CHAPTER 2

181 35 0
                                    

_____________________________________________________________________
NASH' POV

Nakita kong nakaupo si Mike sa tabi ng upuan ko, kaya masaya akong pumwesto sa tabi niya.. I am really lucky this school year.. Mas magkakaroon na kami ng madaming time.. Last year kasi hindi kami blockmates ksi iba ang schedule nya at higit sa lahat, busy din sya sa mga extra curricular activities niya..

Nakatulala pa din si  Mike kaya sinubukan kong agawin attention niya, but to no avail, deadmabels ang pinakamamahal ko.. Hmmm ano kaya tumatakbo sa isipan nito.. Hmmmmmm... hahahaha

"Hubby ko.... Mike.... pagod na pagod na po ako.." pagpapacute kong sambit sakanya..

"Huh?" Tila naguguluhan pa sya sa sinabi ko..

"Kasi kanina pa ko tumatakbo sa isip mo." kinindatan ko pa sya... hahahaa "Tulala ka kasi dyan, andito lang naman ako sa tabi mo." Susss..

"Ehemm,, you know what Pretty Vanny, nakakasuka dito.. May Nashmiya na nanlalandi ng tood na wala naman pakialam skanya." Nilakasan pa talga ni Toni ang bulong nya, halatang nagpaparinig.. Wahhhh

"What is the commotion all about?" biglaang pumasok ang isang may edad na babae.. Kilala siya sa buong department na Gold Fish. Kulay dilaw kasi ang buhok niya at di matigil ang nguso sa pagdadakdak.. Terror sya sa school at sa swerte namin, sya ang prof namin sa accounting 101...

"Well ma'am, ang aga aga po kasi may mag jowa na naglalandian sa likod. Isn't it gross?" tila nagiinarte pang sambit ni Violet.. Isa sya sa three bitches..

"Well,, what is gross Miss is your coloring book face.." ngumisi si Madam Gold fish na bumaling kay Violet sabay tingin din sa amin.

"I don't allow lovers to seat next to each other.. It is a great disturbance.. So now.. move... Mr Takashi.." masungit ito, at kinabahan naman ako sa way ng tingin niya.. Alam ko namang sikat si Mike kaya di nakapagtataka na kilala ito ng prof namin.

"But ma'am.." hindi ko alam ano pumasok sa isip ko pero nagawa kong kumontra sa sasabihin niya..

"Yes? Miss Aragon, Loving is like accounting.. The distance between x and y will not affect the love they have for each other." Wahhhh... Di ko man masyado nagets sinabi niya.. tumahimik nalang ako..

At ayun si Mike, umupo sya sa bakanteng upuan.. Wait? sa tabi ni Anika? diba duon nakaupo si Dahlia? wahhhhhh....

Si Anika yun eh. Kung si bhessy ang pansinin ng mga lalaki dahil sa angkin nyang kahinhinan, si Anika naman pansinin dahil sa kanyang kalandian.. ang brutal ko, di naman tlaga sya malandi, (papalit palit lang naman sya ng boyfriend simula nung makilala ko ata sya, pinakamatagal na ang isang linggo na maging boyfriend nya. Sa buong college level may naging bf na  sya, minsan pa nga sabay sabay, bilis magsawa, gahaman, kala mo mauubusan) oh haaa di sya malandi sa lagay na yan. hmft. Wala naman talaga ako pakialam sa kanya eh, kung hindi niya lang pinagkakalat na si Hubby ko lang ang makakapatino sa kanya.. As if naman papatulan sya.. Grrrrrrr.

Maganda naman talga si Anika, sophistikada at halatang may halo ng ibang lahi. Half British ata sya. Gandang ganda nga ako sakanya nung una ko syang makita, transferee kasi sya. Kung wala lang akong boyfriend noon baka isipin kong natibo na ko sakanya. Kaso natigil agad ang Tibo Hormones ko nung napansin ko ang kalandian nya.. Wag nyo sabihing bitter lang ako dahil maganda sya tapos ako sakto lang.. Nakakainis lang kasi, sayang ang ganda di ginagamit ng tama.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos na ang pasok namin sa umaga, di daw makakasabay sa lunch break si Hubby ko at may importante syang gagawin. Ung dalawang bffs ko naman ay nauna ng lumabas dahil akala nga nila sabay kami ni Hubby Mike ko, ayaw nga kasi nila na kasama yung Hubby ko. Kaya ang siste, eto ako ngayon..... nganga..... magisa. Sabagay okay na din un, ngayon nalang ako dadaan sa mall para bumili ng regalo, malapit na kasing mag July 18.

ano meron sa july 18?

Third year anniv na namin ng hubby ko... wahhhhhh... kaya nga ko nagsummer job pra makabili ng isang special na regalo para sakanya.. Siya nalang kasi ang laging nagreregalo sa akin. Di namn nya actually kailangan ng mamahalin na regalo kasi mayaman naman sila. Pero gusto ko lang, mapakita ko man lang na ibibigay ko sakanya lahat kahit pinaghirapan ko pa.. Sympre di namn tlga lahat na lahat kasi ung bataan di pa naman.. bata pa kaya ako.. hahahha.. Maybe soon? joke lang..

Nalibang ako kakaikot sa mall ng walang nakikitang special na regalo. Lahat halos generic na, kailangan talaga may special na meaning. Nasayang lang oras ko.. Pagiisipan ko muna kung anung bagay na wala sya at kaya kong ibigay, ung special at tiyak di nya makakalimutan. hmmmm, anu kaya un? At parang que na napalingon ako sa isang shop. "DIY shop". Isang shop kung saan merong mga kit ng iba't ibang gamit na personalized..

Dali dali akong pumasok sa shop at tumingin sa mga pwedeng gawin na personalize. May pillows, bracelet, T-shirt, mugs, at marami pang iba. Pero may isang bagay na nakakuha ng attention ko. Ang DIY Panda bear.. Mahilig kasi si Hubby ng panda.. Completo naman na ang gamit sa kit, kaso 2,500 ang price. Ang mahal naman. ako na nga gagawa tapos ang mahal pa.. Pero sige pag iipunan ko yan, may isang buwan pa naman eh.. Para naman sa hubby ko yan.. Made with my heart..:))

Babalikan ko yun.. Promise...

Palabas nako ng mall ng may napansin akong pinagkakaguluhan sa isang stall. Ano kyang meron, at dahil ako ay dakilang usisera, nakipagsiksikan ako sa madaming tao. tskk. Nakipagtulakan hanggang mapunta sa harap. Isang babae at isang lalaki ang unang kong namataan, may sinasabi sila about love chuvaness ek ek. Di naman ako interested kasi my Love of my life nako, kaya tinitigan ko nalng ang dalawang nasa harap. Sabi nila, nobody is perfect pero... prang perfect naman na ang nasa harap ko. sinu kaya sila? di pa lumalabas sa bibig ko ang mga salitang nais kong bigkasin ng tila makita ko ang dalawang bffs ko sa loob ng stall. Sila kya un? anu naman ginagawa nila dun.? Ang daya namn di nila ko isinama. hnft. Pero hindi rin, Namamalikmata na nman ata ako. Nagpatiunod na lang ako sa pagkarami raming tao hanggang mkalabas ako. Tatanongin ko nlng mamaya yung dalawang yun if nagawi ba sila sa mall na toh? at syempre, bakit sila andun? at kung anung meron dun?

Kampante pa sana kong naglalakad pabalik ng school ng biglang makita ko si kuya perfect sa may stall, lumapit siya sa akin at nagtanong.

"miss anong oras na?"

Dahan dahan kong chineck ang aking relos, ngunit sa sobrang gulat ko di ko na nasagot ang tanong nya. Dali dali akong umalis palabas sa mall.

Malapit na mag time.. malilate na ko. wahhhh.. sorry kuyang perfect. Gusto ko man sagutin tanong mo at gusto man kita makilala ay di pwede, dahil bukod sa mahuhuli nako sa klase ay loyal ako sa Hubby ko. Mahirap na baka magkasala ang puso ko.. wahhhhhh

Lakad takbo na ang ginagawa ko. 10mins nalng time na at mejo malayo pa lalakarin ko ng mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na bulto.. Sa sobrang pamilyar kilalang kilala ko khit ang likod nito, pero hindi rin. Bakit naman sila magkasama ni Anika? Di naman sila close.. Baka namamalikmata lng ako. Deadma na nga lang. Atsaka magtatime na baka nasa loob na ng room na un. Itutuloy ko na sana pagmamadali ko ng bigla akong maumpog sa poste.. Maliit lang naman ang poste ngunit tila ilang libong starts ang nakita ko, lalo na ng humarap ang lalaking pinagmamasdan ko.. Si Mike nga, hawak ang kamay ni Anica.

"bakit naman pasulpot sulpot kang poste ka kung kelan nagmamadali" bulong ko sa sarili ko. Kunyari nalng di ko sila nakita..

"sabi naman ni Mike ako lng mahal nya at di nya ko pagpapalit kahit kanino. Promise nya un eh. Siguradong di nya ko lolokohin"

boogssss

nabangga na naman ako. kung kanina sa maliit na poste ngaun naman sa machong katawan ng isang lalaki. syeeet ang bango.. napanganga ako at lalong napatanga ng mapagtanto kung sobrang gwapo ang nabangga ko..

"ang tanga talaga...." sinabi nya ng di man lamang lumilingon. wala na ngang sorry nasabihan pa ng tanga.. gwapo nga wala namang modo. tsk..

______________________________________________________________________________

Makikilala na natin sya sa next chapter.:))

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon