Nash POV
Naputol ang pag eemote namin ni bhessy, ng may kalabog kaming narinig sa labas.. halos makalimutan ko ng nanjan pala ang tatlong iyon..
Napagdesisyunan naming lumabas nalang, tutal medyo nagkaliwanagan na din kami ni Bhessy.
Medyo okay na din daw sya..
Ang gulo gulo ng sala ng paglabas namin.. nakita kong halos magbugbugan na si Thunder at Fiero, samantalang si Damion ay tahimik na may kinakalikot na kung anong natatakpan ng unan. Cp siguro..
"Mabuti naisipan nyong lumabas.. dapat talaga di nalang ako sumama dito. Ang boring.." si Fiero yon.. halata namang bored na sya.. kaya siguro nantitrip na naman..
"Nagpadeliver na lang ako ng pizza. Wala man lang kalaman laman ang ref mo.. ilang linggo lang ako di nakapunta dito, di ka na naman siguro kumain ng maayos..", saad ni Thunder.. "oh Vanny, okay ka na?" Baling niya naman kay bhessy.
Hindi nalang umimik si bhess at umupo na sa sofa. Nagkataon kasing nasa lapag sila naka upo.. iba din talaga trip nila..
"Umuwi ka na kaya Fiero.. Bored ka na diba?" Kunyaring asar na saad ko.
"At bakit ako lang? Iiwan ko si Thunder at Damion dito? Naku.. baka magrambol." Tumayo si Fiero at biglang kinuha ang unan na nakatakip sa kinakalikot ni Damion.
Ang bilis din ng reflex ni Damion at naitago niya agad ito sa bulsa niya.. ano kaya yun..
Kunyaring sinuntok niya si Fiero, at di ko inaasahan na mapapatingin siya sa gawi ko..
Nahuli niya tuloy na pinagmamasdan ko siya..
Bigla naman itong yumuko..
Napakatahimik niya talaga.
"Bhesss, uwi na ko.. salamat ah.." biglang saad ni bhessy..
"Huh?", ewan ko ba.. natuliro na naman ako..
"Uwi na ko.. iwan ko muna pinamili na tin daan ako ulit dito bukas o sa sunod na bukas..", sabi niya ulit..
"Mabuti ihatid na kita.. ng makaeskapo na din ako.. ", tumayo na din si Fiero..
Nakita ko naman na biglang napaangat ng mukha si Damion.. tila may gusto sabihin pero mas pinili na manahimik nalang..
"Hoy sabi ko.. alis nako.. di pa kayo tatayo jan?", si Fiero habang papalit palit ng tingin kay Thunder at Damion.
"Tara na Thunder.", iyon ang kauna unahang salita na narining ko kay Damion mula pa kanina..
"Una na kayo.. paiwan muna ko.. may paguusapan lang kami..", tumayo si Thunder pero lumipat lang sya sa tabi ko.
Nagulat naman ako ng biglang umupo ulit si Damion..
"Di ka sasabay Damion?", si Fiero yun.
"Hindi kasi magandang tingnan na isang babae at isang lalaki lang ang nasa loob ng bahay..", haba ng sinabi ahh..
"Okay lang naman, lagi naman na kami lang ni Thunder dito.", sagot ko naman.
Nakita ko ang pagtalim ng tingin sa kin ni Damion.. kulang nalang ay malusaw ako sa titig niya.
"Oo nga Damion. Alam mo ba dito pa yan natutulog minsan si Thunder. Kaya tara na..", sabat naman ni Fiero.
"Totoo ba yun Cassandra?", nagulat ako dahil tinawag niya kong Cassandra..
"Oo-- pero.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko, dahil bigla nalang tumayo si Damion at nauna pang lumabas.. nabangga niya din si Fiero kaya nahulog ang hawak hwak nitong slice ng pizza.
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...