CHAPTER 11

108 26 0
                                    

Mike's Pic:)

__________________________________________________________________________________

NASH' POV

Higit higit parin ako ni Mike.. Hindi ko alam saan kami pupunta.. Hindi ako mapakali.. Para bang may mali.. Mike is always gentle.. Never nya pa ko pinuwersa na isama kahit saan. Kung si Damion siguro pwede pa.. Si Damion kasi brusko at hilig mambigla nun. Haist,. Asan na kaya yung mokong na yun? Hindi ko sya nakita sa lunchbreak ah.. Kumain na kya yun?.. Teka lang.. Bakit ba sya ang iniisip ko?

Natigil din ang pagiisip ko ng bitawan na ako ni Mike. Nasa Lover's Garden pala kami.. Nakakmiss din pumunta dito na kasama sya.. Madalas kasi nung mga nakaraang araw,ako lang magisa tumatambay dito.. Nakatingin lang sya sakin. Parang matalim ang gawi ng panunuri ng kanyang mga mata..

"Hindi mo kailangan baguhin ang hitsura mo." binasag ni Mike ang katahimikan namin..

Hindi ko alam ang sasabhin ko. Nakatitig lang ako sa kanya.. Naninibago siguro? Ngayon nalang kami nakapagusap ng ganito..

"Babyyyyyy...", halos pabulong nyang sabi.. Nagulat ako, kaya hindi ko napigilan ang paglandas ng mga luha ko.. wahhh.. Ang tagal kong gusto marinig na tawagin nya ko ulit ng BABY. Pero bakit imbes na matuwa ako, naiinis ako.. Naiinis ako sa nararamdaman ko..

Bigla nya kong niyakap.. Mahigpit na mahigpit. Alam kong namiss nya din ako.. Naramdam ko sa yakap nya. Ako din Miss na miss ko na sya. Hindi parin ako makapagsalita. Nawala lahat ng nabuo kong panunumbat sakanya.. Babalik na naman ba ko sa umpisa? Hindi ba talaga ko makaka-usad sa kanya?

"Sorry, baby please don't give up on me, I will settle everything. Wag ka magsasawa na mahalin ako.. Ako lang ah.. Pleaseeee".. hindi ko alam if imagination ko lang pero prang naiiyak na din sya..

"paano si Anika?" Yun lang nasabi ko, tumutulo pa din ang luha ko, kahit pinipilit kong pigilan.

"Aayusin ko yung sa amin. Complikado lang kasi. Sa ngayon hintayin mo ko.. Gusto ko marinigsayo na hihintayin mo ko.. Na andyan ka lang hanggat matapos ko ito." may pagpapanic na akong naririnig sa boses nya.

"Paanong komplikado? Paano ako? Anu yun sabay kami? Minahal mo ba talaga ko? Bakit parang ang dali dali lang sayo na saktan ako?" Nasabi ko din sa wakas ang gusto kong sabihin pero hindi ko napigilan.... humahagulgol na ko.. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sabi ng puso ko ipaglaban ko pa sya.. Sabi naman ng isip ko wag na..

"Mahal kita.. Please wag ka umiyak.. Ayaw ko mawala ka sa akin.. Pero si Anika, kailngan nya ko at kailangan ko sya..." Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin kya nakita ko ang namumula nyang mga mata..

" Kai-Kailangan din kita M-Mike. Hindi mo alam kung gaano ako naapektuhan sa mga ngyayari.." Pinipilit kong buuin ang mga salita. Pero Nahihirapan na din ako sa kakaiyak ko..

Hindi sya umimik.. Tinitigan nya lang ako.. Pinunasan nya ang luha ko, pero tinigil nya mga palad nya sa pisngi ko.. Parang ewan na napatingin din ako sa kanya. Kinabahan ako bigla sa mga tingin nya at nagbackout lahat ng luha at hinaing ko.. Palapit ng palapit ang mukha nya sa akin.. Ikikiss nya na ba ko? Matagal na din kami pero hanggang cheeks nya lang ako hinahalikan. Halos tumigil ang hininga ko ng malapit na ang labi nya sa labi ko.. Automatic din na pumikit ang mga mata ko. Naisip ko lahat ng masayang alaala namin. At yun, hinalikan nya ko.. Simpleng halik lang, pero nagawa nung lusawin lahat ng yelo na unti unti kong binabalot sa puso ko para sa kanaya..

Nakangiti sya... Yun ang una kong napansin sa pagmulat ng mata ko. Napangiti din ako. Siguro nga back to zero na naman ako.. Bahala na.. Ang importante alam kong mahal pa din ako ng Hubby ko..

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon