CHAPTER 32

70 20 0
                                    

NASH' POV

3 mos after

"Psssst, Bakit umiiyak si Siena?", bulong ko kay Toni. Nasa bahay kami ni Siena.. Actually, Fiero texted us to come over. Hindi pa din naman kami masyadong close ni Siena, pero sa araw araw naming pagsasama. Tinuturing ko na syang kaibigan.

"Keberlu, Nadatnan na lang namin syang nagngangangawa jan..", kibit balikat na sagot ni Toni.

"Bhesssy, pinaiyak mo?" pilyang tanong naman sa akin ni Vanny.

"Kakarating ko lang kaya.. Kayo nanjan eh..", Sagot ko naman sa kanya..

"Wag nga kayo maingay jan.", sita naman sa amin ni Thunder.. suplado.. hmft.

"Sienaa, please.. Come, let us talk about your problem out of here.", pag aalo naman ni Damion.

Kung tinatanong mo if ano kami ni Damion.. Kami ay walang ano man.. In short, friends.. but not with benefits ah.. Napagkasunduan naming bigyan ng time ang mga sarili namin.. Ako? para sa pag aayos ng mga issues ko.. Tama naman sinabi niya na hindi pa ako handang pumasok muli sa isang relationship.. Baka maging kagaya lang ulit ng dati.. Baka maging adik na naman ako.. Well, I admire him for that.. For giving me time to heal first.. At sya naman, para maayos niya lahat ng problema sa family niya at kay Siena.. Well, alangan mang sabihin, pero I believed in him..I know he loves me. Hindi na yun assumption ah, sinabi niya na sa akin.:)

Ipokrita ako if sasabihin kong hindi ako nasasaktan kapag naguusap or sobrang close si Damion at Siena, ex kaya un.. Pero at the end of the day, Damion keeps on showing and reminding me, how important I am to him.. Kaya pwede na..

"Leave me alone.." Sigaw ni Siena kay Damion.. "All of you.. Leave me alone.. Diba ganoon naman kayo? Kunyari you care? pero iiwan nyo lang din naman ako.!" aba, lalim ng hugot ahhh.

"Stop acting like a brat!" gigil na singhal ni Thunder sakanya.. Ano ba ang nagyayari?

"Go to hell.!" sigaw naman ni Siena pabalik kay Thunder.."Sino ba kasi nagsabi sainyo na pumunta kayo dito? Hindi ko kayo kailangan." Tumayo na sya at nagwalk out..

"Pasensya na kayo kay Siena", Si Tita Georgia yan ah, yung mommy ni Sienna.

"How is she?", puno ng pagaalalang tanong ni Damion..

"She is very depressed.. Nadagdagan pa ng... ng makita niya ang daddy niya.", malungkot na saad ni Tita Georgia.

"What?! Akala ko patay na daddy niya?" Thunder said wondering.

"Hindi naman talaga sya patay.. Iniwan niya kami.. Para sa ibang babae..", ako lang ba yun oh, bigla talagang tumalim ang tingin sa akin ng mommy ni Siena.

Kwinento na din ni Tita Georgia ang Love story nila. To summarize it all, Nambabae ang asawa niya, nagka anak sa iba at iniwan sila.. Ang saklap diba? Kawawa naman pala talaga si Siena... At ang sama sama ng babae ng daddy niya.. Salot talaga ang mga kabet.. Panira ng pamilya.

"And he did all that?!", Si Thunder ulit. Affected much?

"I am sorry to here that. What can we do to help her?" Damion asked willingly.

"Don't leave her.. Damion, you promised right? Hindi mo na hahayaang mapahamak ang anak ko? Hindi mo sya iiiwan? Lalo ngayon?" nagmamakaawa ang tinig ni Tita Georgia..

"Yah, of course, me and my friends are here to help her.", halata ang pag aalangan sa tinig ni Damion.

"That is not what I mean, Wag mong iparanas kay Siena ang naranasan ko ng iniwan ako ng tatay niya para sa ibang babae.. Hindi niya kakayanin.. Alam mo ang situasyon niya..", What? Ano ba to.. Kailangan sabihin ito sa harap ko? Damion.....

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon