NASH' POV
"Nash, anu ba nginangawa mo jan? Natatae na siguro si Damion kaya tumayo na.., You know... di na napigilan", pagaalo ni Toni sa akin.
"Oo nga bhess, babalik din un," second the motion naman ni Vanny.
Papunta kami ngayon sa bahay ni Bhessy. Tutal tapos na finals naisipan naming mag bff bonding. Napigilan ko naman agad luha ko kanina kaya di naman masyadong nahalata ng mga klasmate namin, pero di ko maiwasang malungkot at maiyak dahil after the song, hindi na bumalik si Damion at hindi man lang sya nagsabi kung nasaan sya.
Pinilit ko ulit tawagan si Damion, pero wala pa din.. Hindi kasi nila naiintindihan..
"Toni, bhessy, sorry. Hindi talaga ako mapakali. Pwede ba ibaba mo na ko sa sakayan ng jeep, pupuntahan ko si Damion." umiiyak na naman ako..
"Huh? anu ba kasi talaga ang ngyari? Bakit OA naman ata reaction mo sa pagwalk out niya? Hoy Nashymiya, wag mo sabihing may gusto ka na talaga sa Damion na yun.. May jowa yun eh", diridirestong talak ni Toni.. Lalo lamang akong naiyak sa sinabi niya.
"Hi-Hindi nyo kasi n-naiintindihan.." nauutal kong tugon sa kanila.
"Pwes, ipaintindi mo.", hininto ni Toni ang sasakyan sa gilid ng kalsada pero nakalock pa din ang pinto..
"Ton, Hayaan na muna natin si bhess..", mabuti pa si bhess, understanding.. Alam kong naguguluhan din sya sa ngyayari pero naghihintay lang sya mag open up ako.
FLASHBACK
"Anong tula toh? nagpopropose ka ba kay Damion huh Nashmiya?", tumatawang saad ni Fiero. Ewan ko ba sa lalaking toh palaging nakabuntot kay Damion.
"H-hindi, anu yan hmmm.. Wala lang, tula na naisip lang para sa kanta.. D-Di naman malalaman ni Sir na wala relationship sa atin yan eh", kung sa katotohanan lang, ginawa ko talaga ang tulang yun nung mga panahong narealize ko na may gusto na ako kay Damion. Itatago ko nalang sana yun dahil sa promise naming "friends forever" eh, kaso dahil malapit na ang Finals, wala ako choice kundi isuggest itong gawing kanta.
"Oo nga naman, saka di naman maiinlove sakin yan si Cassy dahil alam niyang kami ni Sienna ... Diba Cassy?" parang alangan na sambit ni Damion.
"Hmmmm, O-oo naman,. S-so pwede na yan? Gawan na natin ng musika?", Pinipilit kong pasiglahin ang boses ko, pero ang totoo I am feeling awkwardness right now.
"Oyy,, biglang liko ang sagot." tumatawang pangaasar ni Fiero.
"Fiero, umuwi ka na nga sainyo. Gagawa kami ng project oh.", pagtataboy ni Damion.
"Bahala kayo.. isusumbong na talaga kita kay Sienna, May gusto ka na din kay Nashmiya mo.. hahaha" binato ni damion si Fiero ng unan sa paglabas nito ng pinto.
"Cassy, can I change some of the words? Hindi kasi aakma sa atin eh. You know we are friends, and pang lovers tong kanta..", suggestion ni Damion habang tinotono ang gitara niya.
"Ah eh pareho naman yun diba? Saka baka masira ang lyrics?" Ayaw ko talaga baguhin ang wordings ng tula.. Mawawala yung emotion nun eh.
"Cassy, iba yun, we are friends, we are not in love with each other, ikaw talaga", natural lang ang pagkakasabi niya at tumatawa tawa pa pero parang tinusok nag libolibong karayom ang puso ko.. Hindi ko naitago ang sakit na nararamdaman ko dahil halos magusot ang papel na hawak ko..
Nagsimula na syang palitan ang ibang part ng lyrics habang isinasalin sa tugtog. Nakatitig lang ako sakanya.. Ang awkward kasi talaga.
"Cassy, How many times do I have to tell you, you should quit staring at me. You can't fall in love with me. We are friends right?," alam kong pabiro ang pagkakasabi niya at alam kong ilang beses niya na sinabi at ipinamukha ito sa akin pero, Hindi parin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa bawat sambit niya nun.
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...