NASH' POV
Friday night.
Masaya ako dahil araw ng sahod ngayon. Dagdag allowance na din yun. Nabanggit ko naman na sainyo diba na nagtatrabaho ako sa isang Cake shop? Well, dalawa lang kaming empleyado sa shift, si Yesha ang ka work buddy ko. Actually, sya din nagrecommend sakin dito dahil naging workmate ko nadin sya last summer job ko.
"Good morning Maam.. Good morning Sir." Maligayang bati ni Yessha sa bagong dating. Ngumiti nalng din ako. Inentertain ni Yessha ang magasawa, samantalang ako ay nagaayos ng display na cake.
"Gusto ko ng 3 cheesecake." napalingon ako sa pamilyar na boses ng nagsalita sa harap ko.
"Nash, alam ko pogi yan, pero sige na ientertain mo na. 3 cheesecake daw oh" bulong ni Yessha sakin.
"whole cake po or slice lang?" Nagaalangan ako, pero pinilit ko maging casual.. trabaho ito ehh. Tinitigan nya lang ako na hindi man lang nabigla.
"Whole", seryoso nyang saad.. "At gusto ko ideliver mo sa bahay yun" dagdag nya pa.
"Hmm, wala po kaming delivery eh.. lahat lang po dito binibili" nakangiti ko pang sambit..
"I said I want you to deliver it at home", mejo naging scary ang boses nya. Kaya nagkatinginan kami ni Yessha.
"Pero sir---" sumabat na si Yessha tutal naman tapos nya ng ientertain ang customer niya.
"I want to speak with your manager" Hala napaka OA naman nito..
"I said, I want to speak with your manager" inulit nya muli kya pumunta na si Yessha para tawagin si Sir Drew.
Mahaba habang usapin ang nangyari at alam nyo ba ang ending? Ayon. nawalan ako ng trabaho dahil daw hindi ako sumusunod sa customer. Dapat daw customer is always right. At di ko ba daw kilala ang customer na yun, anak daw yun ng sikat na bussinesman at pwede nun ipasara ang cake shop nia.. blah blah blah... busett. Eh totoo namang walang delivery service eh, saka nandun nadin naman sya bakit di pa sya ang magbuhat.. Nakakainis.. Saan na naman ako maghahanap ng trabaho nito.. Kung kelan kailangan ko ng extra money at mag eexam na.. Buti nlang binigay sakin isang buwang sahod ko, dagdag pangastos na din yun...
9pm kadalasan natatapos ang part time ko pero dahil sa ngyari 7 pm plang pauwi nako.. Naku lagot sakin bukas ang Damionyong yun.. Tama kayo ng basa si Damion ang gumawa ng eksena kanina kaya nawalan ako ng trabaho.. Nakakainis talaga yun. Di ko man lang naipagtanggol sarili ko dahil sarado na utak ni Sir Drew. Masyado na takot sa Wirth na apelyido ng Damionyong yun.. Buti paglabas ko wala na sya sa cake shop, kung hindi sang katutak na talak aabutin nun sakin.
BEEEEPPPPPPPPPPPPPP
Bigalang may tumigil na sasakyan sa gilid ko. Di ko lang pinansin, baka magpaparking lang. Pero nagulat ako ng umandar din ito at tila ba sumunod sa pag lalakad ko. Natakot naman ako kya naisipan kong tumakbo.. Mahirap na.. Nagkalat pa naman rapist sa daan. At saka gabi na noh..
Lumingon ako ulit sa likod. At laking pasasalmat ko dahil hindi na rin sumunod ang sasakyan.. Hmftt, natakot ako dun ahh..
"Hey why did you run?" biglang may nagsalita sa harap ko. Halos tumakas ang kaluluwa ko sa sobrang kaba. May after shock pa dahil sa sasakyan kanina..
"Buset ka,, ikaw lang pala.. bakit ka ba nanggugulat?" pinaghahampas ko si Damion habang panay ilag naman sya.
"What the heck?! Stop that. Bakit ka kasi tumakbo? " iritadong sagot nya.
"Malay ko ba.. Baka rapist yun. Mahirap na at ska iba na naman kotse mo?" Yun pa tlga napansin ko noh?
"Madami pa kong kotse di mo kailangan imemorize ang hitsura." pormal na sagot nya.
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...