NASH' POV
Maaga akong gumising, excited kasi ako sa new look ko. Gusto ko ng makita ang reaction ni Mike pag nakita nya ang pagbabago ko. Alam kong mas maganda padin sa akin si Anika pero sa tingin ko namn sa lagay kong ito, may panlaban nako. Pero para totoong manalo dapat siguro paglalandi ang aralin ko. lol. Nakasalamin padin naman kasi ako, ayaw ko magcontact lens, siguro next time na lang. Masyado na kong maraming utang sa Damion na yun ehhh.. Ayaw ko padin naman ibenta kaluluha ko dun.. wahhhhh
Speaking of Damion, magpapanggap kami na walang kinalaman sa isa't isa.. Sekreto lang daw ang Love Rehab na yun, at saka ayaw daw nya na magiisip ng masama ang mga tao sa kanya, baka pa daw isipin may something samin,, As if naman gusto ko malink kami.. Ayaw ko nga, baka magselos lang si Mike.. Imbis na matuloy pagbabati namin, lalong lumabo.
Kahit maaga ako nagising at nakarating sa school, nalate pa din ako sa first class ko. Umiral kasi pagiging chismosa ko eh..
FLASHBACK
Naglalakad na ko papunta sa room ng maisipan kong tingnan ulit hitsura ko sa salamin, didiretso sana ko sa girl's cr, ng makita ko ang sasakyan ni Damion na nagpark, Siya lang ang may ganung sasakyan sa school kya halatang halata.. Dumating na pla ang gago. Ewan ko ba at may sariling utak ang mga paa ko kaya sinilip ko sya.. Ang tagal nya bago bumaba sa kanyang Porche Spyder car, tinted kasi kya hindi ko makita ano ginagawa niya sa loob. Matagal tagal na din ako naghihintay sa paglabas niya , nakatulog na siguro.. Baliw talaga yun. Tumalikod na lang ako kaso biglan siyang lumabas..
"Gustong gusto na talaga kita....asdfghkl", shit ako ba kausap niya? assumera na naman ako.. Hindi ko na halos narinig iba nyang sinabi dahil nagfocus na ko sa gusto niya ko.. wahhhhh.. Wala naman kasi ibang tao dun, ako lang namn.. Hindi pwede ito, diba do not fall in love nga sa isa't isa.. Nagtatalo ang isip ko kung icoconfront ko sya ng..
"Hoy, Bulaklak na lanta, anong ginagawa mo jan?" nakalapit na pala ang demonyong ito.
"Damion! alam ko nagbago na hitsura ko, nagimprove na ko. Pero hindi ibig sabihin babaliin mo na yung rules natin.. Hindi ka pwedeng magkagusto sa akin. Mahal ko si Mike, at kaya lang ako pumayag sa deal na ito para makuha ko sya ulit.. Kaya kung ano man nararamdaman mo itigil mo na.. Hindi talaga pwede.!" diridiretso kung saad sakanya.. Mabuti na yung malinaw noh..
"........tsk", umirap lang sya at lumakad na palayo.. Wahhh nasaktan ko ata kaaga aga.
"Damion, wag ka naman magalit, alam kong masakit ang mabusted pero hindi pa kami break ni Mike. Mas ok na masaktan ka ng maaga kesa pag hulog na hulog ka na sa akin" hinigit ko sya at pinaharap sa akin.. Hindi pwedeng magalit sya, baka itigil niya na yung deal. Naeenjoy ako sa libre ehh...
"Tanga ka talaga. Sino ba may sabi sayo na gusto kita? ASA ka namn." Umirap pa sya. Eh di ba? Narinig ko kya sya.... "At saka wag mo ugaliin makinig ng makinig sa usapan ng iba. Ayan tuloy, nagiging assumera ka" nagwalk out na namn sya..
Napahiya ako dun ah., sino ba kausap niya? wala namn ibang tao ah? Haaaiiiyyyyy.
PRESENT
"Bagay sayo ang nagaayos ng ganyan, pero Nash dapat alisin mo na din salamin mo, magcontact lens ka kaya para package na... Siguro nagpapansin ka kay Mike noh? kaya ka ba nagpapaganda ng ganyan? Pabayaan mo na nga yun... Gumanda ka nga eh, so may chance pa magbago feelings mo noh", pamumuri ngunit may pangaalaskang sambit ni Toni..
"Si Mike nga ba oh si...." nanunukso naman si Bhesyyy.. Si bhess lang pla may alam na nakipagdeal ako kay Damion, pinakisuapan ko din sya na wag na muna sabihin kay Toni.. Baka isipin nun super desperada na talaga ako.. Sakto lang naman ehh.
"Look who is here? Nagbago lang ng konti ang hitsura mo nagfifeeling kna? hindi ka parin maganda noh?" Si Anika pla, kasama mga kaibigan niya at si Mike. Nakiupo pa sila sa mesa namin..
"Bawal kayo dito", Si Toni yun.. Tinitingnan ko lang si Mike, gusto ko makita ang reaction nya. Mula kanina kasi hindi ko pa man lang sya nakitang lumingon sa akin.. Nakakafrustrate naman..
"Pag aari nyo? kelan pa kayo naging stock holder ng school?" si Trixie yun, isa sa three bitches..
"Hayaan nyo na.. Wala na kasi ibang vacant na place.." si Vanny yun, ang bait talaga ng bhessy ko..
Kanya kanya lang kaming kain. Pinipilit naman subuan ni Anika si Mike pero hindi namn ito nagpapasubo.. bwahahahaha... Kala nya mapapaselos nya ko.. Hindi naman nya kailangan gawin yun. The mere fact na magkasama sila, selos na selos na ko.. Halos hindi ko nagalaw pagkain ko, dahil buong break time tinititigan ko lang si Mike. Hindi man lang ba nya halata na nagayos ako? hindi nya man lang ba napapansin na tinititigan ko sya? hindi na ba gaya ng dati ang epekto ko sakanya? dati kasi kapag tinititigan ko sya ng bongga, kinukulit niya ko at nacoconscious daw sya... Haist, wala na ba talaga kami g pag asa?
"Nahsmiya Cassandra! wala na yung tinititigan mo, nalusaw na" Halos pasigaw at sabay na tapik sakin ni Toni. Tapos na pala sila kumain.. Shettt time na, sayang yung pinambili ko ng foods.. iapaptake out ko nalang.. Nabusog kasi ako sa mukha ng Huubb, ni Mike ehhh...
" Oo nga bhess, dapat sya ang mabighani sayo hindi ikaw yung naglalaway sa kanya:)) " nakiasar na din si Vanny.
"Mga adik kayo.. Pagtripan ba ko. Pumasok na nga kayo, cr lang ako", pagtataboy ko sakanila.
"Napapadalas ang cr ah:) Naku sister need mo ng bumili ng handy mirror para hindi ka punta ng punta ng cr para lang mag aus.. Uyyyyy.. Conscious." pangaalaska pa ni Toni. Tawa lang sila ng Tawa ni bhessyy kaya umalis na ako,,
"Nash, usap tayo?", Bigla akong kinabahan sa boses na narinig ko... Matagal ko na din syang hindi nakakusap.. matagal ko na din inaasam na lapitan nya ko. Aba effective ata ginawa ni Damion:))
"hmmmmm, Sige..." hindi nako halos makapag salita sa kaba, pero deep inside tuwang tuwa ako.. Sa sobrang tuwa, nakalimutan ko ng may klase pa kami..
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Anuba etey, paano ka marerehab Nash kong tumutungga ka padin ng kinakaadikan mong si Mike?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...