NASH' POV
"O my G.. Malapit ng matapos ang sem.. Ready na ba kayo sa final exam nyo sa Filipino?" Lunchbreak namin, kaya nasa cafeteria kaming tatlong bffs.
"Eh diba nga yung sayaw sa atin", sagot naman ni bhessyy.
"Ay shungaa.. Pretty Vanny naman eh, bakit mo sinabi... spoiler ka alam mo yun ... Malamang si Nash ang tinatanong ko, sya ang di natin kagroup diba?" kunyaring nagdadabog na sabi ni Toni.
"Eh di magisa ka nlng sa project mo", pagmamaktol ni Vanny.
"Aba, malakas ang loob. For your information pretty Vanny sa akin nakasalalay ang sayaw na yun. Bukod sa ako ang magtuturo sayo. Sige nga paano magiging love dance yun kung solo ka lang?" pagtataray ni Toni.. Naku.. Kaliit na bagay pinagtatalunan. At aba, tama ba rinig ko? Love dance?
"Bakit naman siya magsosolo if nandito naman ako" si Fiero, ewan ko ba sa lalaking to. di naman dito nagaaral pero pakalat kalat. Umupo sya sa tabi ko dahil magkatabi na si Vanny at Toni.
"Hep, ako dapat uupo jan, kumuha ka ng sarili mong upuan." Maangas na pinaalis ni Damion si Fiero. Walang nagawa si Fiero kaya kumuha nalang ito ng upuan at pumwesto sa gitna ni Damion at Toni.
"Cassy, di pa nga pala natin napaguusapan ang about sa project natin." biglang baling ni Damion sa akin.. Mula nung nagkaalaman na childhood friend kami, he insisted na tawagin akong Cassy, ayaw ko man, wala naman ako magawa. Yun na tawag niya sakin eh , pero sya lang daw pwede tumawag sakin nun, pero para sakin. Damion padin sya.
"Wait, diba anything about sainyong magpartner ang theme ng project nyo? Basta maging personalize? Kung si Vanessa at Antonio ay sasayaw.. Dapat iba sainyo.." aba nangingialam ng project si Fiero.
"Don't call me Antonio, It is so EWWW." maarteng sabi ni Toni.
RINGGGGGGGG
"Hello sweetheart, yeah.. kakain na.. ikaw kumain ka na? wag ka magpapagutom ah, Sge na." diba bawal ang phone sa school.. bawal kahit break time.. bawal ang phone.. diba diba? si Sienna na naman siguro yun..
"Si Sienna yun couz? Balita ko, tatransfer daw dito si Sienna next sem.. So dadami na ang tropa?" Nakangiting sambit ni Fiero.
"Bakit tatransfer ka din?" Si Vanny, mejo nagiging at ease na sya kay Fiero hindi gaya ng dati na sobrang kabado.
"Yup, ako at yung isa pa naming pinsan. Kilala nyo yun.", excited na sambit ni Fiero.
"Paano naman namin makikilala? At saka.. Hello, sure ka na considered ka sa friendship namin?" si lola Toni, umaariba.
"100% sure.. diba Vanessa?" sabay kindat kay Vanny, na nagpablush na naman dito, halatang may crush wahhh. "Well, alam ko kilalang kilala siya ni Nashmiya.." tumatawa tawa pa ito.
"Ako? Paano?" naguguluhan kong sagot.
"Tsssskk.. Wag mo nga pansinin yan si Fiero..." Umakbay sa akin si Damion. Kahit friends lang kami ni Damion, super possesive ito, bantay sarado ako sa bawat kalokohan ko. Sabagay okay na din yun, di na nakakalapit sakin yung three bitches..
_____________________________________________________________________________________
"Nashmiya, you should make your pigtail a little lower. You look disgusting with that," kasama namin si Sienna ngayon, She insisted on helping us with our Filipino project. Nandito din si Fiero na panay pangiinis lang ata ang alam gawin..
Napagdesisyunan naming gumawa ng role playing na ivivideo namin. Parang childhood ang theme, kaya ako nakapig tail. Mabait naman pala si Sienna, maarte lang talaga kaya minsan di talga kami nagkakasundo. Yun nga lang madalas na nakikita ko siyang masama ang tingin sa akin lalo kapag lumalapit sa akin si Damion. Kaya umiiwas nalang ako kapag nanjan siya..
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...