CHAPTER 6

141 31 0
                                    

DAMION's POV

Pinakiramdaman ko lang si Nash habang umiiyak sya sa tabi ko. Di ko alam paano magpagaan ng damdamin ng isang tao. Naiinis ako ng di ko sya mapatahan at lalong naiinis akong umiiyak siya dahil sa isang lalaki.. Ayoko pa naman ng babaeng iyakin. Lalo na mga gayang nyang weird at tanga.

At ewan ko ba kung ano meron sa babae na toh. Naalala ko sa kanya ang childhood friend ko. si Cassy. Matagal na kami di nagkita ni Cassy at higit sa lahat di kami magkasundo nung huling pagkikita namin.

FLASHBACK

(Grade 3 class)

Nakita kong paparating si Cassy kasama ang kaibigan niyang Labanos. Di ko alam pangalan nun, ubod lang ng puti kya labanos tawag ko. Kami ang original na magkaibigan ni Cassy pero mula ng dumating yang labanos at si Yabang. Ayun nadeadma nako. Si Yabang? transferee yun na feeling close sa Cassy ko. Nakakainis talaga yun. At ang pinaka kinaiinisan ko pa pag inaasar ako ng Yabang na yun ng payatot, at pinagtatawanan nila. Di naman nakikitawa si Cassy pero di nya din ako pinagtatanggol. Kaya may ginawa akong plano para sa Yabang na yun. Isang plano na habang buhay ko palang pagsisihan.

Simple lang naman ang ginawa ko. Sinadya kong kunin baon sa bag ni Yabangnung araw na yun. Alam kong pagdating ng recess ay dirediretso lamang itong lumalabas kasama sina Cassy. At pag napansin nyang wala ang baon nya, iisipin niyang naiwan nya ito at siguradong babalik siya sa room. Ilalock ko sya sa loob. Bubuksan ko lang iyon hanggang magiiyak sya.. Simple lang naman diba? Gusto ko lang naman syang ipahiya. Gusto kong makita nila na, duwag din ang new found friend nila. At hindi totoo na di ko sila kayang ipagtanggol dahil sa pagiging payatot ko..

Nagawa ko ang dapat kong gawin. Inabangan ko ang pagbabalik niya at dali daling lumabas sa room para ilock ito. Sa sobrang bilis halos di ko na nga sya nakita. Di ko naman sya naririnig na umiyak kaya naghintay lang ako. Hanggang sa biglang umuga ang lupa. May lindol pa ata. Magbaback out nalang sana ko sa plano ko at bubuksan nlng ang pinto kahit di ko pa sya naririnig na umiyak ng biglang binuhat ako ni Mamang guard dahil nagpapanic na ito sa lindol. Wala na akong magawa kahit magpumiglas ako. Wala naman sigurong masamang mangyayari sakanya. Saka aminado naman akong malakas sya at kaya niyang makaligtas sa maliit na lindol na iyon. Dinala ako ni Mamang guard sa canteen, ngunit nagulat ako ng makita ko si Yabang sa loob nun. Sino yung pumasok sa room?

"Si Cassy bumalik po sya sa room, naiwan ko kasi baon ko kya kinuha nya muna habang nagpunta ko sa cr. Puntahan po natin sya" halatang nagaalalang sumbong ni Yabang kay Mamang guard.. So.... Si Cassy ang naikulong ko sa room. Kumawala ako sa guard at tumakbo pabalik sa room. Wala akong pakialam sa sigaw ng Mamang guard.. Si Cassy lang ang nasa isip ko. Sumunod na din si Mamang guard kasama si Yabang. Pinilit nilang buksan ang pintuan pero ako lamang ang may alam kung paano mabubuksan iyon. Kaso pag binuksan ko yun sa harap nila. Malalaman nilang ako ang may gawa noon. Bahala na.. Dali dali kong tinipa ang numero sa Lock at nabuksan ito. nakita namin si Cassy malapit sa pinto, nakahigang walang malay at may sugat sa ulo. Tinamaan ata ng nakasabit na mga charts...

Gumaling naman agad si Cassy pero napagalaman niyang ako ang naglock sakanya sa room. Di nadin ako nagpaliwanag. Tinanggap ko nalang ang galit nya. Alam kong uupa din yun dahil di nya padin ako matitiis, magkababata kami diba? Magsosorry nalang ako pag pasok niya ulit. Pero Galit na galit ang mga magulang ko sa ginawa ko. Bilang parusa ay pinadala nila ako sa Amerika para doon na magaral. Di ko na ulit sya nakita. At di man lamang ako nakapagsorry sakanya.

PRESENT

Tumalikod sya sakin at sumandal sa likod ng upuan. Kakausapin ko na sana sya ng mapansin kong nakapikit sya.

"Nashmiya", pinilit kong kunin ang atensyon nya. Di sya umimik at dun ko napagtantong natutulog na sya. Inayos ko ang pwesto nya at inilagay ang jacket ko sa likod nya. Mabuti ng matulog sya kesa magiiyak dahil sa walang kwentang lalaki na yun. Pinagmasdan kong maigi ang mukha nya.. "Maganda ka din pala. Gaya ng pangalan mo, para kang hardin ng mga bulaklak" pabulong kong saad. Madami akong emotion na naramdaman. Di ko mawari kung saya, lungkot, pagsisisi, o inis ang nararamdaman ko ngayon. Tumayo ako at lumayo sa kanya.. . Hindi pwede, kaya lang naman ako lumalapit sakanya dahil alam kong siya ang susi para makuha ko ang ulit ang puso ni Sienna at higit sa lahat ng approval ng parents namin para sa relation namin ni Sienna.

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon