CHAPTER 28

79 19 0
                                    

NASH' POV

"Woiiii, bhesssy dear okay ka lang?", pinindot pindot ni Vanny ang gilid ng pisngi ko.

"Oo naman." wala sa sarili kong sagot.

"Eh bakit ganyan hitsura mo? Daig mo pa ang natalo sa lotto?," pangungulit niya pa.

"Huh? bakit bhess? Ako ba dapat magluluto ngayon?" hala, wala pa naman ako sa hulog.. Puyat kya ako.. PUYAT..

"Wag Nashmiya, baka maging mapait ang lasa ng lahat ng lulutuin mo.." sabat ni Toni."Ano ba ang ngyari jan? Talo pa umattend sa lamay sa laki ng eyebag, Tapos tulala pa", siniko ni Toni si bhessy.

"Haist sabi ko na nga ba.. Wag kang assumera," kausap ko sa sarili ko.. Paano ba naman kitang kita ng dalawang mata ko kung paano magharutan si Damion at Sienna...

"Bhesssy,,, wag mo na lang kasi sila tingnan." napansin ata ni bhessy na nakatitig ako sa dalawang yun..

"Hoy bruha, sinabi ko naman kasi sayo na wag ka na umasa jan sa Damion na yan.. In fairness, hindi mo kayang tapatan si Sienna, lampasan pa kaya.", Tiningnan ko nga ng masama si Toni.. napakasupportive eh.. sino ba tlaga kaibigan nya? Ako o si Sienna?

"Oh, bakit ganyan tingin mo sakin? Ano ba gusto mo sabihin ko na mas maganda ka sakanya? Na mamaya lang sasabihin sayo ni Damion na mahal ka niya.. Wag mo na nga ulitin pag papakatanga mo dati kay Mike.." Padarag na sabi ni Toni..

"Sinabi niya kagabing mahal niya ko.." mahina kong sambit,.

"Huwaaat, paano ngyari yun? kaya ba isang kilo ang eye bag mo bhessy," pangungulit ni Vanny.

"Nashmiya, hindi pwerte libre lang mangarap, aabusuhin mo na.. Maawa ka naman sa sarili mo oii, Kasi kung totoong mahal ka niya, dapat ikaw kaharutan niya.. Hindi ang isang yun.", Haissst Toni...

FLASHBACK

"Cassy, bakit di ka sumasagot? Diba mahal mo pa naman ako? Diba Cassy?" Inulit muli ni Damion ang tanong niya ng hindi ko umimik.

"O-oo.. m-magkaibigan kaya tayo..", pilit kong pinapasigla ang boses ko..

"Kaibigan? Kaibigan lang talaga?," malungkot niyang saad.. Hindi ko alam if dapat ba kong maniwala sa nakikita kong lungkot sa kanya.. Pero malabo ehh. Malabo na mainlove na din sya sakin..

"Wag ka nga jan, kunyari ka pa malungkot, bukod sa GF mo si Sienna, may mahal ka pang iba. Garden of flowers ka pang nalalaman..", kunyari ay pabiro kong saad..

"Hahaha, you are so naivé.. Alam mo ba na ang Damion Kyle is a combination of Greek and Irish words which means tamed church.. Hahaha,, ang kulit nga eh. Bukod sa hindi ako tamed, ayaw na ayaw ko din pumupunta sa simbahan..", tumatawa tawa pang sabi nito. "Ikaw? Alam mo ba ibig sabihin ng pangalan mo?", tuminig syang muli sa akin.

Nagkibit balikat na lamang ako.. Kasi hindi ako interesado malaman.. Gaya ng hindi pagkainteres sa akin ng mga taong nagbigay ng pangalan na yun.

"Nashmiya Cassandra, your's are from Greek and Arabic Origin.. Cassandra means shining upon men, kaya siguro, madami nagkakagutso sayo, without you knowing.. You just shines, and we.. we just stare and admire..", Napapangiti niya pang sabi..

Hindi pa rin ako umiimik.. Well, hindi naman ata ako naniniwala na may mga lalaki na nagkakagusto sa akin.. At hindi ko lang daw alam? What ever.. Sya nga na nasa malapit lang hindi ako magustuhan, iba pa kaya na hitsura ko palang inaayawan na.. Pero kahit yun ang sinasabi ng isip ko, ang peste kong puso ayan nagtatatalon sa tuwa..

"Tigil tigilan mo nga ako. Lasing ka na.. Tara na hatid na kita sa room mo", pagpiprisinta ko sa kanya..

"Garden of flowers.. yan naman ibig sabihin ng Nashmiya..",nakangiti niyang sabi..

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon