NASH' POV
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon. Mas lalong naging mailap sa akin si Mike. Hindi na din sya sa akin nag memessage or tumatawag. Pumupunta pa nga ako minsan sa bahay nila para makausap sya ng maayos pero palagi syang wala. Sa classroom naman palaging si Anika ang kasama nya. Hindi nya halos ako tinitingnan o kahit ano pa man. Naging bulong bulongan na din ang break up namin. Pero sinasabi ko namn na di pa kami break. May roon lang kaming di napagkakaunawan, pero maayos pa namin iyon. Sa loob ng dalawang linggong iyon, halos di ako makatulog. Mukha na akong zoombie sa laki ng eye bag. Lalong nagalit si Vanny at Toni kay Mike. Ilang beses na nila ito kinonfront ngunit maski sila hindi nito pinapansin. Naging tampulan na din ako ng tukso, masyado na daw akong desperada sa kakahabol kay Mike. Gusto ko lang nman talaga sya makausap ng maunawan ko ano ang nangyayari. Baka sakaling maayos pa namin ito. Hindi ako susuko hanggat di kami nagkakaayos.. Mahal na Mahal ko siya..
"Hubby ko, pleaseee.. kausapin mo namn ako... Nahihirapan na din ako.. Hindi ko alam ano ba dapat kong isipin.. Mahal mo pa din namn ako diba? diba?... umiiyak ko ng pagmamakaawa sakanya. Sa totoong lang, pinilit ko din umiwas. gusto kong isipin na wala ng kami, pero sa tuwing nakikita ko sya, bumabalik ang lahat ng sakit. Di ko na tlaga maitatago to. Nagbreak down na ko. Madami nambubully sa akin pero ni minsan hindi nila ako nakitang umiyak.. Palihim lang naman kasi ako kung magdrama. Ayaw ko kasi ng kinakaawaan ako. Pero iba nagyon. desperada na talaga ako.
"........." Diridiretso pa din sya. Parang wala syang naririnig.
"Bhess halika na, pabayaan mo na sya. Huwag mong iyakan ang walang kwentang lalaki na yan", galit na galit na din talaga si Vanny.
" Ayoko.. Gusto ko maunawaan ang lahat.. Maayos pa nman natin toh diba? Pleassseee Hubby ko?" tumakbo ako at pumunta sa harap nya.
"Quit it Nashmiya", di ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya. Natigilan man ako sa tugon niya, mas nanaig padin sakin ang kagustuhang makausap sya Kaya niyakap ko lang sya ng mahigpit, wala na akong pakialam sa dami ng taong nanonood sa amin.
"Ano pa bang hindi mo maintindihan? Ang tanga mo din talaga ano? Ako na ang mahal ni Mike. Hindi na ikaw. Tagalog na yun, gets mo na ba?" biglang hinablot ni Anika si Mike.. Sila na nga ba talaga? di nya man lang pinaabot ang three years anniversary namin. Minahal nya ba talaga ko? Bakit ganon nalang niya itapon ang pinagsamahan namin.
Umalis na ang dalawa. Hahabulin ko pa sana sila ng may humila sa akin. Si Damion. Pinipilit kong kumawala sa kanya.. Kailangan ko makausap si Mike.. Nakatakas ako at akmang tatakbo ulit ng binuhat nya akong parang sako. Pinagpupukpok ko ang likod nya para ibaba nya ko. Si Mike lang ang nasa isip ko ngayon. Alam ko may problema sya. Hindi nya ko gaganituhin kung walang dahilan. Isinakay ako ni Damion sa kotse nya. Nagwawala na talaga ako sa loob ng sasakayan niya. Alam kong nagpipigil nadin lang si Damion ng galit. Kitang kita ko kasi ang pag igting ng panga nya.
"Nashmiya Cassandra! Can you please stop bickering. You are getting on my nerves" kalmado ngunit ma authoridad na sabi nya.
Tumahimik na din ako. Wala na din namn ako magagawa, baka maaksidente pa kami sa pagmamaktol ko. Hindi ko namalayang nakatulog na naman ako. Huminto kami sa isang park. Sa isang tagong bahagi ng park. Alam ko ang lugar na ito. Madalas kami ni DK dito. Si Dk? kababata namin sya ni Vanny. Matagal ko na syang di nakikita. Lumipat daw sya ng school na di nagpapaalam. Akala niya sguro galit ako sakanya sa ngyari noon. Pero ang totoo, alam kong sya ang nagligtas sa akin.
"tutunganga ka nalng ba jan? baba..." bumaba na lng din ako at pumwesto sa isang bench. Halos ganito padin hitsura kaso parang ginawa ng private property, wala masyadong batang naglalaro eh. At meron na din plang maliit na waterfalls?
FLASHBACK
"Cassy, para sayo oh", inabutan ako ni DK ng pagkadami daming marshmallows. "Huwag ka ng umiyak, gusto mo magtransform ako? Ako na si Superman. Aawayin ko si Auntie Gergia dahil pinalo ka. Ipagtatanggol kita sa lahat ng nagpapaiyak sayo".
Bukod kay Vanny, alam din ni DK ang lahat sa akin noon. Alam nyang napapatigil ako ng iyak ng madaming marshmallows. Ewan ko ba ano meron sa marshmallows. Kinuha ko lang ang marshmallows at kumain. hindi pa din ako umiimik. Hindi ko kasi alam kung bakit ako ang pinalo ni Auntie, eh si Ate Lei naman ang may kasalanan noon.
"Di na ba nahihigop ng marshmallows ang luha mo? may tumuttulo pa din oh", inosenteng sambit nya habng pinupunasan ang pisngi ko. "Parang waterfalls talaga yang mata mo ang daming tubig"..
Napatingin ako sa sinabi nya.. "Gusto ko makakita ng waterfalls, halika hanapin natin dito"
"Naku, kaya ka napapalo eh. Pag ok ka na uwi na tayo. Baka hinahanap na din ako ni mommy."- DK
"Gusto ko ng waterfalls, para sumama nalang lahat ng luha ko sa tubig dun. Para di nako iiyak."-ako
PRESENT
"Mallows?", nagulat ako ng abutan niya ako ng marshmallows at yung gusto ko pang fruity flavor.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito? Sainyo ba ito? Kamukha sya nung park na pinagtataguan namin ng kaibigan ko." nakangiti na ko ng sabihin ko yun. Sa totoo lang, napapngiti talaga ako kapag naalala ko si DK..
Nkatitig lang sya sa akin, parang may gustong sabihin pero pinipigilan nya.
"Marshmallows din ba pang tanggal mo ng stress pag umiiyak ka?" nagtanong nalang din ako ulit.
Di pa rin sya umiimik.
"Alam mo ba ang marshmallow inaasorb nya yung luha natin kya pag kumakain tayo nito. natitigil pag iyak natin. Salamat dito ah." ewan ko ba pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko, parang walang ngyari kanina.
Kung hindi ko lang kilala si Damion, iisipin kong si DK sya. Pero hindi eh, ibang iba sila, Di lang sa anyo pati sa ugali. Malambing kya yun si DK, samantalang si Damion kala mo yelo sa lamig at kala mo bato sa tigas. Pero sa totoo. Nagayon nalang ulit ako ngumiti ng hindi pilit nitong mga nakaraang araw. Mabait din naman pla itong gagong toh.
Tahimik lang sya sa gilid, habang ako kumakain ng marshmallow habang umiiyak. Pero hindi na ata effective ang marshmallow, di na kasi nababawasan ang sakit. Hanggang sa naubos na ang marshmallows pero wala padin.
"hindi ka na bata para mapagaan ang loob ng marshmallow lang. Maybe you are just too attached with the idea that the mallows will absorb all the pain, but you know it's not true." bigla bigla na lamang syang nagsasalita.
"Nobody can remove the pain except you, You are responsible for everything.", dagdag nya pa. Tama naman sya eh, ako lang talaga itong masokista. Nasasaktan na lumalaban pa. pero diba dapat naman talagang ipaglaban? Mahal ko sya eh..
"You know, knowing when to fight is more important than the methods of fighting?" tanong ba yun o bugtong? nahihirapan na nga puso ko pati isip ko nililito.. hmftt.. Teka bakit ang daldal niya ata?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Til next time mga kapatid:)
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...