Chapter 39

18 11 0
                                    

Damion's POV

"Sir Damion... Sir Damion..." nagising ako sa mahinang sambit sa pangalan ko.

"May naghahanap po sainyo sa baba.. Nashmiya daw po. At importante daw po. Kanina pa sya dun. Ayaw umalis kya naglakas loob nako na gisingin ka.." tila natatakot na sambit ni Manang.

Tiningnan ko ang orasan 11:30pm. Gabing gabi na ahh.. anu naman pumasok sa isip ni Cassy at pupunta sya ng ganitong oras.. napakadelikado .

Nagsuot lamang ako ng sando at dali daling bumaba.

"Cassy... " mahina kong sambit sa pangalan niya. Nakita ko syang nakayuko at humahagulgol sa may gilid ng gate.

Tila nagulat siya.. pinagmasdan kong maigi ang mukha niyang halatang hapong hapo. Mugto ang mga mata na tila kanina pa umiiyak.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Hindi sya umiimik. Napakahigpit ng yakap nya ngunit patuloy padin sya sa pagiyak. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.. ngiguilty ako.. mahal na mahal kita Cassy pero kailangan ko tong gawin.. hindi para sakin kundi para sa iyo.. balang araw maiintindihan mo din ako..

Matagal kaming nagyakap. Tila ba ang yakap na yun ang tanging pinagkukuhanan namin ng lakas. At paunti unti nararamdaman ko ang pagkalma ng niya. Humihina ang hikbi niya, ang hagulgol ay napalitan ng tahimik na pagtangis ngunit di oa rin sya umiimik. Tila naghihintay ng paliwanag ko. Pero ako? Hindi ko alam kong anung sasabihin ko.. ang alam ko lang sana magkayakap nalang kami.. kami lang dalawa sa mundo na walang complikasyon..

----------------------------------------------------------

Nashmiya's POV

"What are you doing here Nashmiya?" Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Damion ng marinig ko ang boses ni Sienna.. Si Sienna, ang ex gf nya na ngayon pakakasalan niya.. nakasuot lamang ito ng manipis na tela galing sa bahay nila Damion.

Ang alam ko ay matagal na sila ng Mommy nya umalis sa bahay nila Damion. Mula ng hindi natuloy ang kasal nila ng Daddy niya.

Hindi ako makaimik tila napipe ako.. anu nga ba ang ginagawa ko dito? Ano ba ang pinaglalaban ko? Ang pagmamahal ko kay Damion.. ang ilang araw naming relasyon na hindi man lang umabot ng monthsary.. ikukumpara ko ba yun sa haba ng pinagsamahan nila?

"Namigay na ko ng invitation sa school for our engagement.. malinaw naman na siguro un diba?" Mataray na saad ni Sienna.. sa ilang beses namin nagkasama ni Sienna kahit paano tinuring ko na siyang kaibigan. Pero bakit ganun..

"You did what?!" Madiin ngunit mahinang saad ni Damion. So hindi niya alam?

"What's the point of keeping it a secret. It is bound to happen. You are going to marry me. Wag mo ng paasahin sa wala si Nashmiya." Sagot naman ni Sienna..

Knina nung sinabi ni bhess at Tori ang about sa engagement nanlumo ako, pero may parte sa puso ko na umaasa.. umaasa na totoo yung nga sinabi niya sa akin. Na mahal niya ko.. am i again in this kind of relationshit? Shit talaga... bakit kailangan ako ung laging naadik sa love at ang kinakaadikan ko? Lagi akong ni lelet down..

I am looking at him intently, i still can't say anything. I am too flustered to even move. Tila ako estatwang bato na nanonood at nakikinig lamang sa kanilang dalawa. Batong unti unti ng nawawasak, at nadudurog dahil sa tubig na tila unlimited sa pag agos sa mga mata ko. Marami akong bagay na hindi maintindihan, at si Damion lamang ang makakapai tindi sakin ng lahat. Dahil kahit ano pa ang sabihin nila. Alam ko skanya lang ako maniniwala..

"Cassy, i am sorry it is just that... everything is..." namumuo na din ang luha sa mga mata ni Damion.. hinawakan niya ang dalawang braso ko.. nakikita ko ang iba't ibang emosyon sa mata niya.. naguguluhan ba sya? Natatakot? Nagmamakaawa?

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon