NASH' POV
"Hoy bruhita, saang lupalop ka na naman ng earth nakarating?", sabay kunyaring sabunot sa akin ni Toni.
"Huh?", ang talino ko noh? Yun lang ang nasabi ko..
"Bhes,,, may naisip ka na ba if anong magandang booth ang itayo natin?", pag iiba ni Vanny ng usapan..
Oo nga pala, nagmimeeting nga pala kami for the incoming Acquaintance Event. Well, third year na daw kami kaya dapat involved na kami sa mga ganitong bagay. At dahil bussiness course kami, kailangan ang booth namin mapagkakakitaan.. Isasama na din daw kasi sa grading yun eh.
"How about Kissing booth?", suggestion ni Fiero sabay nguso kay Vanny.
"Aber, paano naman tayo kikita jan?" tinampal naman sya ni Toni.
"Don't touch me.. " inalis ni Fiero ang kamay ni Toni. "Eh di, 1 kiss 100 pcs. Ang dami kaya naming fans, diba Kulog?." hirit pa niya.
"Kunsabagay..hihihi", hagikhik na sagot ni Toni. "Pero it is not allowed. Dapat wholesome", sabay bawi niya.
"Alam ko na.. Diba magaling kang mag bake bhessy?," Tudyo sa akin Vanny. At lahat sila napatingin sa akin na tila may bumbilyang tumubo sa ulo nila.
"Huwag nyo siyang masyadong pagurin." sabat naman ni Damion.
"Eh di tulungan mo." suggestion ni Toni.
"I don't know how to bake. Plus, we have employess to make such thing. I don't need to learn that." kontrang sagot naman ni Damion.
"Okay then, I will help her.", biglang sabat naman ni Thunder.
"No, we will help her.. This is a group project remember?" sambit ni Bhessy, Tiningnan niya pa kami isa isa at naghihintay ng reaction. Lahat naman sumang ayon maliban kay Sienna na nakikinig lang. Speaking of Siena, mabuti naman at maayos na siya.
Hindi man ako nagsasalita, excited ako sa plano nila. Makakapg experiment na naman ako ng different flavors.. Siguro naman contribute kami sa ingredients hehehehhe.. Gustong gusto ko talaga ang pag bibake. Hindi nga lang ako makapagbake ng maigi kasi wala naman oven. Nakikidayo lang ako kina Bhessy pag feel ko magbake. Si bhessy nadin bumibili ng ingredients, tutal sya din naman umuubos ehh.
"I suggest, we prepare cocktails for drinks? Baka mabulunan naman mga bibili na customers.", si Fiero yun, may mabuti din naman pala siyang maisasuggest.
"So you mean, parang karendirya?" bigla kong sabat.
"Karendirya? Asan ang ulam teh? Kaloka ka talaga.. Maglagay nalang tayo ng tables. Para pwede take out and dine in. Diba?" Sino pa nga ba.. Eh di si Toni..
Hanggang sa napagusapan na namin na si Siena and Vanny ang sa counter, si Fiero, Thunder at Toni ang magseserve and ako at si Damion naman sa kitchen para magprepare ng orders.. At lahat kami magbibake ng cake.. Well, si Toni sana ang kasama ko sa kitchen kaso hindi pumayag si Damion. Hanggang sa okay naman na lahat. Nakapagtataka nga na hindi umaangal man lang si Siena.
Well, busy week ahead.:)
______________________________________________________________"Hey, mad at me?" tumabi sa akin si Thunder. Nagpapahinga ako sa may bench ng lumapit siya.. Hinihintay ko kasi si Vanny, Sabay kaming uuwi gaya ng kinaugalian.
"Nope?" Hindi naman ako galit sakanya eh.. Kaya nakakapagtaka lang ang tanong niya.
"Well, para kasing iniiwasan mo ko.", saad niya ng may malalim na boses.
"It is obvious.. Kayo na ba ni Damion?." biglang tanong niya.
"Sabagay, by the looks of it.. Mukhang kayo na nga.. Dagdag niya pa. Hindi kasi ako sumagot sa tanong niya..
BINABASA MO ANG
Love Rehab
Teen FictionMeet Nashmiya Cassandra Aragon, ang babaeng masayahin, matalino at higit sa lahat adik na adik sa kanyang boyfriend. Paano kung may isang hot na lalaking lalapit para tulungan syang magrehab sa ka adikan nya? Will she learn to let go of her addicti...