Chapter 40

28 11 0
                                    

Nash POV

"Bhessy, ayan na mga lectures natin oh.. aralin mong maigi ahh..." inabot sa akin ni Vanny ang sandamakmak na notebook.

6 months nadin ang nakalipas simula ng huli kaming magkita ni Damion.

FLASHBACK

"Cassy ano pa ba ang ginagawa mo dito?" Pinuntahan ko ulit si Damion sa bahay nila one week after kung nalaman na engage na sila..

I won't give up that easily you know..

"Damm, just tell me you love me.. hindi ako maniniwala kay Siena, hindi ako maniniwala sa iba.. ikaw lang ang paniniwalaan ko.. Mahal na mahal kita.." i desperately said.. i am already crying and i don't care kahit magmukha na naman akong tanga..

"Stop crying.." yun lang ang sinambit niya..

"Tell me you still love me Damion.. please.. i will wait for you.. di ba sabi mo magtiwala lang ako sayo..." hinawakan ko ang kamay niya na tila ito ang lakas ko.. ngunit winaksi niya ito.

"I don't love you.. " mahinang saad niya.. i know he is lying.  Hindi nga siya makatingin sa akin..

"I don't believe you.. tingnan mo ko at sabihin mong hindi mo na mahal mo na ako mahal" wala na kong pakialam sa hitsura ko.. i know i look like a desperate brat na nagpupumilit.. but i just don't care.

"I never loved you.. may contrata tayo sa Love Rehab diba?" Madiin niyang saad.

"Pero, we broke it.. hindi na natin tinuloy, because you said you love me.." pinipilit kong ipaalala sakanya ang araw na yun..

"I lied.. sinubukan ko lang.. it is like an exam and tama ako tanga ka padin sa pag ibig.. at nagpapaka desperada ka padin----"

Pakkk

Hindi ko namalayan na nasampal ko na pala sya.. ang sakit sakit mang galing sa bibig niya ang mga salitang iyon.. all those time, akala ko totoo ang lahat.. un pla exam lang.. packing tape..

"Surprise exam? Wow... todo bigay nako sa exam mo.. akala ko papasa ako... un pa pala ang ikakabagsak ko.." tiningnan ko siya ng matalim.. hindi ko lang talaga matanggap ang lahat ng sinabi niya..

Naghintay ako sa sagot nya.. pero tumalikod lang siya at iniwan akong ngumangawa sa labas ng gate nila..
---
So much for that...

Okay naman na din ako..

uhmmm..

medyo..

medyo okay na din.

Nakakabangon na.

Actually, Hindi lang heartbreak ang naramdaman ko nung iniwan ako ni Damion.. inalipusta at Pinagtawanan din ako ng mga school mates ko. Masyado daw kasi akong ambisyosa.

Madalas din ang pag absent ko. Muntik muntikan na din akong mawalan ng scholarship. Buti nalang palaging naandyan si Vanny and Toni para sakin. Sinamahan pa ni Thunder and Fiero, kaya minsan nababawasan din ang lungkot ko. Pero mas madalas pag nakikita ko ang mga pinsan niya, mas naalala ko siya. Hindi na din namin siya napaguusapan.. parang wala lang. Wala kaming Damion na kakilala..

Bahay... trabaho ang naging routine ko. Halos wala na kong pahinga. Pero ito lang ang paraang alam ko para hindi magisip.

Nitong mga nakaraang araw napansin kong mas naging seryoso ako sa buhay. Tila wala ng lugar sa akin ang pagbibiro.. bihira na din daw akong ngumiti, at kung ngumiti man, halatang pilit.

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon