Chapter 42: Second Chance

21.9K 837 226
                                    

Malaya's POV

Days had passed. Tinupad ni Avi ang sinabi n'yang maghihintay s'ya sa decision ko. And since my movie with Gael is cancelled, wala pa muna akong work so I have more time to think.

I texted her.

To Avi:
Can we meet? If you're not busy.

From Avi:
really? where? now?

To Avi:
Yes, if you're not busy. Sa cafe, kung saan mo ako hinatid no'ng tinulungan mo 'ko.

From Avi:
okay, okay, i'll just get ready. see you.

To Avi:
Okay.

Gumayak na rin ako. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon lang ulit kami magkikita matapos no'ng gabing sinabi n'ya lahat. Natagalan ako sa pagpili ng damit, in the end, nag white dress nalang ako na galing sa regalo ng fans. Sa tuwing may mga regalo akong natatanggap, hindi nawawala ang puti.

I checked my self on the mirror first before going out. I look presentable naman. Naglagay din ako ng light make-up.

I'm driving my car papunta sa tinutukoy kong cafe. The cafe is made out of glass kaya kitang kita mula sa labas ang mga tao sa loob. Nag-park muna ako ng sasakyan and I can see Avi from here. Palingon-lingon sa paligid. Napangiti ako. She's really pretty. Habang tumatagal, mas gumaganda talaga s'ya. She's 27 now but still look young, parang kaedad ko o mas bata pa sa'kin kung titingnan.

"Good morning, ma'am." Nakangiting bati ng isang crew. Mukhang nagulat pa ito sa akin pero agad ding nakabawi.

"Good morning." Sinuklian ko rin ng ngiti. I love people who greet me with smile. Wala, nakakaganda lang ng mood.

Naglalakad palang ako palapit sa table na inuukupa ni Avi ay nakatingin na s'ya sa'kin. She's looking at me as if we haven't see each other for a long time kahit ilang araw lang naman ang nakalipas.

"Hi, good morning." I greeted her with a sweet smile. She stand up and was about to embrace me pero hindi n'ya yata alam kung paano kaya ibinaba n'ya rin ang braso n'ya. Cute.

Kaya lumapit ako sakan'ya. I felt her body stiffened pero yumakap din s'ya pabalik. Her sweet scent is filling my system. She always smell good. Ilang segundo lang ay nagbitaw rin kami sa yakap.

She cleared her throat before speaking. "Good morning," she paused for a second. Pinasadahan pa n'ya ng tingin ang kabuoan ko. "You look gorgeous."

Pakiramdam ko ay namula agad ako sa simpleng compliment n'ya. "You too, Miss Avi." Sagot ko pabalik.

"Let's take a sit." Pormal n'yang usal habang nakalahad ang kamay. Instructing us to sit. Parang hindi ako sanay na ganito kami. May pinagsamahan naman kami e, mas lalong nakakailang maging pormal pero hayaan ko muna. We're still adjusting.

Nagtawag muna kami ng waiter para sa order namin, tag-iisang coffee lang kami at slice ng cake.

"How are you?" Sabay pa kaming nagtanong kaya nagkahiyaan nanaman kami.

"I'm fine." Nagsabay nanaman kami sa pagsagot kaya natawa kami pareho.

"Can we just loosen up? Nakakailang maging pormal." Nakangiting wika ko. Hindi naman 'yon sound rude dahil inayos ko naman ang tono ko to still sound polite.

"Yeah, I agree. But I was just mesmerized. You look really pretty in white." Puri nanaman n'ya sa'kin. Pasimple kong kinagat ang labi ko para itago ang ngiti.

"I don't know. White has never been my favorite color but some people really inspires me to love white." Tumatango-tangong sagot ko. I also thank those people na hindi nagsasawang magbigay ng gamit na kulay puti. Ang ganda rin kasi sa mata, magaan.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon