos mo kong ihulog sa kama?" naguusok na din ilong ko sa galit.
"yah, who ever gave you the right to sleep with me here. Disgusting!" anas nya pa. "Kakapalit palang ng bedsheet kagabi, kailangan ko na naman papalitan dahil baka madami kang germs na dala." kala mo diring diri niyang saad.
"Eh di ko naman sinasadya makatulog dito.. ikaw kya jan bigla mo na lng akong niyakap" di ko sinasadyang mabanggit ang ngyari kanina.. Naginit tuloy mukha ko ng maalala ko iyon..
"A-S-A, wag nananaginip ng gising, lantang bulaklak ka naman... tsssss" tila naiinis na sabi nito. pero imagination ko din ba na parang nagblush sya? Tinitigan ko sya pra maconfirm pero inirapan nya lang ako sabay walk out..
Sinundan ko nalang sya palabas ng kwarto, dumiretso sya sa sala, habang ako sa kusina. ininit ko yung niluto kong adobo at inalok sya, alas tres na din pala.. Napasarap tulog ko ah.. napasarap din kain ko. Kaming dalawa lang kumain ng buong manok na yun, pati yung sinaing ko ayun said na said. Tiningnan ko sya, sabay ngiti, buti nalng nasarapan sya sa niluto ko..:)))
" Ano tinitingin tingin mo jan? gutom lang ako. Pero di masarap luto mo. maghugas ka na nga den uwi ka na." uminom lang sya sabay alis.
"Teka! di mo ko ihahatid? Di ko alam pauwi." waaahh dinala nya ko dito dapat ibalik nya ko.
"Marunong ka naman magtanong at magbasa diba? kaya mo na yan." tila ng iinis nyang saad
"Ibigay mo nalng cp ko, tatawagan ko si Mike. Buti pa yun gentleman. eh ikaw walang kwenta." naiinis na talaga ko. ginawa nya na kong alipin buong maghapon tapos gaganyanin nya lang ako. Walang puso..
Tumigil sya sa paglalakad. Nakatalikod sya kya di ko nakita reaction nya pero naramdaman kong umitim ang aura niya. Nainis ata sa sinabi ko. Pero totoo naman ehh. Haaahaist.. Ilang minuto din syang nakatayo sa pintuan ng kusina hanggang umalis sya na tila ba walang paki alam..
Sinundan ko sya hanggang sa pagpasok niya sa kwarto. Nkakainis kasi talaga sya. Di man lang gentleman.
"Get out!" di man lng sya lumingon ng sinabi niya iyon.
"Ayoko. Ihatid mo muna ko pauwi, kahit hanggang school lang, tutal kasalanan mo bakit ako nandito", kunyari matigas ko pading saad, pero ang totoo, kinakabahan nako. Paano kung totoohanin nyang hindi ako ihatid? wala pa naman ako masyadong pera pa bayad ng taxi. Budget for jeep lang meron ako, Ni hindi ko nga alam saang lupalop toh.
Di ko namalayan na nakalapit na pla sya sakin. Napaurong ako, hindi parin sya tumitigil sa paglapit. Mas dumoble ang kaba ko, pero ngayon iba na ang dahilan, Yung puso ko nagwawala sa sobrang lapit niya.. Dahan dahan niyang nilapit mukha nya sakin. Imbis na itulak sya palayo, di ko inasahang ipipikit ko mga mata ko. Ilang segundo din akong nakapikit, naghihintay na dumapo ang labi niya sa labi ko. Curious lang ako, gusto ko malaman ang pagkakaiba ng lasa ng labi nila ni Mike. Oo na, ako na malandi. gusto ko talga syang makiss kahit ngayon lang. heheehe. Unfaithful nako kay Mike. wahhhhhh
"Ha-ha-ha-ha-ha" halos di na sya mkahinga kakatawa kya minulat ko na mga mata ko.
"You should have seen your face, talo mo pa bibi kung makanguso" pang aasar niya. Ni hindi ako makapgsalita sa pagkapahiya. Di ko din napigilan ng kusang maglanding ang mga palad ko sa pisngi nya.
"How dare you slap me? Ikaw plang nakasampal sakin ah. Don't you know how precious this face is?" tila nanunudyo pa nyang saad? di pa din ako umiimik.. and out of nowhere, hinalikan nya nga ako sa labi.. Mabilis lang, pero bolta boltaheng kuryente ang tila sumanib sa akin. Naramdaman ko ang pagiinit ng mukha ko at panglalaki ng mata ko.
"Your welcome." ngumisi pa sya.. Nakatulala parin ako skanya.
"What? i know you slap me because your disappointed I didn't kiss you, so you are welcome. Just think of it as a free kiss",... Dinagdag nya pa na lalong nakapagpainit ng ulo ko... Sabay kindat.
Lupa, lamunin mo na ko sa kahihiyan.....
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
vote naman po jan:))))
thank you
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...