NASH' POV
🎶Ang pag ibig
ganyan talaga
parang droga daw ang bisa
na ginamit nya kanina
sa una lang dawmasaya.🎶
Well, pasukan na naman.. Mag thithird year collge na pala ako..Kung last year super excited ko sa unang araw ng klase. Kabaligtaran ngayon..
Ayaw kong maexcite dahil baka maulit lang ang ngyari dati.. Natatakot akong magexpect na naman ng sobra tapos ni kalahati pala, wala sa kahahantungan ng pinapangarap ko..
Ang drama ko noh?
After kasi ng bakasyon namin sa Trio's, hindi ko na nakausap uli si Damion.. Ni hindi na nga niya ako naihatid sa apartment.. Hindi ko man lang tuloy natanong sa kanya kung kami ba.. Pero hindi naman na siguro kailangan itanong.. Wala ehh.. Wala talaga..
Eh di sana.. kung merong kami, eh di sana minessage niya man lang ako, tinawagan, pinuntahan or kahit nageffort man lang syang alamin kung kamusta ako.. Ilang araw na din kaya ang lumimpas.. Ang hilig niya talaga mang iwan.. Nakakabwiset! Nakakatamad tuloy pumasok.. Scratch that. Nakakatakot... Takot akong pag dating ko sa school makikita ko si Damion at Siena na magkasamang muli.. Natatakot akong lahat ng naganap ng gabing iyon ay panaginip lamang..
Ganito talaga siguro pag may karanasan na sa heartbreak. Madami ng kinakatakutan.. Hindi kagaya dati na, naniniwala ako ng buo sa pag ibig.. Kahit noon may pagdududa ang puso at isipan ko, sige lang.. Laban lang, mahal ko eh... Pero ngayon, kahit sinasabi ng puso ko na siya na talaga, madaming katanungan ang isip ko... Madaming what ifs, madaming hanging thoughts.
Rinnnnnnnnnnngggggggggg
Napabalikwas ako sa tunog ng telepono ko.. Si bhessy tumatawag..
"Bhesss, ano ready ka na? Hulaan ko.. Hindi pa. Bangon na po first day of class oh", malambing na saad ni Vanny.. Haiist, buti nalang may nakakapag tyaga pa sa akin..
"Ok bhess.. Lalarga na.. See you", sabay baba ko sa phone
Dahil mejo maaga pa naman, nakapag ayos ako ng maigi.. Hindi ko alam pero pinili ko ang pinaka maayos kong damit.. Balack Fitted pants lang naman yun at white na sleeveless na may malaking ribbon sa harap. Nagdoll shoes ako na may konting takon. Naglagay din ako ng lipgloss at tinali ko ang buhok ko. Hindi gaya ng nakaugalian kong baggy pants at shirt at suklay sa kamay na buhok. Mejo tumaas ang confidence ko sa ayos ko.. Kailangan ko talaga ng confidence booster ngayon..
Well, sa school na pinapasukan ko normal naman ang ganito, mas magagarbo pa nga ang suot nila, lalo first day of clas.. siguradong kakalat ang mukhang aattend sa party ngayon..
Ngunit dahil hindi ako sanay sa konting takon ng doll shoes ko, mejo nahirapan ako makipag sisikan at makipagunahan makasakay sa jeep. Ilang jeep na din ang dumadaan pero wala talaga..
__________________________________________________________________________________
"Woohhhh, aba na late si Miss Aragon dahil nag ayos.."
"Dalaga na siya.."
"Baka naman inspired, kaya nagaayos ng ganyan"
Sari sari ang reaksyon ng mga klasmate ko, karamihan sa kanila ay blockmates ko din dati.. Hindi ko naman sila pinansin dahil hinahanap ng mga mata ko si Damion.. Alam ko blockmates kami eh...
"Bhesss,, umupo ka na.. Wala pa sila..", lumapit sa akin si bhess at inakay ako palapit sa upuan niya..
"In fairness,, improving ang bruha... Ganyan ang love nakakainspire.. hindi gaya nung kay Mike, naexpire ka noon day," side comment naman ni Toni.. At nadamay pa talaga si Mike..
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...