CHAPTER 17

74 24 0
                                    

NASH' POV

"Papa God, Please... liwanagan mo ang isip ko. Bigyan mo ko ng sign na ok lang na naging ganun ending namin ni Mike.. " Ang dami ko pang kinwento kay Papa God. Dati lagi kong pinagdarasal na sana maramdaman ko yung totoong pagmamahal ni Mike, yung walang pag aalinlangan.

Kung tutuusin, unti unti ko ng natatanggap na ang halos tatlong taon naming relation ay isang kasinungalingan lamang. Pinunla ng paghihiganti, kya kahit umusbong ito at namulaklak, hindi pa rin meant to be na mamunga. At kung pipiliting mamunga, masama ang kakalabasan.

Siguro nga tama na din yung ginawa ni Damion. Siguro kung wala sya, baka naging mahina na naman ako at siguradong hindi ko na naman hahayaang mawala sya. Napangiti ako sa isiping, wala man si Mike, may isang Damion naman na dumadamay sakin. Alam ko dahil lang sa deal namin ito, pero okay na din. Beggar's can't be chooser diba? Oo, nanlilimos lang naman kasi ako ng attention at pagmamahal. Si bhessy? (mas close na sila ni Toni eh) kasalanan ko din naman, masyado kong inikot kay Mike ang buhay ko, kaya nakalimutan kong may bhessy pala ko. My bad. Babawi ako sa kanya. Magsisimula kami ulit promise.

Nbuhayan ako ng loob. Positive lang dapat. Ngayon ko dapat pairalin ang Positive outlook ko:)) At sisimulan ko ito kay Damion. Alam ko sa likod ng mapangasar at maangas niyang mukha, may bait itong itinatago.

"Damion, salamat ah. Bukod sa sinamahan mo ko dito para maliwanagan isip ko, sinamahan mo din ako kahit nagmamaktol lang ako. Alam kong dahil sa deal lang kaya mo ito ginagawa. Pero salamat padin... Hindi ko alam kung anu ginawa mo, pero effective.:) Hindi na gaya kasakit dati." Nangingiti kong bulong sa kanya. Sympre bulong lang nasa simbahan kami.

"........."

"Hindi ka man lang ba magsasalita? kahit asarin mo ko, okay lang.:) my iuutos ka pwede din" nilingon ko na sya.. At ayun... Natutulog.. Naku, dami ko ng dinadada, deadma bels.. Gigisingin ko na sana sya dahil nakakahiya, ginawa nyang hotel ang simbahan pero..

"Alam mo kahit kunyari matapang ka,alam ko may tinatago kang lungkot. At kahit nag aangas ka, alam kong mabait ka. At siguro ang sarap mong magmahal. Kasi willing mo gawin lahat maging maayos lang kayo ng mahal mo. Haist... Sana ako din makahanap ng kagaya mo. o gusto mo tayo na lang?" hahahaha natatawa ko sa isipan ko, siguro kung gising toh, san damukal na mura at pang iinis maririnig ko. kaya lulubusin ko na habang tulog sya.

"........" Wala pa din syang imik. himbing na himbing siguro.. nakaktulog sya ng ganyan.. weeww..

"Kidding aside, ang swerte ng babaeng mahal mo, sana makilala ko sya minsan.. Para masabi ko sakanya kung gaano mo sya ka mahal at kung gaano mo gagawin ang lahat para sakanya. Para isa man lang sa atin, may maging magandang ending" Siguro emotional lang talaga ko ngayon kaya mejo kumirot ang dibdib ko ng sinabi ko yun..

"pero mas maganda kung tayo nalang dalawa diba? hahaahaha" napalakas ata ang tawa ko.. kaya nagising sya.

"What are you saying? are you proposing? Bawal ma inlove sa akin" diridiretso niyang sambit pero sa kabilang side nakatingin, at Anung propose.. narining nya ba lahat? and wait... is he blushing? Shiiittttt.

"Propose ka jan.. narinig mo ba sinabi ko lahat? hmmmmmm. sabi ko mas maganda kung tayong dalawa ang may magandang ending. Hindi lang ikaw yung masaya. Tara na nga.." palusot.com hahahahahaha..

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Two weeks na din ang nakalipas. Si Mike hindi ko na sya nakita after nung pag uusap namin. Nalaman ko kay bhessy na nasa Japan na sya. Hindi na pala dapat sya mageenrol this school year dito, pero pinilit niya lang. Kya kahit hindi pa kalahati ng school year nag drop out na sya.. Malungko, dahil di man lang kami nakapag usap ng maayos. Pero okay na din, mas makkamove on ako na di ko sya nakikita. Ipokrita ako if sasabihin kong nakalimutan ko na sya. Kasi gabigabi naiisip ko parin sya. Pero atleast.. Nabawasan na ang sakit.. Pero andito pa rin sya.. Di na ata mawawala yun.

Si Anika? nasa klase pa din namin. Madami nga nagtataka sa pagbabago niya. Kung dati para syang tigre na mahilig manakmal, ngayon para na syang pusa.. Maamo, walang paki akam, at tahimik lang sa sulok. Naapektuhan din ata sa pag alis ni Mike. Bihira ko na din sya makita kasama ng three bithces.. Ewan, issue nila yan.. bahala sila..

"Bhessy, tibo ka na? Hindi dahil umalis si Mike si Anika naman pag nanasahan mo" tatawa tawang saad ni Vanny, Nasobrahan na ata ako kakatitig. Okay na pla kami ulit ni Bhess. No man can get our way. Saka may kasalanan din naman ako sa ngyari. hindi pwede na ipa ako ko sakanya lahat ng kasalanan.

"Hoy mga bruha andito na foods nyo, Pretty Vanny, dito ka sa tabi ko." sabay abot ni Toni ng foods namin. Balik Trio na ulit kami..

"Kahit anong diet mo jan, di ka na gaganda, kainin mo toh" si Damion, at inabot niya sa kin ang isang fries, isang burger, isang waffle at isang large na strawberry flavored na mirinda. Umupo na din sya sa tabi ko. Open na din kasi sa school na friends kami. Ewan ko ba simula ng araw na yun. madami nagbago. Masungit pa din naman sya pero nakikihalubilo na..

"Wow, ang sweet naman talaga., Hoy Nash sagutin mo nayan.. para no more lonely nights", pangaasar ni Toni.

"Hindi ko yan nililigawan.. A-S-A.. Madami lang ako pera." Tingnan mo masungit pa din.

"At dahil madami kang pera, ilibre mo kami.." Aba bumabanat na si Bhessy. Pero nakaktuwa isipin na nakakapagbiruan na kami ng ganito.

"Wala na binili ko na nyan diba?, saka ang yayaman nyo, sya lang naman pulubi dito, makikihati pa kayo." oo na ako na pulubi.. tsk. wala pang sahod yung pinag papart time an ko eh.. Hindi rin talaga kumontak Nanay ko. Kala ko pa naman kakausapin niya nako pag humiwalay ako kila Auntie, pero wala. Nakalimutan na ata talaga ko ng tuluyan.

"Whatever! Nash yung kaibigan ko, si Angel, kilala mo yun diba? naghahanap ng bugaw sa club nya gabi naman yun so di hussle sa part time at sa schooling, sabihan ko ba?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Toni. Akala ko ba kaibigan ko to, at ibubugaw pa ko.

"Ano naman pumasok sa isip mo Tonyang bakla at in oofferan mo ng ganyan si Bhessy?" Hindi ko alam if seryoso na ba ang usapan na to..

"Eh ayaw tumanggap ng tulong sa atin eh, Ayaw din umuwi sakanila, para may dagdag income sya diba? sasayaw lang naman sya sa harap, pwede naman konting hubad lang. At pwede naman siya tumanggi if ayaw nya magpachukchak." todo bigay at demo pa ng sayaw ni Toni.

"Tumatanggap ba sila ng menor de edad?" naguguluhang sambit ko.

"Oo naman, pwede naman ifake yun, wala makaka alam, magkikita kami mamaya ni Angel, sama ka?" Ngumi ngisi na si Toni. Teka seryoso ba toh?

"Hmmmmm C-cc---". di pa tapos sasabihin ko ngunit.

Blaaaaaaaag

"subukan mo imeet yung Bugaw na yun. ipapakain ko sa langaw itong kaibigan mong bading na to." Seryoso at nakakatakot na sambit ni Damion. Hinamapas nya pa ang mesa. Andito pa pla to, di kasi umiimik eh..

"I'm just trying to help." hindi ko alam pero imbis na takot ang expression ni Toni, he looked amused.

"Ibuka mo pa bibig mo.." pagbabanta ni Damion, bakit kumukulo ang dugo nito. nagkwekwentuhan lang naman kami ah. hmmmm

"Dam, chill nagkwekwentuhan lang kami.. Galit na galit ka na eh." kumindat pa sa akin si bhessy bago bumaling kay Damion.

Nakatingin na din kasi yung mga nasa kabilang table. Nakuha siguro attention nila nung hinampas ni Damion ang mesa.

"Bibigyan na lang kita ng iba pang part time." mejo kumalma na sya ng tumingin sakin. "At ikaw... aag mo bini BI si Nashmiya ah" sabay baling kay TONI. Si Toni? ayun tuwang tuwa, kala mo nanalo sa Grammy's. Bipolar na din, hahahha

"Sus ko naman, super concern sa welfare ng Nashmiya.:) Nagjojoke lang ako, hitsura niyan ni Nash papasa sa club. Naku, baka walang pumuntang customer. hahahaha." humalakhak na talaga sya ng todo.

"Aba, Dam in love ka na kay Nash?" si bhessy yun nakisakay pa sa asaran. Napaplakas na ata kwentuhan namin at madami ng nakikinig at nanonood sa table namin.

"A-S-A.. Ayaw ko lang maubos yung time niya, May deal kami remember?" sabay walk out ng Lolo mo. Walk out na pulang pula.:)

Ako naman Ngiting ngiti.. hahaha.. Bakit ba masaya ko eh..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon