Chapter 32: Bracelet

18.7K 832 319
                                    

TW⚠️: Self Harm

Malaya's POV

Nakauwi na ako ngayon sa bahay. Mas gumulo na ang isip ko. Hindi ko alam kung anong una kong iisipin. Nagpagulong ako sa kama habang nagsisigaw.

"Free," napaayos ako nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Boses 'yon ni kuya kaya tumayo ako para pagbuksan.

"Bakit kuya?" Binuksan ko nang mas maluwag ang pinto, pumasok naman s'ya.

"Wala lang, gusto lang kita kausapin." Wika n'ya habang nakakrus ang braso sa harapan ng dibdib.

"Tungkol saan?" Tanong ko naman. Bumalik ako sa kama ko at pasalampak na nakupo, sinandal ko ang likod ko sa headboard.

"Sainyo ni Avi." Nakangising wika n'ya. Napabuntong hininga naman ako. Ngayon pa talaga magtatanong si kuya e masama loob ko. "Bakit gan'yan itsura mo?"

"Pa'no mo nalaman about sa'min?" Tanong ko. Masyado na ba kaming obvious?

"Harm told me, tsaka halata ko na rin. Ikaw ha, 'di ka agad nagsasabi." Wika ni kuya, kunyaring nagtatampo pa. Naupo rin s'ya sa kama ko.

"Ikaw rin kaya kuya." Parang batang wika ko naman.

"Iba naman kasi 'yong samin ni Kief." Wika n'ya naman. Gan'yan na gan'yan din sinagot ko kanina kay Carol. Magkapatid nga talaga kami.

"Kuya, may tanong ako." Huminto ako sandali. "Si Avi ba, may anger issues, gano'n?" Tanong ko. Parang nagulat naman s'ya sa biglang tanong ko.

"Hindi ko alam kung dapat kong sabihin pero dahil kapatid naman kita and I don't want to lie to you. Yes, may anger issues s'ya kaya gano'n reaction namin ni Harm no'ng nagkasagutan kayo." Paliwanag ni kuya.

Hmm, that explains her actions about sa pag-taob ng lamesa, pati 'yong nangyari sa kwarto n'ya.

"But are you two okay now? Hindi ka naman n'ya sinasaktan?" Tanong n'ya. "You know, people with anger issues can't control thei anger kaya kung anu-ano nagagawa nila." Dugtong pa ni kuya.

"Wala naman, kuya" sagot ko.

Mukhang napipigilan naman n'ya pagdating sa'kin. It's just that, masyado s'yang masikreto kaya kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko. Isama pang nagsinungaling s'ya sa'kin. Pero hindi ko parin naman s'ya pinagbibintangan hanggang ngayon. I just need to know her explanation and if it's reasonable then good, wala akong dapat ipag-alala kasi pwede namang kaibigan n'ya 'yong hinatid n'ya dahil nakasalubong n'ya sa kung saan.

"Mabuti kung gano'n. Pero if ever na may ginawa s'ya, tell me, okay? Kasi kaibigan ko s'ya pero kapatid kita. Mas matimbang ka parin sa'kin." Nakangiting wika ni kuya kaya napangiti rin ako.

"Alam ko naman 'yan, kuya." Naisip kong itanong sakan'ya 'yong dati pang gumugulo sa isip ko. "Kuya, kasi 'di ba nagpanggap kayong mag-bf-gf ni Avi dati? Ano 'yong reason para mapapayag mo s'ya?" Kuya's smile suddenly faded. Biglang nagseryoso ang mukha n'ya. "Pero ayos lang naman kuya kung hindi pwedeng sagutin." I smiled awkwardly.

"I saved her life." He stated firmly.

My mouth formed an 'o'. Kaya pala, so that's her reason kaya galit na galit s'ya sa pangungulit ko dahil buhay ang pinag-uusapan. I understand her now pero sana makaya na n'yang icontrol. Maybe I can do some research para makatulong mawala 'yong anger issues n'ya.

"Ano ba nangyari no'n, kuya? Pa'no mo s'ya sinave?" Kuryosong tanong ko. Hindi agad sumagot si kuya. Okay, mukhang ayaw nanamang ipaalam sa'kin. "Ay 'wag ma pala. Ano nalang, matagal na kayo ni kuya Kiefer?" Iniba ko nalang ang tanong.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon