NASH' POV
"Bhessy kanina ka pa namin hinahanap saan ka ba nagsususuot?", Pagaalala ni Vanny..
"Oo nga bakla, tingnan mo yang hitsura mo, talo mo pa na rape ng millionths of ants, Halika ka nga dito ng maayusan kita.", hinila ako ni Toni paupo sa tabi niya sabay kuha ng suklay at tali sa buhok ko.
"Bhesss wag ka titingin.. Chill ka muna ahh.", biglang bulong ni bhessy sakin, at ang katangahan ko, hindi ako nakinig sakanya. Sinundan ko ang mga mata niya at nakita ko si Damion kasama si Sienna naglalakad papunta sa table namin. Parang naglaho lahat ng gusto kong sabihin sakanya dahil tila naumid ang dila ko. Wala nga ata reaction na lumabas sa mukha ko.
"Andito na pala kayo couz, excited na kaya si Nashmiya makita ka..",panunudyo ni Fiero.. Nakayuko lang ako, pero pinapakiramdaman ko ang bawat kilos nila.
Umupo na si Damion at si Sienna. Bale ganito ang pwesto namin.
Toni Fiero Damion
SiennaVanny Ako Vacant
"Di nyo pa pala kasama si Thunder? Asa na kaya yung kulog na yun," parang naiinip na saad ni Fiero.
"Sabi nya mauuna na sya dito.. ", namiss ko ang boses ni Damion.. Alam kong nakatingin sya sa akin kahit nakayuko lang ako..
"Bhess, Tara, samahan mo naman ako bumili ng inumin please.. Nauuhaw na kasi ako", kunyaring bulong ngunit malakas na pagkakasabi ni Vanny.
"Ako nalang Miss Vanessa sasamahan kita," pagpiprisinta ni Fiero.
"NVM," hinila na ako ni bhessy patayo. Haist buti nalang talaga may bhessy akong ever supportive..
Eescapo na sana kami. Sasabihing biglang sumakita ang ulo ni Vanny o nag LBM ako kaya di na nakabalik pero naisipan naming baka masyadong maging obvious. Bahala na nga.
"Ohhhh, magpapakape na sana ako eh.. Akala ko nalunod na kayo ng inuming bibilhin nyo.. Isang oras na kayo nawala oh," Paninita ni Toni.. Pahamak din talaga to minsan.
Napansin kong may nakupo na sa vacant seat kanina.. Nakatalikod ito kaya di ko masyado makita ang hitsura.
"Nga pala Thunder.. Kilala mo pa ba si Nash?", saad ni Fiero.. Biglang tumingin sa akin ang tinawag niyang Thunder at halos masamid ako ng makilala kong sya si Mr Hunk-y...
"Oh wow.. Based sa reaction, parang kilala nyo pa ang isa't isa.. Interesting..." hindi ko alam para saan ang kindat na iyon ni Fiero pero bigla akong kinilabutan.
"Thunder?", traydor din talaga minsan ang bibig ko.. Iniisip ko lang naman talaga bakit nila nasabi na magkakilala kami, pero nasabi ko na ng malakas ang pangalan niya.. Nakita kaya nila kami sa Lover's Garden kanina? wahhhhhhhhh.. Di pwede.. At biglang naginit ang mukha ko sa kahihiyan..
"At bakit ka nagba blush bruha? Care to explain?" mataray na saad ni Toni. Tahimik lang si Sienna, as usual kinakalikot ang CP niya, Napatingin din ako kay Damion na tila naghihintay din ng sagot ko. Kahit si bhessy ay mukhang nagtataka din.
"Thunder Villagomez Arevalo", tumayo si kulog at naglahad ng kamay sa akin. Makikipag shake hands nadin dapat ako saknya ngunit bigla syang lumapit sa akin at bumulong.. "Naghugas ka ba ng kamay? baka may sipon pa yan ahh", sabay ngisi nito at umupo na..
"What was that? Come on Thunder.. Wag mo sabihin hanggang ngayong malalaki na tayo ibubully mo pa din yan si Nash?", tila clueless naman si Thunder sa sinabi ni Fiero dahil nagkibit balikat lang ito.
"Hoy Damion, di mo man lang ba kakamustahin ang Cassy mo? di man lang kayo nagkakausap pa ahh," Iniba bigla ni Toni ang usapan.. Tumingin sa akin si Sienna at tinaasan ako ng isang kilay niya.
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...