Chapter 11: Anger

19.6K 834 426
                                    

(AN: Big thanks to A.G.D on tiktok for recommending my story(Into You), sana masarap ang ulam mo ^_^)

~~~

Malaya's POV

Nagmaneho na ako pabalik sa school. Pagdating ko ay pinuntahan ko agad si Miss Herero sa office n'ya but she's not there dahil nakailang katok na ako ay wala paring sumasagot. Hindi ko na alam kung saan ko s'ya hahanapin. Kung may klase man s'ya ay hindi ko rin naman alam kung saan kaya wala akong choice kundi maghintay sakan'ya.

Napatingin ako sa wristwatch ko, malapit na rin namang mag lunch break kaya maghihintay nalang ako dito sa tapat ng office niya.

When the bell rang, agad akong umayos nang tayo because I saw Miss Herero walking elegantly. Almost all eyes are on her, ni muntik kong makalimutan kung bakit ako nandito.

Her face looked surprise when her eyes landed on me but she immediately fixed herself. Naglakad s'ya palapit sa akin.

"Miss Herero, I have something to tell you", walang paligoy ligoy na usal ko. Pero hindi n'ya ako pinansin, binuksan n'ya ang office n'ya at tuloy tuloy na pumasok.

Pumasok na rin ako without her permission.

"And who told you to come in?" She seriously asked. Her cold stares is giving me chills. Ramdam ko mula sa loob ko ang kaba but I remain composed.

"I have something important to say, Miss", I politely stated. Tinaasan n'ya lang ako ng kilay.

Inilapag n'ya ang mga gamit n'ya sa ibabaw ng table. Nakita ko pa 'yong gift ni kuya sakan'yang bulaklak sa tabi no'n. I clenched my jaw when I remember what kuya Owen did.

"I'm busy." Sagot niya lang at naupo sa silya n'ya. She opened her laptop and starts doing something.

Pumunta naman ako sa tapat niya, sa harapan n'ya mismo. "Miss, it's really important", usal ko pero hindi parin n'ya ako tinapunan ng tingin. Bahala na, walang pagdadalawang isip kong sinabi ang kanina ko pang dapat na sasabihin. "Kuya is cheating on you."

Agad napaangat ang tingin n'ya sa'kin. Her facial expression remains the same, walang nagbago, seryoso lang. Hindi manlang nagulat o ano kaya parang ako 'yong mas nagulat sa'ming dalawa.

"We're over", 'yon lang ang naging sagot n'ya at tinuloy na ang ginagawa sa laptop. Hindi ako makapaniwala sa inaakto n'ya.

"Wala kang gagawin? O sasabihin? That's cheating dahil kanina lang nakita ko s'yang may kahalikang iba!" Medyo tumataas na ang boses ko. Hindi ko mapigilan because I can't stand her reaction, wala talaga s'yang gagawin?

"Shut up and leave me alone." She coldly said at tinapunan na ako nang matalim na tingin. Tumayo na rin s'ya sa silya n'ya at nakipagtitigan sa'kin. Hindi ako nagpatalo.

"You're over or you're just blinded by the truth, huh?" Mapanghamon kong tanong. "Or were you tolerating him all along?"

I saw how her fist tightened. Nagsasalubong na rin ang kilay n'ya.

"Yes, he used me. Are you happy now?" Her words are becoming sharp dahil ramdam ko na do'n 'yong diin.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa pag amin niya. Kung maiinis ba ako, magagalit o masasaktan para sakaniya.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon