CHAPTER 22

64 19 2
                                    

NASH's POV

"Saan tayo pupunta?" kasama ko si Damion.. May importante daw kasi syang sasabihin sa akin. Sinundo niya ko sa apartment ng maagang maaga. Nagulat pa nga ako, dahil ilang araw din siyang di pumasok.. Minsang tumawag naman ako, babae ang nakasagot. Malamang si Sienna yun, kaya binaba ko nalang at di nako tumawag ulit baka sabihin niya pa feel na feel ko na pagiging close namin. Eh ang totoo sakto lang naman. hehehe

Hindi niya ko pinansin at patuloy lang syang nagdrive. Hanggang dumating kami sa park na pinagdalhan niya sakin noon. Noong umiiyak ako.. Umiiyak dahil kay Mike. Napangiti nalang ako ng wala sa sarili.. Natatawa sa katangahan ko. Siguro kung ganito na ko dati.. Babatukan ko ng todo todo ang sarili ko.. Tama sila ang tanga ko talaga. Pero okay na yun. tapos na. Sa tingin ko naman nakarecover na ko.. Effective din ang Love Rehab ni Damion eh, kaso mukhang nabaling sakanya ang pagkagusto ko. Pero atleast ngayon alam ko na ihandle ang love. Magtitira nako para sa sarili ko. Di na ko masyadong aasa..hmmm.. Slight na lang pala.. hehehe

"Alam mo kamukha talaga itong lugar na to ng dating playground namin ni DK," nakangiti ako habang excited na umupo sa banig na nilatag niya.. Madami syang bitbit na pagkain. Ewan ko ba kung anong nakain niya at may ganito kaming drama.

"DK? Do I know him?" tanong niya sa akin habang isa isang nilalabas ang manggang hilaw sa basket.

"Hindi no, Kababata ko yun.. Alam mo ba miss ko na ngayon eh." nakangiti kong saad.

"Miss mo sya? bakit naman? patay na ba sya?" Tumigil siya sa ginagawa niya at umupo sa tabi ko.

"Ikaw kaya patayin ko jan. Grabe ka ah.. Pero,, di ko na siya nakita. M-matagal na" ayan tuloy, nalungkot na ko.. hmft

"Ano naman namimiss mo sakanya?" Ang dami atang tanong nito ah, pero dahil nasa mood ako, magkwekwento ako.

"Alam mo ba, si DK? sya ang pinaka payat at pinakalampang lalaki na nakilala ko... tapos---, Aray," bigla ba naman ako nakaramdam ng malakas na tapik sa balikat..

"Sorry, lampa lang, ayun dumulas kamay ko, tinamaan ka tuloy... " Masungit niyang saad.. Anu na naman kaya nagawa ko. On na naman ang bipolar mood nya.. Bahala nga sya basta magkwekwento ako..

"Tapos, ang pandak pandak pa niya.. Alam mo ba pagnagtataguan kami, nahihirapan talaga ko hanapin siya, pandak na nga payat pa.. Kaso nahahanap ko din, Alam mo kung bakit? Kasi sinasadya ko lakasan boses ko, matatakutin yun eh.. Lamapayatot nga tawag ng mga kaklase ko sakanya", tawa ko ng tawa sa sarili kong kwento.. Pero pagtingin ko sakanya. Ang sama ng tingin niya.

"Alam mo uwi nalang tayo." Bigla ba naman nagligpit ng kakalabas pa lang niyang mga pagkain...

"Hoy, teka lang.. Di pa ko tapos magkwento about kay DK." inilalabas ko din bawat isinisilid niyang pagkain.. Di ko pa nga nalalasahan yung food eh..

"Ganyan ka ba makamiss?" ang sama ng tingin niya..

"Bakit ba affected ka? Si DK ang pinaguusapan natin, ni di mo nga yun kilala, at saka di pako tapos sa kwento ko.." Inagaw ko nalang ang basket ng pagkain sakanya sabay kuha ng cheese cake at nilantakan ko na.. Mahirap na baka tuluyan ng magberserk to wala ako matikman sa pagkain ni isa.. bwahahaha.

"Ang takaw mo.." umupo nalang din sya ulit pero ngayon nasa harap ko na sya umupo.

"Kain ka din oh, masarap." kumuha pa ko ng friend chicken at spaghetti, nagutom ako bigla eh.." Pagpapatuloy ko na yung kwento about DK, okay?" Binigyan ko din sya ng makakain.. Baka sabihin niya ako umubos ng baon niya..

"Wag na, nakakawalang gana ang kwento mo." hindi niya inabot ang pagkain at yumukyok na lamang siya..

"Pero alam mo.. kahit payat, pandak at lampa yun si DK. Siya ang knight in shining armor ko.." tumigil ako sa pagnguya at napangiti.:) Napansin ko din dahan dahan niyang tinaas ang ulo niya at tumingin sa akin.

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon