CHAPTER 29

70 19 0
                                    

NASH' POV

Naglakad lang ako ng naglakad. Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa paboritong taguan ni Thunder.. Hindi naman siguro siya magagalit kung hihiramin ko ito saglit. Iiyak ko lang ito. Ang bigat kasi sa pakiramdam. paulit ulit ulit ulit nalang. Kelan kaya ako magiging masaya ang lovelife ko? Well, siguro hindi lang talaga ako ka mahal mahal. Sarili ko ngang pamilya hindi ako mahal. Ibang tao pa kaya..

"Kasalanan mo yan Nashmiya.. Alam mo naman sa umpisa pa lang na matatalo ka, sumugod ka pa din.. umasa ka pa din.. Wala eh.. Tama sila tanga ka talaga.. Sino ba kasi nagsabi sayo na umasa ka? Kaibigan ka niya.. Alam mo kung gaano sya ka mapaglaro,", paninisi ko sa sarili ko..

Nababaliw na talaga ako.. Malay ko ba na pati ako mabibiktima niya? Tanga eh.. Wala na atang gamot to.. Ang hirap pala maging hopeless romantic.. Hahaha. Walang perfect love story at lalong walang for ever.. Sa konting panahon na naging close kami ni Damion, narating ko ang sukdulan ng kasiyahan.. Iba si Damion ibang iba sya.. At alam nyo yung mas masakit? Mas nasasaktan ako ngayon.. Kahit hindi naging kami ni Damion. triple ang sakit na nararamdaman ko ngayon kesa nung nawala si Mike sa buhay ko..

Sinabunutan ko ang sarili ko.. Ang sakit na ng ulo ko.. Siguro dala na din ng puyat at kakaiyak tumakas ang kaluluha ko at nakatulog ako..

__________________________________________________________________________________

THUNDER's POV

Naku naman.. Bakit nadamay ako sa usaping ito? hmmm sge na nga, ipapaalam ko na sainyo ano nasa isip ko..

"WTF Damion.. Ano ba sinabi mo may Cassy at nakita ko syang umiiyak?", sinundan ko si Damion sa kwarto niya. Ang totoo niyan matagal na kong nakamasid sa kilos ng pinsan ko.. Alam kong mahal niya na si Cassy.. Halata naman.. Pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit pinipilit niyang magpanggap na sila ni Siena sa harap ng lahat. Maloko man nila lahat, pero hindi ako.. Alam kong mga bata pa lang kami si Damion at Cassy na ang para sa isa't isa.. Kaya nga gustong gusto ko binubully si Cassy dati eh. Para may rason ako para awayin si Damion. Hahaha.. Babaw ko ba? Mali man sabihin pero, sa aming tatlong mag pinsan. Damion is always the best.. He is excellent in everything with out making effort. Kahit basagulero yan, sya pa din ang favorite sa pamilya namin.. Even the girl I love.. Sya din ang mahal .. Ang saklap diba? Oo na. Siya na ang minamahal ng lahat.

"I told you not to call her Cassy," yun lang ang sagot niya?

"Damion, sigurado ka ba talagang hindi mo mahal si Cassy?", seryoso kong tanong sa kanya..

Tiningnan niya lang ako ng masama.

"Eh si Siena?," mahina kong dagdag..

"Go away kulog.. I don't need you here.", pagsusungit niya pa.

"Kasi kung hindi mo na talaga siya mahal.. Kukunin ko siya sayo.", doon lang napatingin sa akin si Damion.

"Go get her.. I don't love her any more.", walang gana niyang saad.

"Are you serious? Kasi pagkinuha ko sya sayo.. Wala ng bawian.. Bro's code.. So I am giving you a chance na baguhin ang sagot mo..", paghahamon ko sa kanya. I hope we are talking about the same girl.

"Yeah right, alam ko. You are deeply inlove with her. And I don't care, Mas okay na siguro yun para maging masaya kayo pareho.", humiga pa ito sa kama niya.. Mukha ngang walang pakialam..

"Okay, alam ko malapit ka sakanya, so well, kaya ipapaalam ko sayo na.. Liligawan ko na siya. Tutal naman nagusap na tayo..", Last hirit ko pa.

"I said go! You know, she likes dark chocolates and red tulips, bigyan mo baka sakaling sagutin ka agad.", aba nagbigay pa ng advice. Hahaha..

Love RehabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon