CHAPTER 26

69 20 2
                                    

NASH' POV

Halos hindi na ako humihinga sa loob ng sasakyan.. Ang awkward talaga kasi ng situasyon.. Di rin naman umiimik si Damion. Seryoso lang itong nagmamaneho at gigil na gigil sa manibela.. Nag away siguro sila ni Sienna kaya galit na galit toh, tapos napagbuntungan lang ako ng sama ng loob.. Kawawa naman pala sya.. Mahal na mahal pa naman niya si Sienna.

"Uhmmmm, ano ba pinagawayan nyo?" As usual ang pahamak kong dila, brinoadcast ang iniisip ko.

Tiningnan niya lang ako ng masama at patuloy lang sya sa pagmamaneho..

"Sabi naman kasi sayo Nashmiya, tumahimik ka na lang eh", kausap ko sa sarili ko.. Kailangan ko mag vent out.. Baka himatayin na ko sa sobrang kaba dito..

Kinuha ko ang phone ko, maglalaro na lang ako ng snakes. Tama yun ang gagawin ko.. kaso lowbat pa.. Grrrr..

"Pwede ba ko magpatugtog?", pinakialaman ko na ang stereo nya kahit di pa sya sumasagot.. Nkakasuffocate na kasi talaga..

🎶Lucky i'm in love with my bestfriend,
Lucky----🎶

Ayon. Inoff ko nalang.. Buset.. buti pa yung singer lucky.. Samantalang ako.. unlucky I am inlove..

"Alam mo. Ibaba mo nalang ako sa malapit na sakayan ng jeep.", pagmamatapang kong saad sakanya.. Kahit mejo kinakabahan ako na gawin niya nga ang sinasabi ko, alam ko naman na di niya hahayaan na umuwi ako magisa ng ganitong oras.. Pero gusto ko lang kausapin nya ako.. Yun lang.

Pero wa epek.. Di pa rin sya umimik at dumirediretso lang hanggang makarating sa apartment ko.

"Sa susunod na uuwi ka ulit ng ganitong oras, makakarating na talaga sa Auntie mo," hindi ko alam kong seryoso sya, pero grabe naman..

"Ngayon lang ako ginabi ng uwi noh?," depensa ko sa sarili ko.

"Ngayon lang?. Ngayon lang nga kayo nagkita ulit ng Kulog na yun, ginabi ka na agad. Paano sa mga susunod pa?", nakikita ko ang pag iigting ng bagang niya. Nakkainis dinadamay pa ako sa away nila ni Sienna.

"Hoy,, kung may LQ kayo ng girlfriend mo wag mo sakin ibuntong ang inis. Ngayon ka na nga lang nagpakita tapos ikaw pa may ganang magalit.", Ayon nasabi ko tuloy hinanakit ko sakanya.

"Unang una hindi kami LQ----", Tinakpan ko ng hintuturo ko ang labi niya.. Ayaw ko marinig sasabihin niya. Sigurado, ipagmamalaki na naman niya na hindi sila kailan man magaaway ng perfect girl nya.. Eh kung hindi, bakit talo niya pa nagmemeno pause sa pagkabugnutin?

Tinalikuran ko na lang sya, Hindi pa siguro ito ang tamang oras para makapagusap ksmi..

"Sorry," parang narinig ko syang nagsalita kaya huminto ako at humarap sa kanya.

"I-I am just confused and---", tila nahihirapan syang magpaliwanag. Ewan ko, sorry lang naman talaga gusto kong marinig. Wala akong paki alam ano man ang dahilan kung bakit di sya nagpakita o nagpaalam man lang. Ang importante andito na sya.. Niyakap ko sya mahigpit na mahigpit, at di ko naiwasang umiyak dahil sa pagka miss sa kanya.

"Just promise me, wag mo na ulit gagawin yun ah? Nagalala kasi ako eh.. Akala ko mawawala ka na naman ulit.", bulong ko sa kanya.. And i got the most unexpected response..

He kissed me..

sa noo lang. hehehe

And we stayed in that position for i don't know, how long..

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hoy mga bruha, bakit ganyan ang suot nyo? Ang totoo, magswiswimming ba kayo o mag mo malling?" Nagkatinginan nalang kami ni bhess dahil sa sinabi ni Toni.. Pareho kasi kaming naka shorts and t-shirts. Eh pwede naman magswimming ng nakaganito diba?

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon