CHAPTER 5

151 31 0
                                    

---------------------------------------------------------

NASH' POV

Friday na.. Naging mabilis ang takbo ng araw.. Nasasanay na din ako sa katabi kong yelo at sa weirdong mga titig nito. Pero di parin ako nasasanay sa bigla bigla nyang paghigit sakin papunta sa kung saan man. Kung dati bihira kaming magkausap ni Mike. Ngayon halos hindi na talaga.. Palagi kasing nakabuntot itong si Damion. Di ko alam kung bakit. Di naman kami close. Ang bffs ko naman? Ewan ko ba. Parang may kakaiba sa kanila, di ko mawari kung ano. kapag tinatanong ko naman sila laging wala naman sagot nila. Pero alam kong meron. Meron. Meron at Meron.

Dahil P.E. ang first class namin tuwing friday ng umaga, dumiretso na ko sa SAU forum. Dun Kadalasan ginaganap ang mga sports event at dun din naglalaro ang mga basketball players. Noong bago plang kami ni Mike madalas tambay ako dito, nanonood ng practice nila, kaso naging busy na scheds namin. Saka kailangan ko imaintain scholarship ko, kaya nabusy sa school. Nagdesisyon akong umupo muna sa gilid. Maaga pa naman. Tska kailangan ko ng makausap si Mike. Gugulatin ko sya. Di muna ko papasok sa loob para sabay kaming pumasok diba? hehehe Sa text nalang kasi kami nagkakausap, ang iikli pa.. Miss na miss ko na talaga sya..

Lalabas na sana ko sa lunggang pinagtataguan ko ng may bigla akong narining na naguusap sa isang stock room ng forum.

"Ano ba Anika?! Baka makita tayo ni Nash. Malapit na magstart ang klase, sigurado papunta na yun dito." Si Mike yun a, mas maaga pa sya dumating sa akin? Akala ko ba malilate sya kaya di nya ko masusundo? at si.... si Anika ang kasama niya?

"Mike naman eh, kaya nga maaga tayo pumasok para makapagquality time. You know, we need that.. i miss yku na kayaa... muahhh". tama ba ang rinig ko? No no no.. imagination ko na naman toh..

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nauupos ako na ewan. Ayaw kong maniwala na naririnig ko pero tila totoo ang mga pangyayari. Sa totoo lang madami ng nagsasabi sa akin na niloloko lang ako ni Mike. Na hindi nya naman talaga ako mahal, na ginagamit nya lang ako para may taga gawa siya ng project at iba't iba pang paratang. Pero malapit na kami magtatlong taon. Tatagal ba kami ng ganito kung di nya ko mahal? Sabi nila, masyado daw siyang out of my league. Kailangan pa talaga ang categorya sa pag ibig?

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Lalo ng makarinig ako ng iba't ibang uri ng tunog na hndi pamilyar sa akin. Hindi ko kayang mawala sa akin si Mike.. Mahal na mahal ko sya.. Gusto kong umalis sa pagkakaupo ko ngunit di ako makakilos. Namagnet na ata pwet ko sa upuan..

"Hoy, sino ang tao jan. isusumbong ko kayo sa prinsipal." sabay kalampag ng pintuan sa stock room. si Damion? anong ginagawa nya dto? at bakit kailangan nya pang ibahin at patigasin boses nya? Tiningnan nya ko at hinigit na naman. Nagpatiunod nalang ako dahil di na ko makapag isip ng maayos. Ni hindi ko nga namalayan na hindi sa forum ang punta namin. Sa roof top niya ko dinala.

Nakaupo lang kami doon, magkatabi, walang nagsasalita. Ako? lumuluha lang ng lumuluha. Siguro mabuti nadin yun na dito niya ko dinala, para walang ibang makakita sa pag iyak ko.

Tumalikod ako sa kanya at sumandal patagilid sa likod ng upuan. Gusto kong sumigaw. Ang daming tanong sa isip ko. gusto ko kausapin si Mike. Pero mamaya na. Ayaw kong malaman nya na may narinig ako. Ayaw kong mawala sya sakin. Siguro.. Siguro kya nya lang yun nagagawa dahil may pangangailangan sya.. Sabi ng science teacher namin normal daw yun sa gantong edad. Curious kung baga.. Ska Playgirl din naman yun si Anika.. Siguradong walang ibang ibig sabihin iyon.. Alam kong ako padin ang mahal niya.. Alam ko at sigurado ako, tatangapin ko ano man ang dahilan nya. Wag lang syang mawala, mahal ko sya eh.

Dala ng samo't saring emosyon, puyat at pagod. Di ko namalayang nakatulog na pla ako. Alas onse na ng magising ako, halos dalawang oras din pala ko nakatulog. Nagising akong medyo nangangalay ang leeg at may nakasuot na itim na jacket. Kay Damion to ah.. Asan na ba yun? Tsk! iwanan ba naman akong magisa at tulog dito. Ilang klase na din ang namiss ko. Kailangan ko ng bumaba at magpanggap na walang ngyari. Napagdesisyunan kong wag ng tanungin si Mike. Di ko kasi alam kung makakaya ko ba ang isasagot nya sa mga katanungan ko. Basta ang alam ko. Di ko kakayanin kapag nawala sya sa akin. Okay lang magpanggap na okay lahat. Okay lang kahit ako na ang Most Tanga Awardee. Okay lang lahat ng panlilibak nila. Titiisin ko hanggang kaya ko. Siya nalng ang nagmamahal sa akin bukod kay bhessy. Ayaw kong mawala sya.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bumaba nako, pero sa library ako dumiretso. Napagdesisyunan kong icut nadin ang last subject sa umaga. baka kasi magtaka ang mga classmate ko bakit di ako pumasok sa P.E. namin. Umupo ako sa pinakadulo at pinaka tagong pwesto. Pasimple kong kinuha ang cellphone ko...

15 missed calls..

8 messages..

halos lahat galing sa bhessy ko. at 3 kay Mike.. Yun agad ang unang binuksan ko.

from: Hubby ko:)

--Baby, bakit ka absent? may sakit kba?

from: Hubby ko:)

--Baby, sagutin mo naman tawag ko please.. nag aalala nako..

Di ko alam if matutuwa ba ko sa messages nya o maiinis dahil, ang sweet nya padin despite sa ginawa nya kanina. Pinili ko nlng matuwa.. Siguro nga hormones lang un, sguro masyado nya kong nirerespeto kya di ako ang binabastos nya.:) Mahal nya talaga ko...

(baka naman, masyado kang pangit at di kaakit akit kaya di ka nya mahalikan man lang sa lips?) kontrabidang isip toh hmft.. inaaway ang puso ko.

To: Hubby ko:)

--Okay lang ako. Nakataulog kasi ako ulit. pero papasok na ko mamaya.. i love kita Hubby ko.. wag kang mawawala sa akin ah?

At dahil energized na ko sa messages niya. Okay na ko kahit paano. Basta anjan lang sya sa tabi ko. Kahit may i-ano pa syang iba. Basta ako lang mahal niya kontento nako.. Practice muna sya sa iba... hehehe.. at pagready nako.. kami naman magpapractice hehehhe.. hmmm wahhhh bata pa ko...

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinulit ako ng kinulit ng bffs ko kung bakit di daw ako pumasok ng umaga. nagaalala daw sila, ska di man lang daw ako nagmessage.. Ngumiti lang ako sa kanla at tiningnan ang bakanteng upuan sa tabi ko.. Asan si Damion? Pumasok din kya sya kaninang umaga kya nya ko iniwan sa roof top? Wag kayo mag isip ng masama ah.. Loyal kya ako sa Hubby ko. magpapasalamat lang ako sakanya. dahil dinala nya ko sa lugar kung saan makakapagisip ako ng tahimik at sympre sa jacket nya na din. Kahit iniwan nya ko magisa dun. Keri lang naman..

Wala pa din si Mike, pero andun na si Anika. Kya sympre kampante akong hindi sila magkasama.:))

Dumating na ang proof namin at nagsimula na ang klase ngunit wala pa din sina Mike at Damion. Naku naman si Mike nagpapamisss. tatanungin ko sana si Anika, kaso bka masupalpal na nman ako.. Ako gf tapos di ko alam if nasaan.. Haaaaaaisttt.

Natapos ang klase namin sa hapon ng di ko nasilayan ang dalawang yun.. Tinadtad ko na din ng message at misscall si Mike pero wala padin. Di ko naman alam number ni Damion kaya di ko alam paano ko sya mapapasalamatan at tanungin nadin..

Sabay kami ng mga bffs ko na naglakad palabas ng gate. Kwentuhan lang sila ng kwentuhan samantalang ako lutang ang isip.

"Damion!" napalakas ata ang sigaw ko kya natigilan ang mga bffs ko at tiningnan ako.

Shit! di pla si Damion. Nkajacket ksi ng itim eh.. at pareho kapag nkatalikod.. Haaaist ano ba naman itong isip ko naghahallucinate na namn.

"Bakit? namisss mo ko? ang layo ko naman sa hitsura ng kutong lupa na yun." nagulat ako ng magsalita ang totoong Damion sa likod ko. Nakangisi pa at tila ngaasar. Tiningnan ko din ang dalawa kong bffs na halatang nagulat sa pagsigaw ko sa pangalan ni Damion. Di ko nga pla sinabi sa kanila yung nangyari kanina. Ayaw ko mabadshot sila lalo kay Mike..

"A-S-A" magwowalk out nalang sana ako dahil sa kahihiyan ng..

"Dam, anong ngyari sa bibig mo? nakipag away ka ba?" si Vanny yun ah.Ano tawag nya kay Damion? Dam? Close sila? tiningnan ko ang labi nya at nakita ko ngang putok ito..

"Ang dami kasing tangang nagkalat", yun lang sagot nya sabay tingin sakin.. Bakit pag sinsabi nya ang TANGA, parang laging ako pinaparinggan nya?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

It is the Boy's POV on the next chapter:))))

Keep reading...

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon