Chapter 45

22 11 0
                                    

Nash POV

"Hi Nash.. sabay na tayo papunta ng school. Alam mo ba.. Kwinento sakin ni Iyan kung paano kayo nagkakilala, that was so epic. Kaya friend kita eh..", Aya is as bubbly as yesterday. Parang walang ngyaring bad vibes kahapon ahh..

Sinamaan ko siya  ng tingin..

"Atleast ngayon, iyong Siena Brielle nalang ang karibal ko. Bagay kasi kayo ni Iyan eh.. at boto ko sayo..", tinataas taas niya pa ang kilay niya, na tila ba napaka importante ng approval niya sa lovelife ng kambal niya.

"Hop in", isang sasakyan ang tumigil sa harap namin.. and i saw Lutang Boy este Iyan driving.

"Magcocommute nalang ako.. salamat sa pag alok.", nakangiti kong saad kay Aya.. iniiwasan kong tumingin sa kambal niya..

Hindi ako marunong magmaneho kaya wala akong sasakyan.. tinanggihan ko din ang driver na inalok ni dad.. buhay independent nga ako diba..

Panay taxi tuloy ako.. jeep din at konting lakad pag di nag mamadali para tipid.. hehehe

"I insist, hindi ko to paaandarin pag di ka sumakay. Just take it as a thank you ko for saving my life wonderwoman.", nakangisi na naman siya..

Nakakairita talaga..

"Stop teasing her Iyan. Halika na Nash, baka malate ka niyan..", papilit ba ko? Ayaw ko naman talagang sumakay eh..

Biglang lumabas si Iyan sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pintuan..

"Ayan, baka gusto mo pa na pinagbubuksan kita..", kumindat pa sakin ang mokong na toh..

"Buhatin pa ba kita?", dugtong niya pa.

"Kinikilig ako", Nakita ko si Aya na panay ang tawa sa  front seat..

Sumakay na lang ako.. maarte ba? Hehehe wala pa din kasi ako naaninag na taxi.. ska pra tipid. Hehehe

Bahala na.. hindi naman siguro ko mapapahamak.. andito naman si Aya..

"I would really be glad kung ikaw magiging twin in law ko", may patili tili pang sambit ni Aya.. binabawi ko na.. pareho ata may sapak tong kambal na toh.

Pilit padin ngaasar si Lutang Boy pero tahimik lang ako.. napansin ata ni Aya na seryoso na ko kaya sinita niya na ang kambal niya..

Nauna na kaming pumasok ni Aya. Actually medyo late na kami. Buti nalang wala pa ang teacher namin.

Nandoon na ang buong tropa.

I saw Thunder stiffened ng makita niya si Aya.. mukhang tinamaan ng konsensya.. hehehe

"Hi boyfie, miss me", kumindat sya kay Thunder. At dumiretsong umupo..

Weird niya talaga.. parang walang ngyari.

"Nash, you should congratulate us. Nakapasok kami sa basketball team", nakangiting saad ni Fiero.

"Walang duda.. magaling naman kasi talaga kayo eh", ngumiti ako sakanila..

I saw Damion smiled.

Tagal ko na ding hindi nakikita ang smile na iyon.

"Oo nga, at para sayo daw ang pagkakapasok ng Damionyong yan sa basketball kaya dapat manood kayo.. isama mo bestfriend mo", nagulat ako sa nagsaliya sa likod ko..

"Hi bhessy, blockmates na natin ulit si Toni..", tila kinikilig na saad ni Bhessy.

"Tsk.. ang pogi ko kasi. Nag LQ tuloy kayo.." Fiero said smirking.

"Di ko talaga alam na ganyan kayo kamanhid. Mas matagal kayong magkakasama pero mas alam namin na hindi bading ang Antonio na yan", si Damion yun.. ang haba ata ng sinabi niya..

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon