Chapter 4: Double Kill

21.8K 936 151
                                    

Malaya's POV

"Saan mo icecelebrate birthday mo, Owen?" Tanong ni mama kay kuya. Birthday na ni kuya sa susunod na linggo at medyo kinakabahan ako dahil paniguradong invited ang girlfriend n'ya.

On the past days, I really did try my best na huwag makasalamuha si Miss Herero. Umayon naman ang tadhana dahil hindi ko na s'ya nakasalubong o nakita, pero halos nakikita ko naman ang mukha n'ya dahil sa teacher ko ang kambal n'yang si Miss Harm.

"Gusto ko ng beach party, ma", masiglang sagot ni kuya. "Ano sa tingin mo, kapatid?" Tanong pa sa'kin nito.

"Maganda naman beach party, kuya", sagot ko naman. Maganda naman talaga, mukhang mas ayos din 'yon dahil maluwang ang gano'ng place, mas makakaiwas ako sa mga dapat iwasan.

"Sige, do'n nalang, ma", sagot ni kuya kay mama. "Invite mo friends mo, ha", baling n'ya naman sa'kin. Tumango lang ako. Medyo nabuhayan din ako ng loob dahil kapag nand'yan friends ko ay mas mapapanatag ako.

"Ayos ka lang, baby?" Mama asked. Napatingin naman agad ako sakan'ya, she looks concerned.

Ngumiti ako bago magsalita. "Syempre naman, ma", pilit kong siniglahan ang boses ko.

"Samahan mo nalang ako maghanap ng venue, ayos?" Biglang tanong ni kuya. Napansin na yata nila ang pagiging tahimik ko.

Actually, sa mga nakaraang araw ay gumugulo talaga 'yon sa isip ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay kuya. I'm afraid of his possible reaction. And mas natatakot akong kay Miss Herero pa n'ya malaman. Siguro, I'll just tell him after his birthday para hindi ko masira ang kaarawan n'ya.

"Sige, kuya. Ngayon na ba?"

"Oo, bihis ka na", kuya replied.

Nagbihis na nga ako, si mama na ang naiwan. My dad is not home dahil masyadong busy sa trabaho pero wala naman s'yang pagkukulang sa'min. He's still present on important events like birthdays, graduation, holidays and all.

"You okay?" Biglang tanong ni kuya habang nagmamaneho.

"Yuuup", I answered na sinamahan ko pa ng tango.

"Parang hindi", sagot naman ni kuya, tila hindi kumbinsido. "Come on, tell me. May problema ba? You don't like the idea of celebrating my birthday on beach? Saan mo gusto?" Sunod sunod na tanong pa n'ya.

"Ano ka ba kuya, wala akong problema do'n. That's your birthday", sagot ko naman. Parang ewan 'to si kuya, ako pa papipiliin kung saan s'ya magcecelebrate.

"Daan nalang tayo sa fave ice cream shop mo", he said while smiling at me na agad n'ya ring ibinalik ang tingin sa daan.

Ang bait ni kuya, simula pagkabata gan'yan na s'ya kaya mas lalo akong nakukonsensya sa ginawa ko.

Dumaan nga kami sa paborito kong bilihan ng ice cream. Sabay kaming pumasok at pumili ng pwedeng bilhin.

"Your all time favorite--chocolate", wika ni kuya sabay abot ng isang maliit na bucket ng chocolate ice cream. Ngiting ngiti naman akong inabot 'yon. Bukod sa paborito ko ay ito rin ang comfort food ko.

"Ice cream lang pala makakapagpangiti sa'yo, e", wika ni kuya nang mapansin n'ya ang reaction ko. Nginitian ko lang ulit s'ya. Bumili rin si kuya nang para sa sarili n'ya at bumalik na kami sa sasakyan.

Nagmamaneho na ulit si kuya. Hindi ako pamilyar sa dinaraanan namin dahil mukhang nakalayo na rin kami kaya pinagmamasdan ko lang ang nadadaanan sa paligid. Bigla kong nasipang magtanong kay kuya.

"Kuya", tawag pansin ko.

"Hmm?"

Huminga muna ako nang malalim. Hindi naman s'ya nakatingin sa'kin pero alam kong nakikinig s'ya.

𝐓𝐰𝐢𝐜𝐞 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐓𝐢𝐦𝐞 [Herero Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon