CHAPTER 37

67 14 2
                                    

NASH' POV

"Magingat ka nga..", saad ni Toni habang tinutulungan si Vanny. Hindi man lang nila binanggit yung nakita nila kanina. Hindi naman sa gusto ko pagusapan namin ang kahihiyan na yun pero, nakakapagtaka lang.. Sobra kayang mapang asar ang mga toh..

Nalaman ko na pinasunod daw pala sila ni Damion.. Ito na daw ang magsisilbing get together namin.. Nagkataon lang na maaga sila dumating kaya yun..May nakita tuloy silang hindi dapat makita..

"Can we talk for a while?" Napansin ko si Sienna na lumapit kay Damion. Tiningnan naman ako ni Damion na animo nagpapaalam kaya tumango nalang ako..

"Nashmiya? Bakit magisa ka lang jan?" lumapit sa akin si Fiero kasama si Thunder. Si Vanny at Toni ay nagpapagandahan sa pag gawa ng sand castle.. Parang mga bata.. Si Anika naman ay nakatingin lang sa malayo..

"Kasi wala akong kasama?" pagbibiro ko sakanay..

"Korni mo talaga.." sagot namang muli ni Fiero. "Hindi ka ba nagseselos na magkasama si Siena at Damion?" pahabol niya pang tanong.

"Hindi naman.. Bakit?" adik naman ang tanong nito.. hmft.

"Kasi yung isa sa tabi tabi.. selos na selos na eh", pangiti ngiti niyang sambit sabay tingin kay Thunder.

"Seselos ka Thunder? Wahh, Bading ka ba? Saka diba magpinsan kayo?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.. "Kaya ba dati lapit ka ng lapit sa akin para lumayo si Damion? Bakit di ko man lang nahalata.." sunod sunod kong saad.

"Crazy Woman... Hahahaha." tumatawang sambit ni Fiero, samantalng si Thunder ay flat affect lang.. No comment as in Deadma..

"Guys, I am sorry but We really need to go--", biglang sumingit si Damion sa usapan.. Nasa likod ko na pala siya..

"Peroo.. kakarating lang namin ahh.", pagtutol ni Fiero.

"What I mean, me and Sienna needs to go." ulit ni Damion.. Napatingin ako kay Sienna na tila aligaga sa paligid..

"Anything wrong?" lumapit si Thunder kay Siena.. Kitang kita ko na bigla din itong nag alala..

Tila alangan na tumingin sa akin si Damion.. " Cassy, emergency lang toh,. Ayaw man kitang iwan dito pero importante talaga..."  hinawakan ni Damion ang mga kamay ko.. Gusto ko man siyang pigilan pero napakselfish ko naman kung gagawin ko yun.. Nilingon ko ulit si Sienna. At tumango na din ako.

"Fiero, Thunder.. Kayo muna bahala sa soon to be wife ko ah. If permitted, babalik ako.", sambit ni Damion sabay halik sa noo ko.

"I am going with you--", biglang saad ni Thunder.

"But----" mukhang aangal si Sienna.

"We need to go now.. Tara Thunder..", tiningnan muli ako ni Damion ngunit hinila na siya ni Siena, Sumunod naman sa kanila si Thunder..

"Wow.. So this is get together.. Iniwan nila tayo dito.. Must enjoy ourselves as well.", ngumiti nalang si Fiero at lumapit kay Anika.. Sumunod na din ako..

Tumuloy pa din kaming lima sa pag island hopping..  Maganda ang mga tanawin.. Lahat sila nag eenjoy. Kahit si Anika nakikita ko ang panaka nakang ngiti niya.. Pero ako..  may kulang eh.. Ewan.. Nasanay lang siguro ako na kasama si Damion.. Siya yung kulang sa mga sandaling iyon..

__________________________________________________________________________

"Oras ba ito ng uwi ng matinong babae..",  nagulat ako ng madatnan ko sa bahay si Auntie.. May kasama siyang isang babae.. Pamilyar ang mukha niya.. Pamilyar na pamilyar.. Para siyang pinatandang version ko.

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon